Jasmine Curtis-Smith takes time to help flood victims

Jasmine Curtis-Smith, sa pagbigay-tulong sa naapektuhan ng baha at ulan noong nakaraang linggo: “In my family malaking bagay ang pagtulong sa ibang tao. Feeling ko nagsimula ’yan sa mama ko kasi… yung puso ng mama ko, talagang very giving. Natural na yun para sa kanya. So from her, na-instill na rin yun sa ‘kin, na gusto ko makapagbigay sa community ng kung anuman meron ako. Or kahit kokonti lang na puwedeng i-share. Talagang it’s within


Ilang araw ring mamamalagi sa bansa ang Kapatid star na si Jasmine Curtis-Smith. Dumating siya noong Huwebes, August 9, 2012, mula Australia.

Paroo’t parito si Jasmine dahil kasalukuyan niyang tinatapos ang high school sa Australia, at kapag free periods ay umuuwi siya sa Pilipinas upang tuparin ang showbiz commitments.

Sa panayam sa kanya ng Ang Latest ng TV5 noong Sabado, August 11, inamin ni Jasmine na hindi nakaplano ang kanyang pag-uwi ngayon.

Umuwi daw talaga siya upang makibahagi sa pagtulong sa mga nasalanta ng Habagat.

Mula airport, dumiretso si Jasmine sa repacking station sa may TV5 Novaliches upang tumulong sa pagbabalot ng mga goods na ipamimigay ng Kapatid network sa mga biktima ng nakaraang kalamidad.

Kuwento ni Jasmine, “Kakagaling ko lang sa Australia. Twenty-four hours na walang food, walang electricity, walang bahay.

“So dun lang kami sa labas ng school. Winter time, so sobrang nginig kami.

“Tapos after ng 24 hours na yun, dumiretso na ’ko sa airport para naman makatulong sa mga apektado ng baha dito.”

Ayon pa kay Jasmine, hindi raw bago sa kanilang pamilya ang tumulong sa nangangailangan.

“In my family, malaking bagay ang pagtulong sa ibang tao.

“Feeling ko nagsimula ’yan sa mama ko kasi… yung puso ng mama ko, talagang very giving. Natural na yun para sa kanya.

"So from her, na-instill na rin yun sa ‘kin, na gusto ko makapagbigay sa community ng kung anuman meron ako. Or kahit kokonti lang na puwedeng i-share.

"Talagang it’s within us.

"Hindi naman sa pinu-force ako ng mga ibang tao na gawin ‘to, talagang gusto ko talagang gawin.”

Sa katunayan, pati ang nakatatandang kapatid niya na si Anne Curtis ay may sarili ring ginagawang relief operations kapag may mga kalamidad sa bansa tulad ng bagyo at baha.

GRADUATION. Anytime this week ay uuwi na rin ulit si Jasmine sa Australia dahil sa kanyang pag-aaral. Graduation niya sa November.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Australia ba niya balak mag-aral ng college o dito sa Pilipinas?

Wika niya, “Sa November na ’ko mag-graduate. Exciting naman din yun.

"Sana dito ako mag-college. Sana.

"Hindi ko pa alam, pero in the process of decision-making yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN