Manny Pacquiao reveals how God changed him through a dream

Sinamahan si Manny Pacquiao ng kanyang fans sa isang thanksgiving sa Smart-Araneta Coliseum. Dito ay ikinuwento niya kung paano siya pinagbago ng Panginoon. Ang payo niya sa kanyang mga tagahanga: “Alam ninyo, kapag narinig ninyo ang boses ng Panginoon, lahat kayo matakot gumawa ng kasalanan.”


Bagamat natalo siya sa kontroberisyal na desisyon sa laban nila ng Amerikanong si Timothy Bradley noong Hunyo, itinuloy pa rin ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang thanksgiving party niya.

Ginanapa ito sa Smart-Araneta Coliseum noong July 28, at dinaluhan ng halos 16,000 fans ni Manny.

Dito ay napansin ng karamihan na ibang-iba na si Manny, kumpara sa makontrobersiyang buhay niya noon.

Iba na kasi ang pananalita ng boksingero at Saranggani representative, na kadalasan ay sinasambit niya ang pangalan ng Diyos.


IN A DREAM. Sa ulat ng Reaksyon, ang public-affairs program ni Luchi Cruz-Valdes sa TV5, kagabi, August 14, ikinuwento ni Manny ang pangyayaring naging dahilan kung bakit isa na siyang “changed man” ngayon.

Kuwento niya, “Nanaginip ako isang gabi, di ko ma-explain kung gaano kaganda, kung nasaan ako, kung anong lugar na yun…

“Nakaluhod ako at umiiyak, na humihingi ng tawad sa Panginoon.

“Maya-maya, naririnig ko, napakalaking boses.

“Alam ninyo, kapag narinig ninyo ang boses ng Panginoon, lahat kayo matakot gumawa ng kasalanan."

Dagdag niya, “Pag may mga chicks nang nagdadaan [noon], gaganun [habang nagmumuwestrang umiikot] yung mga mata ko…"

Hindi naman kasi kaila sa publiko ang pagkakaugnay noon ni Manny sa ibang babae, kabilang na ang mga aktres na sina Ara Mina at Krista Ranillo.

Ngunit ngayon, ayon kay Manny, ay nakatuon na lamang ang pansin niya sa kanyang misis na si Jinkee Pacquiao.

“Pero ngayon, because I have a strong faith, ang tinitingnan ko na lang… ang pinakamaganda sa buhay ko is yung asawa ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN