Diva Montelaba on Steven Silva: “Oo, mahal ko siya, mahal ko siya.”

“Friends kami. Closer than friends, pero mutually, we don’t commit ourselves to each other na, ‘Uy, boyfriend kita! Uy, girlfriend mo ako!’" paglalarawan ni Diva Montelaba sa estado ng relasyon nila ng StarStruck batchmate niyang si Steven Silva.


Kasama ang StarStruck V alumna na si Diva Montelaba sa launching movie nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona na Just One Summer.

Paglalarawan niya sa kanyang role: “Mabait ako. Pinsan ako ni Julie Ann San Jose.

"Tapos schoolmates kami. Tapos ako yung nakakaalam kasi mero’n siyang major problem dito, e.

“Isa ako sa unang nakaalam sa mga problema niya na hindi niya puwedeng sabihin sa family niya agad.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Diva bago ang premiere night ng Just One Summer noong August 13, Lunes, sa Max’s restaurant sa SM Megamall.

Masasabing unang mainstream movie ito ni Diva. Kasama rin kasi siya sa indie movie na Oros na entry sa Cinemalaya ngayong taon.

“Sobrang magkaiba,” pagtukoy ni Diva sa dalawang pelikulang ginawa niya.

"Kasi yung sa Oros kasi is sa squatter’s area talaga iyon.

“Mahirap talaga ako doon ’tapos sa Baseco... yung environment, talagang ibang-iba."

Ang Baseco Compound, kung saan kinunan ang Oros, ay isang depresed area na matatagpuan sa Port Area, Manila.

“Dito naman [sa Just One Summer], hindi masyadong mahirap kasi nandiyan lang ako for Julie to comfort her.

“Hindi naman siya masyadong heavy, mas light itong Just One Summer.”


COMFORTABLE WITH KONTRABIDA ROLES. Natutuwa raw si Diva dahil kung sa TV ay palagi siyang kontrabida, sa pelikula ng GMA Films ay mabait naman ang papel niya.

Mas gusto ba niyang magkontrabida?

“Hindi. Okay lang na mabait ako for now. Eventually darating naman yun, e. So okay lang.”

Pero ayon kay Diva, “Mas gusto kong magkontrabida. Kasi sabi nila, yung features ng face ko, iyon talaga nababagay.

“Tapos nakita nila akong umarte na kontrabida, okay naman daw. Parang mas bagay sa akin.

"So with all the compliments and everything… ‘tapos naramdaman ko talaga na pag nagkokontrabida ako, comfortable ako.”


BEAUTY-QUEEN MATERIAL. Marami ang nagsasabi na sa ganda ng kulay at height ni Diva ay puwedeng-puwede siyang sumali sa beauty contests.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May plano ba siyang sumali sa alinmang national beauty pageants?

“Hindi ko pa alam. Hindi ko talaga alam. Personally, hindi pa ako sure. Hindi ako sure,” nangingiti niyang sagot.

Marami ang nag-akala na this year ay sasali siya, pero hindi ito nangyari.

“Kaya nga, e. No, just for everybody to know, bago ako nag- StarStruck talaga, beauty queen ako sa Cebu.

“Miss Campus” daw ang kanyang titulo.

“As in marami na akong nasalihang beauty pageants.

“So, nung sumali ako sa StarStruck, sinabi ko sa sarili ko, parang huwag muna akong mag-beauty pageant.

“Yung part na yun ng life ko, showbiz muna.

"So iyon nga, sinasabi nila na puwede naman daw.

“Hindi naman ayaw. Eventually darating ‘yan. ‘Tapos gusto kong sumali na feeling ko ready na ako.

“E, for now, hindi pa talaga, e.”

Bakit niya nasabing hindi pa siya ready?

“Hindi ako ready kasi mero’n akong mas gustong gawin… na umarte. Iyon ang mas gusto kong gawin for now.

“Yung gumawa ng soaps, movies, shows... so iyon.

“Parang second na yung pagbu-beauty queen.”

PRESSURED TO GIVE HER BEST. Si Diva ay produkto ng StarStruck kaya naitanong ng PEP sa kanya kung ano ang masasabi niya na may bago na namang batch ng artista mula sa ongoing reality artista search ng GMA-7 na Protégé.

Pag-amin ng Party Pilipinas mainstay, “Napi-pressure ako! Honestly, ‘eto totoo ito, ha, nape-pressure ako.

“Kasi mas maraming artista, mas nagiging maliit yung chance mo to have a break or something.

“But I think everybody has a chance. Yung mga sumasali sa Protégé, gusto din nila kung anong meron ako.

“For some reasons, natutuwa ako kasi mas maaga kong nakamit yung gusto din nila.

“Pero kahit naman ilang artista ang dumating, pag magaling ka at kung para sa iyo yung project at yung show na iyon, magiging sa iyo yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But hindi mo maiiwasan na nakaka-pressure talaga, sobra!

“Hindi naman ako bitter na nandiyan sila, pero pressured.

"Tapos natutuwa ako for them na they have the courage to do what I did nung sumali ako sa StarStruck.”

STEVEN SILVA. Samantala, marami ang nagsasabing may relasyon na si Diva at si Steven Silva—ang itinanghal na Ultimate Male Survivor ng StarStruck V.

“Sabi ko na nga ba diyan pupunta ‘yan e!” sabay tawa ni Diva.

Sila na ba?

“Hindi namin kini-claim na kami.”

Bakit hindi sila umaamin samantalang nakikita silang sweet sa isa’t isa?

“Kasi feeling ko, mas masaya na hindi officially kami, pero the way we treat each other is, like, special.

“Alam mo yun? Yung… ang gulo nga, e. First time ko ngang na-experience, e.

“Friends kami. Closer than friends, pero mutually, we don’t commit ourselves to each other na, ‘Uy, boyfriend kita! Uy, girlfriend mo ako!’

“Kasi feeling ko, mas masaya yung ganito.”

May mutual understanding na ba sila?

“Puwede, puwede," sagot ni Diva.

"Pero kasi, pag ako kasi nagkaroon ng… ‘eto ha, previous boyfriends ko kasi, parang… hindi ko alam.

“Pag may lovelife ako, yung work ko or yung studies ko dati, naaapektuhan.

“Hindi ako ganun kagaling magdala ng relationship.

“So ngayon, mas sobrang okay kami sa set-up namin ngayon na… well he can date, I can date.”

EXCLUSIVELY DATING? Hindi raw naman nakikipag-date sa iba si Diva. At sa pagkakaalam niya, si Steven ay hindi rin.

Dagdag ng Artist Center talent, “Marami siyang pinagkakaabalahan, nagdyi-gym. Nasa Davao siya ngayon with his family.

"So iyon, masaya talaga ako.

“Dumating yung parents niya from the States, ‘tapos medyo maikli lang yung time na mag-i-stay sila dito so nagpunta si Steven doon.”

Magkakilala na raw sila ng pamilya ni Steven.

“Even StarStruck pa, na-meet ko na sila. Tapos every time na umuuwi sila dito, lumalabas kami or pumupunta sila sa bahay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, para na nga silang magkasintahan talaga ni Steven?

“Hindi talaga," tanggi pa rin ni Diva.

Mahal ba niya si Steven?

“Ano ba ito?” sabay-tawa muli ni Diva.

Maraming klase ng pagmamahal.

“Oo, mahal ko siya, mahal ko siya,” pag-amin na rin niya.

Nararamdaman ba niya na mahal din siya ni Steven?

“Oo, kasi alam mo ba, every time nagkakaroon ako ng problema, hindi ko siya kailangang tawagan, e.

“Ramdam niya. Every time nagre-rehearse kami ‘tapos ‘pag matamlay ako, ramdam niya na kailangan ko siya. So, ganun.

“Ganun naman di ba, pag mahal mo yung tao?”

What if dumating ang point na gustuhin ni Steven na maging opisyal at pormal na ang kanilang relasyon, papayag ba si Diva?

“Why not? Why not? Puwede, puwede. Possible naman ‘yan. Pero tingnan natin,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN