Rocco Nacino says relationship with Sheena Halili is not official yet

Ganito ilarawan ni Rocco Nacino ang estado ng relasyon nila ngayon ni Sheena Halili: “Minsan magulo rin, e. Parang…ako, masasabi ko na special siya sa akin at nararamdaman ko rin naman na special ako sa kanya."


Siyempre pa, hindi maaaring hindi tanungin si Rocco Nacino tungkol sa kanila ng nababalitang girlfriend niyang si Sheena Halili.

Nabungaran kasi namin si Rocco sa dressing room ng Bubble Gang, kasama si Sheena na nagte-taping ng Bubble Gang nung Lunes ng gabi, August 11. Ka-share ni Sheena sa dressing room sina Gwen Zamora at Sam Pinto na mainstays sa show.

Napangiti muna si Rocco sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago siya nagsalita.

Aniya, “We’re good, okay naman.

“Eto, dinalaw ko siya. Dinalaw ko siya, dinalhan ko ng pagkain.

“After nito, may basketball game ako.

“Magkausap kami sa phone. Nagugutom siya, so dinalaw ko siya saglit at dinalhan ng pagkain.”

NOT YET OFFICIAL. Official na ba ang kanilang relasyon?

“No, hindi pa. It’s still the same. Nothing to compare yet.

“Yun nga, we’re enjoying each other’s company,” tugon niya.

Hindi lang ang pagiging visible ni Rocco sa dressing room ni Sheena ang napansin namin.

Naobserbahan din namin ang pagiging sweet nila sa isa’t isa. Nakita naming sinubuan pa ng young actress ng pagkain si Rocco.

Sa nakita namin, parang meron na talagang official relationship na nagaganap sa kanilang dalawa ni Sheena.

“Do you think?” tanong sa amin ni Rocco.

“I will leave it to you ano…” dugtong niya.

Pero nakita naming sinusubuan siya ng pagkain ni Sheena.

Palusot ni Rocco, “E, hindi, hawak na niya yung fork, e. Wala, e, saka hawak na niya yung pagkain. Siyempre tutulungan ko siya.”

Ano ba ang pumipigil sa kanilang aminin ang kanilang relasyon?

“Siguro napag-usapan din namin to take things slow. Saka priority rin namin yung work namin.

“If it happens, it happens. Kung kami, it will happen.

“Pero mas mabuting yung work, alam namin na nandiyan yung work namin.

“Hindi namin ginagawang problema yung work sa relationship namin. Making things go slowly.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Rocco, “Minsan magulo rin, e. Parang…ako, masasabi ko na special siya sa akin at nararamdaman ko rin naman na special ako sa kanya.

“Yung pagiging sweet namin sa isa’t isa, we were able to start a good friendship talaga.

"Unti-unting lumalalim yung relationship namin.

“Things are going really well, lalo na sabay kaming nagtse-church.”

Siyempre, may understanding na sila sa isa’t isa lalo na’t may subuan pa sila ng pagkain?

“Parang isang sushi lang naman yun!” natatawang bulalas ni Rocco.

Pero sa huli, inamin din niya na may mutual understanding na nga sila ni Sheena.

“Yeah, in a way, yes, oo. Masaya. Masaya kami parehas.”

FLOOD IN PAMPANGA. Ano namang suporta ang ibinigay niya kay Sheena noong nakaraang pagbaha? Ang mga kamag-anak kasi ng young actress sa Pampanga ay nasalanta ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Sabi ni Rocco, “Nagtu-tweet ako kung sino ang puwedeng tumulong. Inalam ko yung mga emergency numbers, hotlines.

“Yung mga ni-reserve kong damit na pang-bazaar ko, ibinigay ko na lang sa kanya para maibigay ko sa mga relatives niya na naapektuhan ng bagyo.

“I just extended my help at ipinakita ko yung concern ko sa dad niya.

“Kasi yung dad niya, councilor doon, e. So, nakikibalita lang ako sa dad niya.

“Kasi mas maganda ang signal sa bahay namin kaysa sa bahay nina Sheena.

“So, kung ano ang naririnig ko sa dad niya, inire-relay ko kay Sheena.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN