Gab Valenciano on his relationship with Coleen Garcia: “I can say we’re exclusively each other’s personal belonging.”

Tila tanggap na ng pamilya ni Gab Valenciano si Coleen Garcia. Aniya: “Actually, it’s the first time talaga na my Mom acts in a certain way to her—yung talagang nag-I- ‘I love you siya… Good night, sweetheart.’ I never really experienced my mom ever like that in my entire life—she’s very expressive when it comes to Coleen. Not just my mom… my dad, my brother.”


Madalas na ngayong nakikitang magkasama sina Gab Valenciano at Coleen Garcia.

Ito ay pagkatapos ng balitang breakup ni Gab sa ex-girlfriend niyang si Isabel Oli.

Hindi man diretsahang aminin ni Gab ang tunay na estado ng relasyon niya kay Coleen, kitang-kita naman sa mga kilos at tinginan nilang dalawa.

Sa set ng Sarah G Live last Sunday, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Gab.

Tinanong namin siya kung ano talaga ang estado ng relasyon nila ni Coleen ngayon.

Sagot ni Gab, “Everything is ok, everything is bright. I can say we’re exclusively each other’s personal belonging.

“We go out a lot, wala kaming tinatago. Kung nagtatago kami, di dapat kami nagsasama anywhere.

“Kumbaga, dapat sa bahay lang para di kami nakikita ng mga tao.

“I don’t wanna say anything, I don’t wanna put any label to it, all I can say is we’re happy.

“Lumalabas kami ang I think nakikita naman ng mga tao yun.”

BAD REPUTATION. Aminado si Gab na dumaan na rin siya ng ilang beses sa sitwasyong kinasusuungan sa ngayon.

Binabalewala na lang ng TV host kung anuman ang mga hindi magagandang sinasabi ng ibang tao sa kanya.

May nagsasabi kasing si Gab ay playboy o babaero raw.

“I know I’ve been here before but there is just something about this one that…

“It’s actually unexplainable, e. Ipo-prove ko na lang sa world instead of saying it.

“This time I really want to prove to the world and to myself na when you love somebody, you give your all—no matter what other people say.

“I don’t wannna say naman na… you know this is it, but I believe this is it.

“Gusto kong gawin sa action and it will take time for that to happen, but this will last hopefully forever.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ll be branded like that but it’s something I’ve accepted.

“But as a gentleman, I would rather keep it to myself kung ano talaga ang nangyari, pero as of now, I told her this is me.

“Lahat ng nangyaring masama, I really told her—either accept me or not.

“Naging magkaibigan kami, never kong in-expect kahit kaunting percent na magkaka-feelings siya sa akin.

“Everybody knows kung ano ang nangyari sa akin, and bahala na kung ano ang mangyari.”

GOOD VIBES. Masayang ikinuwento ni Gab na maganda ang relasyon ni Coleen sa pamilya niya, partikular na sa kanyang ina na si Mrs. Angeline Pangilinan-Valenciano.

May ilang beses naisulat na kinikilatis daw talagang mabuti ang mga nakakarelasyon ng mga anak.

“Actually it’s first time talaga na my mom acts in a certain way to her—yung talagang nag-I- ‘I love you siya… Good night, sweetheart.’

“I never really experienced my mom ever like that in my entire life—she’s very expressive when it comes to Coleen.

“Not just my mom… my dad, my brother.”

DOWN THE AISLE? Sa palagay ba ni Gab ay maaaring mauwi sa kasalan ang relasyon nila kung magtutuluy-tuloy ito at magtatagal?

“Lahat naman tayo, when we fall in love or we feel for someone…

“Di naman natin ine-expect na, ‘Let’s give it two months or bigyan natin ng quota.’

“But personally, I have also never been happier, actually not just happier but more secured, inspired, more hardworking.

“Even yung weaknesses ko, nagawa niyang strength.

“So I’m so blessed not just to have her as we are, but as my best friend.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN