Jonalyn Viray says provincial performances with La Diva widen their audience base

Jonalyn Viray, together with her La Diva groupmates Aicelle Santos and Maricris Garcia, is becoming a regular at provincial shows of GMA-7. For the former Pinoy Pop Superstar champ, this is a great opportunity: “Siyempre, masaya and we feel very lucky, kasi aside from nae-expose kami sa iba’t ibang provinces, nare-reach out din namin ang ibang Kapuso.”


Nagpapasalamat si Jonalyn Viray, naging Pinoy Pop Superstar champion, dahil napapadalas ang pag-perform ng grupong kinabibilangan niya, ang La Diva, sa iba’t ibang probinsya.

Noong Biyernes, August 10, saksi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginawang pagtanggap kay Jonalyn, pati na ang kagrupong sina Aicelle Santos at Maricris Garcia, sa launch ng originating station ng GMA-7 sa Bicol.

Pinalakpakan nang husto ng audience sa Avenue Hotel ng Naga City, Camarines Sur, ang pagkanta nina Jonalyn.

Sa maiksing pakikipag-usap ng PEP.ph at iba pang media kay Jonalyn, sinabi niyang malaking tulong talaga ang mga event na tulad nito para lalo pang makilala ang kanilang grupo.

“Siyempre, masaya, and we feel very lucky, kasi aside from nae-expose kami sa iba’t ibang provinces, nare-reach out din namin ang ibang Kapuso.

“Siyempre, masaya rin po kasi bihira lang ang ganung chance,” dagdag pa ni Jonalyn.

Bagamat matagal nang magkakasama sina Jonalyn, Aicelle, at Maricris, hindi naman sila nagpapabaya sa pagpapanatili nang maayos ang pagtatanghal nila sa publiko.

Sabi pa ni Jonalyn, “Basta lagi naming sinisigurado na seryoso kami sa kinakanta namin, at ’binibigay namin ang best namin para maihatid ang message ng song sa kanila.”

INDIVIDUAL PERFORMANCES. Aminado si Jonalyn na mas marami na ngayong bagong music talents. Pero hindi naman daw nababahala ang kanilang grupo dahil regular ang kanilang rehearsal sa tuwing may mga performance.

Isang advantage din daw ang matagal na nilang samahan dahil mas sanay na sila sa pagpe-perform kasama ang isa’t isa.

Dagdag pa ni Jonalyn, “Siguro bilang mahigpit na rin po ang kumpetisyon ngayon sa industry, marami na ring lumalabas na artista at singers, kailangan na rin po naming mag-isip ng ibang move.

“Kumbaga, naipakita na namin yung talent namin as a group.

“I think this time, i-explore naman namin yung individuality namin para po hindi nawawala sa amin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin pa niya, “Kumbaga, aside sa group kami, mayroon din po kaming individual performances para we can keep up pa rin sa mga solo.”

Sinabi rin ni Jonalyn na mahalaga rin sa kanila bilang grupo ang pagbibigayan sa tuwing nagpe-perform sa publiko.

“Siyempre, we’ve known each other since 2005, noong Pinoy Pop Superstar days namin.

“Alam na po namin kung ano yung strength at weaknesses ng bawat isa.

“Basta we support each other, nagtutulungan po when it comes to performances. Walang sapawan, bigayan po talaga.”

CAREER FIRST. Samantala, sa pagkakataong ito, tinanong na rin ng PEP si Jonalyn tungkol sa kanyang lovelife.

Matatandaan na kamakailan ay napabalitang nagkaroon siya ng relasyon sa commercial model na si Arran Phil Sese. Pero hindi rin umano ito nagtagal.

Sa ngayon, sabi ni Jonalyn ay wala siyang boyfriend.

Katuwiran niya, “Kahit plastik man pakinggan, showbiz man pakinggan—ako, I take it seriously na career talaga muna.

“Mayroon pong mga nagpaparamdam, pero priority ko po talaga ang trabaho.”

Bumalik na sa Maynila kahapon, August 11, ang grupong La Diva para sa kanilang regular stint nila sa Sunday noontime show na Party Pilipinas.

May live telecast din mula sa Legazpi, Albay, ang Party Pilipinas, kung saan ilang Kapuso stars ang makikipagdiwang para sa Ibalong Festival ng probinsya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN