Coleen Garcia confident about her relationship with Gab Valenciano: "I’ve never been happier, so I really hope this is it na talaga—and I believe this is it.”

Hindi alintana ni Coleen Garcia ang mga negatibong usap-usapan tungkol kay Gab Valenciano pagdating sa pakikipagrelasyon. Sabi niya tungkol sa estado ng kanilang relasyon, “We’re definitely exclusive. I feel the same way, kilig ako to hear his good words about me, and I’ve never been out in the open. So I am now with Gab and I believe in with what we have."


Matapos ang pakikipag-break sa singer na si Rachelle Ann Go at sa aktres na si Isabel Oli, napaparatangan ngayon si Gab Valenciano na isa raw “playboy” at “heartbreaker.”

Kaya naman nangangamba ang ilang malalapit na tao sa young actress na si Coleen Garcia, na baka matulad siya sa ex-girlfriends ni Gab.

Nababalita kasi ngayon na si Coleen ang bagong girlfriend ni Gab.

Ngunit hindi naman nangangamba si Coleen sa mga usap-usapan na ito tungkol kay Gab dahil matagal na raw niya itong kakilala.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Normally, I’m very careful.

“And maybe if I didn’t know him well enough, I would have been scared and I would have been hesitant.

"But I’ve known him a long time.

“We’ve met two years ago and, ever since, we’ve been close and I know the real Gab.”

Pero ano na ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Gab at bakit mukhang mas bukas na sila ngayon sa publiko?

“We’re definitely exclusive,” sagot ni Coleen.

“I feel the same way, kilig ako to hear his good words about me, and I’ve never been out in the open.

“So I am now with Gab and I believe in with what we have.

“Siguro dati naging hesitant ako because, yun nga, I didn’t believe in as much as I believe in this.

“So what we have is very special and I really treasure it.”

Ayon pa kay Coleen, kilala na ng kanyang pamilya si Gab at boto raw ang mga ito sa anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan.

“Of course they know him very well, they love him so much. They treat him like their own son, especially my mom talaga.”

Positibo rin ang young actress at co-host ng Showtime na maganda ang kauuwian ng relasyon nila ni Gab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Coleen, “I wouldn’t be in a relationship naman if I didn’t believe that it was gonna go somewhere.

“And right now, I’ve never been happier, so I really hope this is it na talaga—and I believe this is it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN