Tanya Garcia and husband Mark Lapid organize relief operations in Pampanga

Pagkalipas ng sampung taon ay ibabalik ng GMA-7 ang drama series na Sana Ay Ikaw Na Nga na pinagbidahan noon nina Tanya Garcia at Dingdong Dantes. Ang bagong bersiyon ay pagbibidahan nina Andrea Torres at Mikael Daez. Paalala ni Tanya sa dalawa, “Maraming nangyari sa amin ni Dingdong after that show ended... Kaya i-cherish nina Mikael at Andrea itong Sana Ay Ikaw Na Nga dahil mahal namin ang show na ito. Mahalin nila tulad ng ginawa na


Kabilang sa naging abala sa pagtulong sa mga kababayan nating naging biktima ng baha dulot ng Habagat noong isang linggo si Tanya Garcia at ang mister niyang si dating Pampanga governor Mark Lapid.

Isa kasi ang lalawigan ng Pampanga sa naapektuhan ng matinding pagbaha.

Kuwento ni Tanya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Noong may balita na marami nang mga nagsilikas mula sa mga bahay nila sa Pampanga dahil binaha sila, gumawa na kami agad ni Mark ng paraan para makapagsimula na sa relief operations.

“Tinawagan na niya ang mga kaibigan niya at ako naman, nagtawag na ako ng mga friends ko para magtulung-tulong kami.

“Yung mga friends ko na may mga establishments sa Quezon City ay pinakiusapan ko na kung puwede maging drop-off center sila ng mga donations.

“So that whole week, yun ang mga ginawa namin—repacking, punta sa evacuation centers, pick-up ng mga donations.

“Parang naging cycle na nga sa amin ni Mark at ng mga volunteers.”

Dagdag ng aktres, “This week, tuloy pa rin ang mga relief operations namin. Marami pa kasi dito sa Pampanga na hindi pa naaabutan ng tulong.

“We are trying our best para mabigyan namin silang lahat.

“Nagpapasalamat din kami sa iba pang mga nagsimula ng relief operations dito sa Pampanga dahil natulungan kami na mapuntahan yung ibang lugar na hindi na namin mapuntahan.”

Nakausap ng PEP si Tanya sa pamamagitan ng social networking site na Facebook kahapon, August 12.

Dasal ni Tanya, sana ay hindi na maulit ang ganitong pangyayari dahil naranasan na raw ito ng mga taga-Pampanga nang tinamaan sila ng Bagyong Ondoy noong 2009.

“Ngayon lang namin ulit naranasan ang ganitong kalaking problema sa Pampanga.

“Noong Ondoy, grabe ‘yon, kasi ang daming nalubog na mga barangay. Ngayon, naulit na naman siya.

“Panay nga ang dasal ko na huwag nang magkaroon ng ikatlo, dahil awang-awa kami sa mga tao, dahil yung iba nawalan na ng kabuhayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We are doing our best na mabigyan sila ng relief. Lalo na yung may mga anak.

“We see to it na okey sila sa mga evacuation centers at matutulungan sila ng gobyerno after this,” saad niya.

SANA AY IKAW NA NGA REMAKE. Sa ngayon ay walang ginagawang trabaho sa TV si Tanya. Mas inaasikaso raw muna niya ang kanyang pamilya.

Dalawa na ang anak nila ni Mark—sina Mischa Amidala at Matilda Anika.

Ang huling drama series na nilabasan ni Tanya ay ang Ikaw Lang Ang Mamahalin sa GMA-7.

Nakarating na kay Tanya na ire-remake ng Kapuso network ang drama series na pinagbidahan nila ni Dingdong Dantes noong 2002, ang Sana Ay Ikaw Na Nga.

Natuwa ang aktres dahil itinuturing nang “classic” ang ginawa nilang teleserye ni Dingdong ten years ago.

“Grabe, I feel so old!” bulalas ni Tanya.

“Noong sinabi nga sa akin na ire-remake ang Sana Ay Ikaw Na Nga, natuwa talaga ako.

“Nalaman ko yun, ginagawa namin yung remake ng Ikaw Lang Ang Mamahalin. Pati nga yung sa amin ni Dingdong ay ire-remake nila.

“Ngayon, natuloy na pala.

“Sinabihan nga ako na baka magkaroon kami ng guest role ni Dingdong.

“Maganda ‘yon kasi parang suporta na rin namin ‘yon sa mga gaganap sa roles na ginawa namin bilang si Carlos Miguel at Cecilia.”

Ang gaganap sa mga roles nila Dingdong at Tanya sa pagbabalik ng Sana Ay Ikaw Na Nga ay sina Mikael Daez at Andrea Torres.

Ayon kay Tanya, “Hindi ko pa sila nami-meet personally.

“Si Dingdong kasi, nakatrabaho na niya yung dalawa [sa My Beloved].

“Gusto ko rin silang makilala at personal ko silang sabihan ng good luck dahil malaki ang nagawa ng Sana Ay Ikaw Na Nga sa career namin ni Dingdong that time.

“Pinaka-unforgettable ang show na ‘yan sa amin kasi umabot kami ng two years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At maraming nangyari sa amin ni Dingdong after that show ended.

“Ginawa namin yung Twin Hearts, tapos nagkaroon na kami ng iba’t ibang mga trabaho.

“Kaya i-cherish nina Mikael at Andrea itong Sana Ay Ikaw Na Nga dahil mahal namin ang show na ito.

“Mahalin nila tulad ng ginawa naming pagmamahal ni Dingdong sa show ten years ago.”

SECOND WEDDING ANNIVERSARY. Last July ay nag-celebrate sina Tanya at Mark ng kanilang second wedding anniversary.

Ikinasal sila in civil rites noong July 30, 2010, sa Porac, Pampanga, na dinaluhan ng kanilang mga pamilya at close friends.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Tanya, “As a couple, six years na kami ni Mark.

“Noong wedding anniversary namin, wala naman malaking celebration. Nag-dinner lang kaming dalawa.

“Date night lang na wala ang mga bata.

“Pero ako na rin ang nagmadaling umuwi kasi alam kong hinihintay kami ng mga bata sa bahay.

“Baka mag-celebrate na lang kami out-of-the-country after na ng mga ginagawa naming relief operations sa Pampanga.”

Matapos magkaroon ng dalawang anak na babae nina Tanya at Mark, gusto raw nila ng isa pang anak na sana raw ay lalake naman.

“Baka next year pa namin planuhin ang third baby.

“Gusto namin ay boy na. May two girls na kasi kami [Mischa and Mati]. Para may junior na raw si Mark!” sabi ni Tanya.

“Pero kung ano naman ang ibigay ni Lord, blessing sa amin ‘yan.

“Kung tuparin Niya ang wish namin ni Mark na magka-baby boy, sobra-sobrang blessing na iyon.”

Kasal na lang sa simbahan ang kulang sa kanila ni Mark.

Ayon kay Tanya, “Actually, ako naman ang hinihintay ni Mark, e!

“Lagi niya akong tinatanong kung ready na ba ako. Ako ang nagsasabi na hindi pa.

“Lagi kong excuse na gusto ko pang magpapayat para maganda akong tingnan sa wedding gown.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Honestly, hindi ko na nga iniisip ang church wedding, e. Okey na ako na civilly wed na kami.

“Pero siyempre, yung family ni Mark at ang family ko, feeling nila ay hindi complete kung walang blessing ng simbahan.

“So we’re planning it again... next year na ulit.

“Siguro by that time ay super-ready na ako at hindi na ako kukulitin pa ng mister ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN