Ogie Alcasid on why he won’t enter politics: “Ayoko ng stress.”

Ayon kay Ogie Alcasid, gusto muna niyang magpahinga matapos ng sunud-sunod na assignments. Pero nakasalalay raw sa GMA-7 ang desisyon kung bibigyan siya ng bagong proyekto. “Wala rin naman kasi akong choice, they are the one. Pero ang maganda naman kasi sa kanila, like itong soap na ito [My Daddy Dearest], binagay nila sa akin. Hindi naman nila ako bibigyan ng role ko, halimbawa, isda. Ibig kong sabihin, pag-iisipan din nilang mabuti kung ano ang bagay sa


Ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang isa sa mga maagap na tumulong sa mga nasalanta nung kasagsagan ng ulan at baha noong nakaraang linggo.

Sa pagpapakuwento kay Ogie ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ng Songwriter: “Noong first day, Tuesday yun [August 7], nasa bahay lang kami kasi grabe ang ulan.

“So, noong Wednesday kami kumilos. Umaga pa lang, umalis na kami, nagpunta kami ng grocery.

“Tatlong lugar ang binigyan namin—sa Victory, sa Kapuso, and then, yung isa, tinext ko si Tates Gana. Sabi niya, ‘Sa clubhouse ng Libis.’

“So, noong papunta kami, grabe ang baha!

"Sa C-5 at Katipunan, akala ko hindi kami makakauwi. Kasama ko si Misis at saka yung aso.”

Nakausap ng PEP si Ogie sa last taping day ng My Daddy Dearest noong Sabado, August 11, sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite.


ANOTHER ONDOY. Sa kalakasan ng pag-ulan noong isang linggo, hindi na raw nagulat si Ogie na naulit ang nangyari noong bagyong Ondoy (2009).

“Kasi sa bahay namin, hindi mo mararamdaman, wala rin namang hangin.

“So, kapag napapanood mo sa TV, doon ka maaano, tapos lumalakas ang ulan.

“Parang gusto mo, ‘Tama na… tama na!’ Para kang tino-torture sa iba.

“Si Misis naman, nagre-retweet, nag-re-retweet. Ang galing ng Twitter… yun ang kagandahan ng Twitter.”


POLITICS. Pagkatapos ng kuwentuhan tungkol sa kalamidad, pulitika naman ang itinanong ng PEP.

Si Aga Muhlach kasi ay nagsabi noon na hindi papasok sa pulitika, pero ngayon ay nakatakda nang tumakbo bilang congressman ng Camarines Sur.

Sabi ng mapagbirong Ogie, “Alam ninyo, alam ko na magkamukha kami [ni Aga]. Hindi naman nangangahulugan na ang magkamukha, pare-pareho ng mithiin.”

Sinasabing mas qualified pa nga si Ogie kumpara sa ibang pumapasok, pero ayaw naman niya. Bakit nga ba?

“Ayoko ng stress,” mabilis niyang sagot.

“Hindi, kasi ang ano ’ko riyan, tulad ng pagiging congressman, pinag-aaralan ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gagawa ka ng batas… ano ang malay ko doon? Siguro kailangan nandoon din ang conviction—calling.”


LAST EPISODE. Ano naman ang pakiramdam niya at sa Biyernes, August 17, na ang finale episode ng My Daddy Dearest?

“Siyempre, dalawang months ko nang kasama ang production, kilala ko na ang mga baho nila!” biro niya.

Nakangiting pagpapatuloy ni Ogie, “Pero napagod na rin ako. Ang dami kong ginawa, di ba?

“Gumawa ako ng dalawang pelikula. Tapos yung Pare & Pare... napagod din.

"Sabi ng misis ko, ’Tama na ’yan, dito ka na sa bahay.’

“Kapag nasa bahay naman ako, aligaga rin ako. Akala mo may projects.

“Ganoon na yata kaming mga lalaki, butingting, restless... young,” dagdag biro pa niya.

NO CHOICE? Posible kayang masundan ulit ng panibagong soap ang My Daddy Dearest kahit sinasabi niyang pagod na siya?

“Hindi ko alam. Ako ay alipin lang ng GMA. Kung saan ako nilagay, doon ako.”

Okay lang ba sa kanya ang mag-drama?

“Okay lang naman sa akin but, I think, may binabagayan kasi yun, di ba?

“I don’t think na yung mga tao, mas sanay na nagda-drama ako. Siguro yung light lang.

“Pero yung straight na romantic, may binabagayan din yun," sabi ni Ogie.

Kung ang susunod na offer sa kanya ay isang teleserye ulit, tatanggapin ba niya o hindi muna?

“Ano ba ang tamang sagot diyan?” natawang sabi niya.

“Wala rin naman kasi akong choice, they [GMA-7 management] are the one.

"Pero ang maganda naman kasi sa kanila, like itong soap na ito, binagay nila sa akin.

“Hindi naman nila ako bibigyan ng role ko, halimbawa, isda.

"Ibig kong sabihin, pag-iisipan din nilang mabuti kung ano ang bagay sa akin.

“Sa ngayon, gusto ko naman na magpahinga nang konti.”


LOVE INTEREST. Habang kausap namin si Ogie, lumapit sa table si JC Tiuseco, ang isa sa cast members ng My Daddy Dearest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ka-"loveteam" ni Ogie sa serye si JC kapag babae ang karakter niya.

Base sa mga feedback, ang daming naaaliw sa kanilang dalawa.

“E, di effective kaming loveteam?” natatawang reaksiyon ni Ogie.

Pero ayon kay JC, hindi raw nito kaya ang ginagawa ni Ogie na pagba-bakla o pagdadamit-babae.

Sabi naman ni Ogie, “Naku, sabi niya lang ‘yan, mahirap kasing umarte kapag may abs [abdomen]!”

Kilala kasi JC na may magandang pangangatawan.

Pero sa dami na ng ginawang gay roles ni Ogie, hindi yata siya kailanman nailang?

Sagot ng witty comedian, “Ano pa ang ikaiilang ko? Nasa beach nga kami, nakahubad ako!

“Sabi ko nga sa kanila, galing ako sa Amerika, pumunta ako kay apl.de.ap.

“Pagdating ko rito, ang una kong eksena, lumalabas ako sa isang cocoon na halos nakahubad ako sa initan… malagkit, pawisin.

“Pero ganoon lang talaga ang trabaho—tiisin mo.”


FAMILY’S REACTION. Ano ang reaksiyon ni Regine tuwing gumaganap siyang gay?

“Sabi niya, ang landi-landi ko raw.”

Paano naman ang dalawang anak niyang babae kay Michelle Van Eimeren, his first wife, na sina Leila at Sarah?

“Alam naman nilang trabaho!” natatawa niyang sabi.

Kapag nakakapagsalita na ang anak nila ni Regine na si Nate, ano kaya ang magiging reaksiyon nito sa kanya?

“Yun ang malilito. Kasi kung minsan, umuuwi ako, may make-up pa ’ko.

“Siyempre, nagtatanggal ako bago matulog. Minsan sinasadya ko!” tawa na naman niya.

REGINE RETURNS. Si Regine ay nagbalik-showbiz na.

Bumalik ito sa Party Pilipinas, may bago rin siyang show (H.O.T. TV), may pelikula, at may gagawin pang concert sa November.

“Good,” sambit ni Ogie.

“E, siyempre, na-miss din siya ng mga fans.

"At saka, siyempre, may obligasyon siya, di ba? She has to honor that contract.

"Siya kasi, noong una, parang, ’Kailangan ko na bang magtrabaho?’

"Kasi nami-miss niya ang anak niya, hindi ako ang nami-miss niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siguro ano, sabi niya nga sa akin, ’At least ngayon, gagaan ang schedule mo, ako naman ang magtatrabaho.’”

May usapan sila na siya naman ang mas maglalaan ng oras sa bahay?

“Medyo,” sabi ni Ogie. “Well, pinag-uusapan namin na sana… mas. Na ganoon naman.”


SHOWBIZ FAMILY. Kasama sa bagong station ID ng GMA-7 si Nate at masasabing ito na ang umpisa ng pagse-share nina Ogie at Regine sa kanilang anak sa publiko.

Sabi naman ni Ogie, “Hindi, nakakatuwa nga si Nate.

"Kapag nasa labas kami, yung mga tao, ‘Uy, si Nate! Si Nate!’ Siya na ang pinagkakaguluhan.

“At saka diskarte ng nanay ’yan. Ang sa akin, kung ano ang gusto.”

Nakikita ba niya na ilang taon mula ngayon, silang tatlo nina Regine at Nate ay magkakasama sa isang pelikula o sitcom?

“Ilang taon na ’ko noon?” napaisip niyang sabi.

“Hindi malayong mangyari yun kasi, ‘ika nga, nasa dugo. Kung saan ka exposed.

"But, hindi ko alam.

“Although sa ngayon, hindi ko pa... cute siguro.

"Pero yung asawa ko, yun ang walang patid siguro na… kasi yun, kung ano ang gawin ng anak ko, maganda, e.”


MORE KIDS? Plano na ba nilang sundan si Nate?

“Ewan ko sa asawa ko, feeling ko, gusto niya. Parang gusto niya, may kapatid si Nate.

“At palagi niyang nababanggit na minsan, nananaginip siya na babae naman.

“Sa akin, mas madali nga ang trabaho ko, di ba? Sandali lang naman yun!” natawang sabi ni Ogie.

“E, siya, matagal ang trabahey [trabaho].

"So, you know, it’s really up to her. Sa akin, walang kaso yun.

“Basta will ni God, ganoon naman kami.

"E, siya, yung last pregnancy was not that easy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN