Sarah Lahbati on rumored relationship with Richard Gutierrez: “We’re good friends. Hindi ako echoserang frog!”

Ngayong 18 years old na siya, pinapayagan na raw si Sarah Lahbati ng kanyang mga magulang na magkaroon ng boyfriend. Ngunit dagdag ng young actress, "as long as, alam niyo ‘yon, kakilala nila."


Kitang-kita ang sweetness ng Makapiling Kang Muli lead stars na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez nang kumanta sila sa stage para sa Kapuso Fans Day ng GMA-7 sa Legazpi, Albay, noong Linggo, August 12.

Marami sa mga nanood ang kinilig sa ipinakita ng dalawa. Subalit bago pa man isipin ng iba na may namamagitan na sa kanila, agad na itong nilinaw ni Sarah.

Magkaiban lamang sila ng 28-year-old star, ayon sa 18-year-old newbie.

“Sa ngayon, we’re close friends and ine-enjoy lang namin ang company ng isa’t isa habang nagtatrabaho,” sabi ni Sarah.

Nakapanayam ang baguhang aktres ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media nang mag-imbita ang GMA-7 para sa kanilang shows sa Bicol.

Ang nasaksihan ng mga taga-Legazpi ay hindi ang unang pagkakataon na nakitang sweet sa isa’t isa sina Sarah at Richard.

Sa katunayan, marami rin ang nagtanong kung may relasyon na nga ba silang dalawa nang maging guest si Sarah sa programa ni Richard na Pinoy Adventures.

Pero diin ni Sarah, “We’re good friends. Hindi ako echoserang frog!”

Gayunman, aminado ang dating StarStruck V female winner na mas kilala na niya ngayon ang kanyang katambal sa teleserye.

Pahayag ni Sarah, “Of course, before this show, hindi ko naman talaga siya kilala.

“I only got to know him when I knew that I was going to be paired with him.

“Yeah, mas nakilala ko siya because every day magkasama kami sa work and some events.”

ALREADY ALLOWED TO HAVE A BF? Dahil 18 pa lamang si Sarah, tinanong namin kung pinapayagan na ba siya ng mga magulang na magkaroon ng boyfriend.

Sagot ng Morrocan-Filipino celebrity, “My parents naman are okay with me having a boyfriend as long as, alam niyo ‘yon, kakilala nila.

“Siyempre, as parents, nag-aalala lang sila. Kailangan lang nila makilala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakilala na raw ng ina ni Sarah si Richard.

At para sa kanyang ina, sabi ni Sarah, “Natutuwa siya sa mga blessings na dumarating sa akin this year at sa amin ni Richard na magkapares kami ngayon.

“She thinks that he’s a nice guy and he’s professional.”

Patapos na raw ang taping nina Sarah at Richard para sa Makapiling Kang Muli. Pero matatapos raw ang airing nito sa Setyembre o Oktubre pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN