Enzo Pineda on kissing scene of Louise delos Reyes and Alden Richards: “Siguro konting selos, may gano’n. Pero mas proud ako sa kanila..."

Enzo Pineda on walking the ramp in his underwear: "I take it as a challenge. And personally, it pushes me to have a better body, to have a better lifestyle, maging mas healthy ako. And, of course, it also adds up to your confidence. Alam mo yung pag fit ka, maganda yung katawan mo, ang sarap ng feeling, e. Sa trabaho, it gives you extra energy and confidence. Ayun! I think I’m gonna pull it off… kayang-kaya ko ‘yon.”


Kahapon, August 12, ang 22nd birthday ng Kapuso young actor na si Enzo Pineda.

Pero bukod sa naging celebration niya sa Party Pilipinas, wala raw siyang party o anuman.

“I’m gonna have a dinner with my family lang later,” sabi ni Enzo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Personally, ayokong mag-celebrate talaga ng birthday ko today.

“Mas gusto ko na lang i-share ‘yong blessings ko sa mga victims ng baha.

“Nag-donate ako ng mga goods and also a certain amount of money also na pambili ng supply and needs nila.

“Kasi naisip ko, kesa mag-celebrate ako o magpa-party ako, mas importante yung mga nangangailangan, di ba?

“Ang dami kong blessings na nakukuha and may mga ibang tao na nangangailangan. So, mas mabuti pa na tulungan ko na lang sila.”

Paano niya ipinarating sa mga biktima ng baha yung donasyong pera at relief goods?

“Tinulungan po ako ng mga fans ko and also my parents.

“Nagpunta kami sa Parañaque at ilan pang areas na binaha, gaya sa Marikina.

“We live in White Plains so malapit lang ang Marikina sa amin. So, do’n po ako tumulong.

“Personal po akong nagpunta para ihatid yung tulong ko nung Wednesday and Thursday [August 8 and 9].

“And… hindi ko naman naramdaman na nakakapagod. Mas nakaka-relieve ang feeling.

“Kasi alam kong mas kailangan nila ito kesa kailangan kong mag-celebrate sa birthday ko, e.

“So, mas masaya ako na napangiti ko ang mga tao. Natulungan ko sila—and happy ako.

“Sana yung mga natulungan ko, sana mas naging okey na sila.”

LOUISE DELOS REYES. Hindi raw nakasama ang rumored girlfriend niyang si Louise delos Reyes sa isinagawa niyang relief operation.

“May taping kasi siya for One True Love. She’s in Cavite. Malayo,” paliwanag ni Enzo.

Wala rin sa Party Pilipinas si Louise kahapon dahil nasa Legazpi City ito para sa event doon ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Enzo, may gift daw na ibibigay sa kanya ang young actress.

“Let’s see kung ano ang gift niya. Sabi niya surprise daw, e.

“Bukas [August 13] ko pa malalaman. Basta may surprise daw siya sa akin.

“Kasi wala nga siya sa birthday ko. So, sabi ko, ‘Bawi ka na lang. Okey lang ‘yon.”

Ano ba ang gift na gusto niyang makuha mula kay Louise kung siya ang tatanungin?

“Gusto ko lang na makasama siya. Yung oras niya. Mas importante sa akin yung oras kesa sa mga regalo,” sagot niya.

Sabi namin, sa isang gaya niyang mula sa mayamang pamilya, hindi na nga siguro kailangan ng anupamang regalo.

“Hindi!” nangiting reaksiyon ni Enzo, na anak ng business manager ni Manny Pacquiao na si Eric Pineda.

“Naa-appreciate ko yung regalo, pero mas importante sa akin yung nagbibigay ka ng oras para sa minamahal mo.

“Kasi hindi mo mababawi yung oras, e, di ba?

“Anytime, puwede kang bumili ng regalo, e.”

BIRTHDAY GIFT. Meron ba siyang naging birthday gift din para sa sarili niya?

“Pinaka-gift ko sa sarili ko yung nag-donate ako ng goods at cash sa mga nasalanta ng baha.

“Gift ko sa sarili ko ‘yon dahil it feels good nga na tumutulong ka sa mga taong nangangailangan.

“So, para sa akin, iyon na ‘yon—na nakatulong ako in my own little way.

“Ang dami nang ibinigay ni Lord na blessings sa akin so I need to share it naman.”

TWO FILMS. Masaya raw si Enzo sa takbo ng career niya ngayon.

Bukod sa Startalk at Party Pilipinas ay regular din siyang napapanood sa weekly youth-oriented series na Happy Together, kung saan kasama niya sina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose.

May gagawin din daw siyang dalawang pelikula.

“Isa ‘yong Basement na makakasama ko si Louise.

“Tapos ay isa pang indie film naman with Sarah Lahbati na FBI agent ako, parang gano’n ang story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, may mga shows din akong parating. So, watch out.”

Yung pelikulang Basement, ito ba yung addict ang role ni Louise?

“Yes. Tapos ang role ko naman, may asawa tapos may kabit ako.

“Ayos, di ba?” sabay tawa ni Enzo.

Something new nga sa kanya ang ganitong role. Medyo mature na’t hindi pa naman niya nae-experience yung buhay may-asawa at may kerida pa.

Paano niya inihahanda ang kanyang sarili para sa nasabing karakter?

“Nagwu-workshop kami ngayon.

“Meron kaming intensive workshop under Artist Center para mapaghandaan yung mga ganitong klase ng role.

“Natsa-challenge ako sa role na ‘yon. Ako, gusto ko, pinapahirapan yung sarili ko. Kasi mas fulfilling para sa akin ‘yon.

“So, I want to get the harder roles for me. Laging edge-worth yun para sa akin.

“Para sa akin din naman iyon so I can be a better actor.”

FIRST TIME. Ikinatutuwa rin ni Enzo ang unang pagsasama nila ni Louise.

Saad niya, “First time lang naming ni Louise na magsama sa isang project and I feel so happy.

"At the same time, wala lang, parang out of this world na, ‘Uy, makakasama ko siya for the first time!’ Parang, ‘Totoo ba ito?’

“So, happy ako. Happy ako.”

Mas inspiring ba na ang kasama sa trabaho ay si Louise na special sa puso niya?

“Mas inspired ako, yeah!” tugon niya.

May disadvantage din ba na si Lousie ang katrabaho niya?

“Hindi, wala. Para sa akin, wala.

“Of course, disadvantage kapag pinabayaan mo. Kapag masyado kang nag-enjoy.

“Pero para sa akin, mas nagpu-focus ako kapag nandiyan siya.”

LOUISE-ALDEN LOVETEAM. Parami nang parami ang fans na tumututok sa tambalan nina Louise at Alden Richards sa One True Love.

Nanonood din daw si Enzo ng nasabing primetime series ng GMA-7.

“Kapag may time at nasa bahay ako, nanonood ako.

“Actually, sakto nga na naabutan ko yung first kissing scene nila, e. And to tell you the truth, okey naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maganda yung acting nila. Mataas yung ratings. And bihira lang yung loveteam ngayon na click talaga.

“So I’m really happy for them. Sana ipagpatuloy lang nila, huwag nilang pabayaan ‘yong trabaho.

“And, of course, for Louise, nandito lang ako.”

Honestly, ano ang naramdaman niya nang mapanood ang first kissing scene nina Louise at Alden?

“Actually, nagulat ako. At the same time, it was kind of… a little awkward for me.

“Siguro konting selos, may gano’n.

"Pero mas proud ako sa kanila kesa sa ganung bagay.

“Kahit sabihin ko… may mga ibang emotions na naapektuhan ako.

“Pero kahit anong mangyari, naa-appreciate ko yung performance nila—and it’s part of our job.”

Yung indie film ba na gagawin niya with Sarah Lahbati, may kissing scene sila?

“Uhm, I’m not so sure. Let’s see,” nangiting sabi ng young actor.

BENCH & COSMO BASH. Sunod na naikuwento ni Enzo sa PEP ang preparation na ginagawa niya para sa nalalapit na Bench anniversary event at maging sa Cosmo Bachelor Bash.

“It’s [Bench event] on September 13 and 14, if I’m not mistaken. Kasunod nga nito yung Cosmo Bash.

“I’m sure na marami ang nag-aabang. And I promise to do something special,” sabay ngiti niya.

Mas all-out ba siya ngayon sa pagrampa sa dalawang nabanggit na events? Mas magiging daring?

“Siguro kung sa Bench Body ako, alam niyo na!” nangiti ulit siya.

Kaya na niyang rumampa onstage na naka-underwear lang?

“Para sa akin, okey lang. Uhm… I take it as a challenge.

“And personally, it pushes me to have a better body, to have a better lifestyle, maging mas healthy ako.

“And, of course, it also adds up to your confidence.

“Alam mo yung pag fit ka, maganda yung katawan mo, ang sarap ng feeling, e.

“Sa trabaho, it gives you extra energy, and confidence. Ayun!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think I’m gonna pull it off… kayang-kaya ko ‘yon.”

Sa Cosmo Bash, willing din siya mas maging daring sa pagrampa?

“Since last year nasa Cosmo Bachelor ako, Top 10. So, puwede kong masabi na alumnus na ako.

“Pero I think mas masaya ang Cosmo Bash this year, lalo na, lumabas yung Bench Body endorsement ko, which I’m so happy.

“So I’m looking forward to it. And I’m sure mas maraming matutuwa.”

Kung ready na siyang magpakita ng hubad na katawan, handa na rin kaya siyang sumalang sa mga intimate o daring scenes on screen?

“Of course, there has to be a limit sa mga ginagawa ko rin.

“Parang it has to be… may limit nga, pero at the sane time, teasing pa rin.

“But I’m not overdoing it na iba na yung dating sa mga tao.

“And, siyempre, nandiyan ang Artist Center para i-manage akong mabuti kung ano yung image ko talaga.

“At alam kong hindi nila ako pababayaan,” panghuling sabi ni Enzo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN