Carla Abellana on Makapiling Kang Muli co-stars Richard Gutierrez and Sarah Lahbati: "I think they are open naman, naikukuwento na nila sa inyo na nagde-date sila."

Hindi apektado si Carla Abellana kung mas nabibigyan ng atensiyon o mas napag-uusapan ang tambalan nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa kanilang teleserye na Makapiling Kang Muli. Ito ay sa kabila na leading lady rin ni Richard si Carla dito.


Wala raw isyu at hindi raw apektado si Carla Abellana kung mas napag-uusapan man ngayon ang loveteam nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa primetime teleserye nilang Makapiling Kang Muli sa GMA Telebabad.

“Hindi naman ako apektado. I don’t think na dapat akong maapektuhan dahil lang doon.

“Kasi nga, may nagsasabi rin na, ‘A, siguro para ma-promote yung show. A, siguro para magkaroon ng ingay,’ yung ganyan,” sabi ni Carla nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)

Ibig sabihin ba nito ay hindi na siya ka-loveteam ni Richard sa teleserye?

“Hindi naman. Tatlo pa rin kami rito hanggang katapusan ng show namin.

“Kung kaya pa naming ipalabas, gagawin.

“Iba naman siyempre yung napapanood sa behind the scenes na hindi napapanood, di ba?

"Pero puwede ngang magbago pa ang ending. May mga ganung bagay, di ba?

“Naghihintay pa kami ng decision from management kung ano ang mangyayari, pati sa mga writers kung ano ang gusto nilang ending ng show.

“Puwedeng magbago nga.”

Masaya naman si Carla dahil mas natsa-challeng pa raw siya sa role niya sa Makapiling Kang Muli.

“Tumatapang na nga yung character ko, si Attorney Leilani.

“Sabi ko nga, ‘Bakit ganito, biglang naging kontrabida ako?’ Pero na-realize ko later on doon sa mga script namin na sumunod, may dahilan pala kung bakit siya ganun.

“So, malalaman din nila eventually.”

RICHARD AND SARAH’S SWEETNESS? Sa tingin niya ba nade-develop na sa isa’t isa sina Richard at Sarah sa totoong buhay?

“Nung kami naman ang tinanong sa set ng press, sabi namin, honestly wala kaming masabi, wala kaming maise-share sa inyo.

“Kasi kung sino kami dito, yun ang napapanood ninyo. Lahat kami focused sa trabaho namin, sa characters namin.

“Wala naman kaming nakikitang mga kaganapang ganun kasi lahat professional.

“So, wala talaga akong maibigay sa inyong scoop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hindi ko nakikita. Bulag ako, sabihin niyo nang bulag ako.

“Pero sabi nila, meron. I think they are open naman, naikukuwento na nila sa inyo na nagde-date sila.

“Nakikita niyo naman sa Instagram nila na may times na silang dalawa ang magkasama sa picture. So, I think hindi na siya secret.

“So, kung sila na mismo ang tanungin niyo, mapag-uusapan na nila.

“Pero ako, my gosh, bulag akong tao!” tawa ni Carla.

Wala ba siyang nakikitang sweetness sa dalawang co-stars sa set?

“Yun nga, wala nga. Hindi naman forever magkadikit si Sarah at si Richard. Hindi mo makikita yun.

“Ang makikita mo sa set as Graciela [Sarah] and as Martin [Richard].

“Hindi mo makikita sa set yung ‘Uy, sweetie-sweetie,’ yung ganun. Well, hindi naman sila forever magkadikit sa set.

“Yun nga ang palagi sa aming tinatanong, kung ano yung nakikita namin. Yun lang talaga, kumbaga, what you see is what you get.

“Sa set namin professional silang pareho, in character silang pareho, sobrang focused.

“So, wala ganun na distracted kami sa mga kaganapan, wala namang ganun."

Ano naman ang masasabi niya sa Instagram photos nina Richard at Sarah?

“Oo, kahit naman kami may Instagram photos din. Ako may Instagram, si Sweet [John Lapus] laging nagpo-post kung anong controversy.

“Sige, kung anong mai-post, may mga ganun kami.

“Pero, really, kung meron mang nagiging close sa set namin, hindi yun sa kanila lang naka-focus, lahat kami nagiging close kami sa isa’t isa. Iba yung bonding.

“Sabi ko nga, it’s really one of the best, one of the happiest set ever.

“Ang saya-saya naming lahat na mga artista, nagba-bonding kami, kuwentuhan, kulitan.

“So, lahat kami.”

Sa interviews nina Richard at Sarah ay sinasabi nilang "close friends" lamang sila.

Si Carla naman ay masaya sa piling ng kanyang boyfriend na si Geoff Eigenmann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GENEROUS RICHARD. Marami ang naghihinala na may namumuong relasyon sa pagitan nina Richard at Sarah matapos ngang regaluhan ng Balenciaga bag ng aktor ang kanyang leading lady.

Pero sabi ni Richard, nakita niya raw kung gaano ka-hardworking si Sarah kaya binigyan niya ng mamahaling bag ang kaibigan.

Biro tuloy ni Carla, “Richard, I deserve it also. Hardworking din ako, Chard. Nanghingi rin ako ng bag… Hindi, joke lang.”

Pinatotohanan naman ni Carla na galante talaga si Richard.

“Totoo yung sinasabi nila na galante siya. Ganun siya.

“Ultimo pagkain, lagi siyang nagse-share, lagi siyang nagpapabili. Tatanungin niya talaga kami kung ano ang gusto namin.

“Galante talaga siya,” sabi ng aktres.

PROTÉGÉ. Bukod sa Makapiling Kang Muli, napapanood din si Carla bilang journey host sa reality artista search ng GMA-7, ang Protégé: The Battle For The Big Artista Break.

Mabuti nga raw at wala namang conflict sa schedule ng tapings niya sa teleserye ang trabaho niya tuwing Linggo sa Protégé.

“Hindi naman, kasi Sunday. Tamang-tama may Party Pilipinas [sa tanghali].

“Tapos after Party Pilipinas, Protégé naman sa Live Gala Night every Sunday.

“So, wala pa naman siyang nababanggang schedule. Pasok pa naman siyang lahat. Para at least every day may trabaho.”

Proud nga ang actress-TV host sa Top 20 aspirants. May nagugustuhan na ba siya o nagiging paborito sa mga ito?

“Meron na kahit papaano. Pero sabi ko nga, masyadong maaga para magsabi na, ‘Ito, gusto ko ito. Manok ko ito, akin ito,’ yung mga ganyan.

“Masyadong maaga kasi unfair, dapat maging objective ka. Dapat tingnan mo muna kung ano yung meron sila.

“Puwede pang magbago yun, e. Dahil mapapanood mo sila, yung mga talents nila.

“So, puwede pang magbago yung mga favorites mo.”

Excited din si Carla sa kung ano ang gagawin ng mga mentors para sa kanilang protégés.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga mentors ay kinabibilangan nina Phillip Salvador para sa Mindanao, Jolina Magdangal para sa Visayas, Ricky Davao para sa North and Central Luzon, Gina Alajar para sa South Luzon, at Roderick Paulate para sa Mega Manila.

“Sabi ko nga, mas kaabang-abang pa nga yata yung hiritan sa mga mentors kaysa sa protégés.

“Hindi maiiwasan yun kahit sabihin mong magkakakilala silang lahat, magkakatrabaho sila, and they’re all really good friends.

“I’m sure lalabas at lalabas yung competitive sides nitong mga mentors na ito kasi may kanya-kanya silang protégés.

“So, yun ang talagang kaabang-abang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN