Angel Locsin compares her lovelife to flood victims: "Pagtapos ng unos, kinabukasan, mas magiging maganda ang bukas."

Sinuong ng Kapamilya stars na sina Angel Locsin, Iza Calzado, at Kris Aquino ang baha noong August 9 upang mamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng habagat sa Valenzuela City.


Maraming mga celebrity ang nagsagawa ng relief operations noong kasagsagan ng baha sa Metro Manila at mga kalapit na probinsiya, gaya ng Bulacan at Pampanga, noong nakaraang linggo.

Kabilang na rito ang grupo ng Kapamilya stars na sina Angel Locsin, Iza Calzado, at Kris Aquino.

Noong Huwebes, Agosto 9, kahit hindi pa masyadong humuhupa ang tubig-baha ay magkakasama ang tatlong aktres na nagtungo sa Malanday, Valenzuela City, upang mamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng baha roon.

Sinamahan ang tatlo nina Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian at Councilor Shalani Soledad-Romulo sa pagbibigay ng ayuda sa flood victims.

COMMON OBJECTIVE. Matapos ang pamimigay ng pagkain at relief goods, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam sina Kris, Iza, at Angel.

Ikinuwento ng tatlo ang kanilang karanasan sa pinagdalhan sa kanilang evacuation center sa Valenzuela City.

Sabi ni Kris, “Sa palagay ko, silang dalawa [Iza and Angel] ay na-touch, katulad ko.

“Kasi yung appreciation na ipinaramdam nila sa effort na binigay namin, nakakatuwa talaga.

“Sobra ganda ng spirit nila—walang nag-complain, walang lamangan.

“Saka aminin ninyo naman na ang sarap marinig sa kanila na, “Uy, ang ganda-ganda ninyo!’

“In fairness, nakakatanggal pagod din naman pag marinig mo yung compliment na iyon."

Ayon naman kay Iza, “Siguro, ang masasabi ko lang, masaya talaga bilang artista…

“Yung alam mong magagamit mo yung pagiging artista mo sa pagkawanggawa, beyond giving financially.

“Lagi kong iniisip na one of the greatest gifts as an artist is that your mere presence can actually make people smile pag nakita ka nila.

“Napapangiti sila sa presence mo.”

Saad naman ni Angel, “Nakakatuwa at nakaka-inspire…

“Na ang Pilipino talaga, kahit ang daming problema, nakikita mo talagang lumulusong sila sa baha.

“Wala na silang makain, matagal na silang di umuuwi sa bahay nila, ay nagagawa pa rin nilang ngumiti.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANGEL’S LOVELIFE. Kinuha na rin ng PEP ang pagkakataon na iyon upang masinsinang matanong si Angel tungkol sa kanyang lovelife.

Kumalat sa Internet ang pictures kunsaan kasama ni Angel ang kanyang boyfriend na si Phil Younghusband sa pag-eempake ng relief goods.

Sabi ni Angel, “Ayun, wala talaga siyang choice kundi mag-pack din ng mga relief goods na ipamimigay namin sa mga nabaha.

“Pero, in all fairness naman dun sa boyfriend ko na si Phil, very willing siyang tumulong noong pumunta kami sa ganitong lugar para magbigay ng relief goods.

“Siya pa mismo ang nag-i-interview sa mga taong nandun… kung anong nangyari.

“Siya yung kumukamusta sa mga nabiktima ng baha—may ganun siyang malasakit sa mga tao.”

Dahil sa gesture na iyon ni Phil ay lalong na-in love si Angel sa kasintahang football player?

Sagot ng aktres, “A, hindi ko alam kung puwede pang dagdagan, mas lumevel-up pa, e, ang pagmamahal ko sa kanya.”

Singit naman ni Kris, “Nakakatuwang marinig siyang ganyan.

"Nung Ondoy time [2009], na-Ondoy din ang lovelife niya, di ba?

“Pero ngayon kita mo naman, very vocal siyang magsabi ng ‘boyfriend ko.’”

Ang tinutukoy ni Kris ay ang breakup noon ni Angel sa TV host-actor na si Luis Manzano.

Tuwing baha yata ay may nangyayari sa lovelife ni Angel, hindi ba siya natatakot?

"Hindi, hindi... Baka mag-reminisce ako dito pag nakita ko yung baha… huwag naman!” tawa ni Angel.

“Pero ganyan talaga ang buhay, di ba? Parang yung nangyari sa mga nasalanta, na pagtapos ng unos, kinabukasan, mas magiging maganda ang bukas.

"Ganun din sa lovelife natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN