Edgar Allan Guzman on passionate kiss with Eugene Domingo in stage remake of Bona: “Ang tamis. Ang sarap.”

For its 45th season, the Philippine Educational Theatre Association (PETA) proudly presents the stage adaptation of Lino Brocka’s 1980 masterpiece, Bona. The titular role that won for Superstar Nora Aunor a Gawad Urian in 1981 will be played by the talented Eugene Domingo. Edgar Allan Guzman (main photo) meanwhile, takes on the role of Gino Sanchez, the star wannabe, who Eugene’s character obsesses on.


“Ang tamis. Ang sarap.”

Ito ang paglalarawan ni Edgar Allan Guzman sa kissing scene nila ng aktres na si Eugene Domingo sa stage play na Bona.

“Imposible yun! Imposible dahil nag-gargle ako. Menthol yun!” pabirong sagot naman ni Eugene.

Humirit pa muli si Edgar: “Pero ang sarap. Talaga!

"At pinaghahandaan ko pa yung mga eksena namin ni Ate Uge na may kissing scene. Siguro mas grabe pa dun yung gagawin ko!”

Isang excerpt sa stage remake ng Bona ang ibinahagi ng dalawang pangunahing aktor sa press conference na ginanap kagabi, August 14, sa PETA Theater Center, Eymard Drive, New Manila, Quezon City.

Sa ika-45 na season ng Philippine Education Theater Association o PETA, inihahandog nito ang play adaptation ng isa sa mga importanteng pelikulang ginawa ng National Artist for Film na si Lino Brocka.

Ang title role na Bonaay ginampanan ni Nora Aunor. Dahil sa kanyang pagganap sa pelikula ay napanalunan ng Superstar ang Best Actress Award sa 1981 Gawad Urian.

Ngayong taong ito, bibigyang-buhay muli nina Edgar at Eugene ang dalawang pangunahing karakter sa modernong pagsasadula ng Bona.

Ang stage adaptation na ito ng PETA ay iikot sa istorya ni Bona (Eugene), isang spinster call center agent na magiging die-hard fan ng star-search reality showcontestant na si Gino Sanchez (Edgar).

Sa kuwento, dahil sa tindi ng pagiging panatiko ni Bona kay Gino ay ibibigay nito ang lahat-lahat.

PART OF THE JOB. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Edgar matapos ang press conference, sinabi ng binatang aktor na trabaho lamang ang intimate na eksena nila ni Eugene.

Saad niya, “Siyempre, hindi na ako nagpaalam sa kanya. Siguro ‘pag ginawa ko na lang yun, nag-sorry na lang ako, ‘Ate Uge, sorry!’

“Pero para sa amin kasi, matagal nang… kumbaga, marami na kaming project na magkasama and wala nang ilangan siguro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung nabasa naming may kissing scene, okay lang sa amin. Kumbaga, gagawin namin yun para sa story and sa mga audience.”

Bilang preparasyon sa eksenang halikan, inilagay lamang daw ni Edgar ang sarili sa karakter na kanyang ginagampanan.

“Hindi ko siya mahal. Hindi ko siya mahal pero ginawa ko yun kasi mahal niya ako, e.

"Ginawa ko yun para ipakita ko sa kanya [at] magkunwari na mahal ko rin siya.

“Kasi nga sa story, ginagamit ko siya.

"Yung kissing scene naman, nandun lang.

"Nilagay ko lang yung sarili ko sa eksena and hindi ako nailang, hindi ako nahiya.”

Ang role na ginagampanan ni Edgar ay base sa karakter ni Gardo, na ginampanan ni Phillip Salvador sa original film version ng Bona.

Nang ibigay sa kanya ang role na Gino Sanchez, sinigurado ni Edgar na mapanood niya ang pelikula ng yumaong si Lino Brocka.

“Hindi pa ako pinapanganak nung pinalabas ito, e, so wala akong idea kung ano yung story, kung ano yung role talaga na ginagampanan talaga ni Mr. Phillip Salvador and ni Ms. Nora Aunor.

“Pinanood ko siya. ’Tapos after panoorin, binasa ko yung script,” sabi ni Edgar.

Binanggit pa ng aktor na ang Bona na isasadula ng PETA ay mayroong mga pagkakaiba sa original movie kaya “maraming adjustments ang ginawa.”

ADJUSTING TO “PROFESSIONAL” THEATER. Bagamat hindi baguhan si Edgar sa teatro, isang challenge sa kanya ang magiging take ng kanyang pag-arte sa entablado.

Saad ng aktor, “Dapat malaki yung galaw ko. Usually, ‘pag TV kasi, hindi ka dapat gumalaw nang malaki kasi yung frame mo, mawawala, di ba?

“So dito, kumbaga, akin yung stage, sa amin yung stage dito…

“Kailangan malaki yung galaw ko dito. ‘Pag nakatalikod ako kasi, hindi kita yung emotions, e.

"So, kailangan malaki yung galaw. Yung emotions ng mukha, kailangan makita ng audience.”

Minsan nang sinubukan ni Edgar ang pag-arte sa teatro nang sumali siya sa Villa Teatro, isang grupo na nagpe-perform sa mga malls at paaralan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wika ni Edgar, ang Bona ang nagbigay sa kanya ng “first professional theater” experience.

ATE UGE’S HELP. Naging matulungin kay Edgar ang co-actor niyang si Eugene, na nakatrabaho na niya sa third episode ng Shake Rattle and Roll 13 na “Rain Rain Go Away,” entry sa Metro Manila Film Festival 2011.

Masaya ang 22-year-old actor na nakatrabaho niya muli ang aktres.

“Talaga namang si Ate Uge, nakaalalay, e.

"Masasabi ko talaga sa kanya, napaka… kahit sa text, talagang textmates kami kung pupunta ba ako sa rehearsal.

“Sobrang alalay niya sa akin kasi alam niya rin naman na first time ko mag-PETA, professional pa… Yung disiplina mahigpit.

“Grabe siya umalalay sa akin and natutuwa ako sa pag-alalay niya kasi baguhan lang ako sa theatre. Marami pa akong kailangang kaining bigas...

“Natutuwa ako sa kanya, at the same time, nagpapasalamat ako sa kanya sa pag-aalalay niya sa akin.”

Kung mayroong natutunan si Edgar sa Ate Uge niya, iyon ay ang mabilis na pagbago ng emosyon.

Paliwanag niya, “Unang-una sa script, e. Kailangan mong basahin agad tapos kailangan mo i-check lahat kung saan ka magsu-switch ng emotions.

“Si Ate Uge, ang galing niya mag-switch, e! Kahit ‘pag ako yung nanonood, nakikita kong masaya siya sa una [pagkatapos] bigla siyang magagalit.

“Hindi mo mapapansin na nag-switch siya, e, kasi ang ganda nung pacing na ginagawa niya.

“Yun yung nakikita kong puwede kong i-adapt sa kanya, puwede kong matutunan sa kanya.”

CAREER MOVE? Pansamantalang ipinagpaliban ni Edgar ang pag-arte sa telebisyon at pelikula upang ibuhos ang kanyang panahon sa teatro.

Nanghihinayang ba siya na mayroong mga projects na kailangan niyang palampasin?

Sagot ni Edgar, “Nanghihinayang, pero masaya naman ako.”

Ayon sa Ligo Na U, Lapit Na Me star, tinanggap nila ng kanyang manager na si Noel Ferrrer nang buong-buo ang pag-arte sa teatro.

“Nanghihinayang pero masaya ako kasi choice namin ito, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung sa TV naman, siguro, may mga chance din naman na dadating. Magagawa ko pa yun, e.”

Para rin daw ito kay Nora Aunor na nakatrabaho ni Edgar sa TV5 mini-serye na Sa Ngalan ng Ina.

Mayroong intensiyon si Edgar sa pagpili sa teatro.

“Gusto ko lang ipakita sa tao na mahal ko talaga yung pag-arte… mamahalin ko yung teatro.

"Yun yung gusto kong [ipakita]—kaya ko rin mag-teatro. Hindi lang sa indie.

“Kaya ko rin ipakita sa tao na may ibubuga rin ako pagdating sa teatro.”

Ang Bona ay ipapalabas mula August 24 to September 23 sa PETA Theater Center, sa ilalim ng direksyon ni Soxie Topacio. Ito ay hinango para sa stage ng playwright na si Layeta Bucoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN