Jolina Magdangal will miss working with My Daddy Dearest co-stars Ogie Alcasid and JC Tiuseco

“Hindi ko maintindihan, parang ang bilis! Ako kasi, ayoko ng last day. Parang ngayon pa lang ang makikilala mo ang mga staff, parang ngayon pa lang kami nagpi-piktyuran. Kaya parang feeling ko, nalulungkot ako na hindi ko maintindihan. Na parang okey lang naman, ganoon naman talaga, natatapos ang soap. Pero nalulungkot din ako kasi ngayon ko lang sila nakakuwentuhan," sabi ni Jolina Magdangal tungkol sa pagtatapos ng kanilang teleseryeng My Daddy Dearest.


Nag-last taping day na ang early primetime series ng GMA-7 na My Daddy Dearest noong Sabado, August 11, sa Indang, Cavite.

Sa Biyernes, August 17, ieere ang final episode nito.

Pakiramdam nga ni Jolina Magdangal,isa sa cast members ng serye, na ang bilis ng lahat.

Aniya, “Hindi ko maintindihan, parang ang bilis!

"Lalo na yung eksenang ginawa namin ni Kuya Ogie [Alcasid], yun ang eksaktong eksena noong first day, e.

“So, parang pakiramdam ko, pilot.

“Ako kasi, ayoko ng last day. Parang ngayon pa lang ang makikilala mo ang mga staff, parang ngayon pa lang kami nagpi-piktyuran.

“Kaya parang feeling ko, nalulungkot ako na hindi ko maintindihan.

“Na parang okey lang naman, ganoon naman talaga, natatapos ang soap.

“Pero nalulungkot din ako kasi ngayon ko lang sila nakakuwentuhan.

“Siguro, naka-chika ko sila nang bongga, mga two taping days na lang, two to three.

“Hindi naman kasi yung hindi ko pinapansin. Pero yung chika na nagkaka-piktyuran kami, Instagram kami, ine-edit-edit ko...

“Dati kasi, siguro yun ang kasagsagan na itinataas na ang istorya. Na ang break lang, wee-wee.”

Nagsimulang umere ang My Daddy Dearest noong June 11, 2012.

WHOM SHE WILL MISS MOST. Sino ang pinaka mami-miss niya sa My Daddy Dearest?

“Si Kuya Ogie at saka si JC Tiuseco!” sagot ni Jolina.

“Sa Party P [Pilipinas] kasi, walang time na mag-chikahan nang todo.

“Siyempre live, tapos nandoon yung nagme-make-up kami. So, wala talagang ano.

“E, dito, may bigla akong itatanong sa kanya [Ogie].

“Over lunch, nagkukuwentuhan kami. May mga kuwestiyon ako tungkol sa showbiz, buhay-buhay, kasi nag-i-small group din naman kami.

“Pero sa work, iba. Iba kapag nagkukuwentuhan kayo about life, iba rin sa small group.

“Kasi, alam mo na, about life ang pag-uusapan.”

Bakit mami-miss din niya si JC?

Paliwanag ni Jolina, “Si JC kasi, nakakatawa pala ‘tong kasama.

“Kasi, nakasama ko rin siya dati sa Unang Hirit, pero umaga yun at saka hosting yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nababaitan ako sa kanya. Ang dali niyang patawanin. Ang amo lang ng mukha...

“Mabait, wala siyang yabang.

“Sabi ko nga, ‘Mabait ka pala? O sige, mula ngayon, kaaway mo, kaaway ko, ha!’

“Gumaganun na lang ako. Kasi, nagkukuwentuhan kami nila Pauleen [Luna].”

Biro pa ni Jolina sa famosong abs ni JC: “Naku, sabi ko nga, ‘Ano ba ‘yan, ang tigas-tigas naman, wala akong katalbog-talbog diyan!’

“Si Kuya Ogie nga, ‘Ano ba ‘yan?’”

May kasunod na ba siyang teleserye pagkatapos ng My Daddy Dearest?

Sabi ni Jolina, “Wala pa naman akong nababalitaan. Kasi ako naman, ewan ko sa iba, wala ako yung matatapos pa lang, may sinasabi na agad na kapalit.”

Tapos na raw ang kontrata niya sa GMA-7, pero sa pagkakaalam niya, magre-renew siyang muli ng kontrata bilang Kapuso.

Si Jolina ay nasa ilalim ng PPL Management, na pinangungunahan ng veteran showbiz producer at talent manager na si Perry Lansigan. Si Perry din ang manager nina Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, Rochelle Pangilinan at marami pang iba.

MENTOR JOLINA. Si Jolina ang mentor ng protégés mula sa Visayas ng reality artista search ng GMA-7, ang Protégé: The Battle For The Big Artista Break.

Ang protégés ni Jolina ay sina Mitch Capili, Zandra Summer, Bryan Benedict, at Mikoy Morales.

Medyo aligaga nga raw siya bilang mentor dahil sila ang responsable sa looks at performance ng kanilang mga protégé.

At dahil bumaha ng ilang araw sa Mega Manila, hindi raw siya makapunta sa Protégé quarters upang asikasuhin ang mga alaga niya.

Kaya noong nagkaroon siya ng pagkakataon, naisipan ni Jolina na ilabas ang apat niyang protégés at kumain sila sa eat-all-you-can restaurant.

Biro namin kay Jolina, baka ngayong wala muna siyang teleserye, makabuo at mabuntis na siya?

Sagot niya, “Ay, anong sabi ng Protégé?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako makatulog. Hindi ako nakakatulog.

“Alam niyo, kami ang nag-iisip ng gagawin nila.

“Mentor, discoverer, manager, researcher na yata kami.”

Sa lahat daw ng mentors, kay Gina Alajar ng Southern Luzon siya mas nate-threaten.

HABAGAT. Natensiyon din daw si Jolina sa naging pagbaha noong nakaraang linggo kahit safe naman sila.

Kuwento niya, “Naawa ako doon sa hanggang bubong.

“E, di ba, noong gabi ng Monday [August 6], yun ang malakas, mahina?

“Sabi ko talaga kay Mark [Escueta, her husband], kawawa naman…

“Kasi, yung ganoong ulan, naalala ko yun, na-stuck ako sa Philcoa dahil sa Ondoy.

“Yun ang time na yun. Kaya alam ko ang feeling.

“May show ako noon sa Megamall, lahat na-traffic na, nabaha.

“So from Philcoa to Ever Gotesco, naglakad kami ng ate ko. Kaya alam ko ang feeling ng uncertainty.

“Kapag lumalakas ang ulan, aligaga ka. Kaya naaawa ako sa kanila.”

Pero dahil daw sa pagbaha, mas lalo pang napurnada ang pagpili nila ni Mark ng bibilhing bahay.

Hindi pa rin sila nakakapag-honeymoon, pero ang plano raw talaga nila ay mag-backpack sa Europe. Ngunit gusto rin nilang mataymingan ang northern light sa Alaska.

Sa November ang first anniversary nila bilang mag-asawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN