Phil Younghusband says he has not proposed to Angel Locsin yet: “Maybe in the future… but now, not yet.”

Malaking tulong ang ginawa ni Phil Younghusband sa relief operations na pinuntahan ng girlfriend niyang si Angel Locsin noong nakaraang kalamidad. Nagbalot at nag-distribute sila ng relief goods para sa mga naapektuhan ng baha. Dahil dito, lalo raw na-in love si Angel sa kanya. Sabi naman ni Phil: “I’m very happy and I’m very lucky to have someone like Angel to be in love with me, and I’m very, very happy with that and I’m very lucky.&am


Kilalang-kilala na ang larong football dito sa Pilipinas matapos umarangkada ang kasikatan ng Philippine National Football Team—na mas kilala sa tawag na Azkals.

Nagbigay ng karangalan sa ating bansa ang nabuong team matapos manalo ng ilang beses sa international competitions.

Dito nakilala ang magkapatid na Phil at James Younghusband—ang dalawa sa pinakasikat na miyembro ng Azkals.

Patuloy ang pagsikat nila, hindi lang bilang football players kundi bilang endorsers din ng ilang produkto.

Kaugnay nito, nag-organisa ang Clear shampoo ng Football Dream Match, tampok sina James at Phil, na gaganapin sa University of Makati sa August 25.

Noong Linggo, August 11, nagkaroon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataon na makapanayam si Phil matapos ang proseso ng drafting para sa Football Dream Match.

Ang draft ay isinagawa upang piliin ang players na magiging teammates nina Phil at James para sa laro.

OFFICIALLY ON. Sa naunang panayam ng PEP kay Phil ay inamin nito na "officially together" na sila ng aktres na si Angel Locsin.

Ibig sabihin ay girlfriend na ni Phil ang Kapamilya actress.

Noong May 27 ng taong kasalukuyan daw nila ginawang opisyal ang kanilang relasyon.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa presscon noong Linggo ay kinumusta ng PEP kay Phil ang relasyon nila ni Angel.

“More… more in love! It’s amazing!: bulalas ng Filipino-British football player.

"I have unexplainable feeling, and this feeling never ends. We’re really, really in love with each other.

“I think, if we have a happy lovelife, I think we are happier in our work.

“There’s a correlation between the two and I’m very happy in my work now because of that love we have.

“It really helps to become more inspired doing my work.”

RELIEF OPERATIONS. Noong kasagsagan ng ulan at baha sa Metro Manila last week ay nagsagawa ng relief operations si Angel. At kabilang si Phil sa tumulong sa pagbabalot at pag-empake ng relief goods na ipinmahagi sa mga nasalanta ng baha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ginawang ito ni Phil, lalo raw na-in love si Angel sa kanya.

Komento ni Phil dito, “I wanna help… I wanna be there. I want to be responsible on that.

“I’m really sad on what happened to them [flood victims] and I wanna help them with the simple things I’ve done.

“I’m very happy and I’m very lucky to have someone like Angel to be in love with me.

"And I’m very, very happy with that and I’m very lucky.”

NOT ENGAGED. May plano na ba silang magpakasal ni Angel?

“No plans yet, but what I always say is that I wanna have a future with Angel…

“But maybe sometime in the future, but as I said, no plans yet.”

Nakikita ba niya si Angel bilang kanyang lifetime partner?

“Yes! Yes, definitely,” mabilis na sagot ni Phil.

Nilinaw naman ni Phil na mayroon kaibahan ang pagkakaroon ng relasyon at pagiging engaged.

“No, maybe they are just confused about their questions.

“They asked me if she is officially my girlfriend.

“They might have been confused that they think that I have proposed—not yet!

“Maybe in the future… but now, not yet.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN