Patience finally pays off for Kapuso actress Andrea Torres

Andrea Torres never thought of giving up on her dream to become a more popular actress. But the 22-year-old Kapuso actress admits she almost gave herself a limit: “...sinabi ko naman sa sarili ko na kung twenty five, wala pa ring nangyayari, medyo mag-iisip na ako, na baka pinipilit ko na lang ang sarili ko. Pero ano, luckily naman, dumating naman siya.”


Sulit ang paghihintay ng Kapuso talent na si Andrea Torres, dahil mahigit isang taon matapos niyang pumirma ng kontrata sa GMA Network ay mabibigyan na siya ng lead role.

Ito ay sa pamamagitan ng remake ng dating teleserye na Sana Ay Ikaw Na Nga, na magiging bagong teleserye sa hapon ng Kapuso network.

“Ang sarap ng feeling kasi pinaghirapan mo,” sabi ni Andrea nang tanungin siya ng media, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tungkol sa bagong proyektong ito.

Nakausap si Andrea sa pocket presscon na ginanap kagabi, Agosto 14, sa GMA Network Center sa Quezon City.

Patuloy niya, “Iba ’yong ibinigay lang sa ’yo at iba ’yong ang tagal-tagal mo nang pinaghirapan.

"At saka ang dami ko nang pinagdaanan, talagang ups and downs.”

Bago niya makuha ang oportunidad na ito, gumanap muna si Andrea sa ilang supporting roles sa mga teleserye ng GMA, tulad ng Blusang Itim (2011) at My Beloved (2012).

Bukod dito, isa rin siya sa mga naging regular hosts ng teen-oriented show noon na Ka-Blog (2008).

Para kay Andrea, tama lang na hindi siya nagsawa sa kanyang ginagawa kundi ay nawalan siya ng pagkakataong maging bida sa isang teleserye.

Dala na rin ito marahil ng kanyang hilig.

Kuwento ng 22-year-old Kapuso actress, “Gusto ko talaga kasing mag-artista.

“Ever since noong bata ako, wala akong gustong gawin na trabaho. Kaya never kong naisip na mag-stop.

“Although, sinabi ko naman sa sarili ko na kung twenty five, wala pa ring nangyayari, medyo mag-iisip na ako na baka pinipilit ko na lang ang sarili ko.

“Pero ano, luckily naman, dumating naman siya.”

MORAL SUPPORT FROM MARIAN. Bukod sa pamilya at malalapit na kaibigan, nagpapasalamat din si Andrea sa suportang ibinigay ng dating co-star sa My Beloved na si Marian Rivera.

“Parang itinuturing ko na siyang ate.

“Kasi, wala pa akong contract sa GMA-7, wala pa akong manager, nandiyan na siya, binibigyan na niya ako ng tulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Binibigyan na rin niya ako ng lakas ng loob tulad ng, ‘Uy, maging patient ka lang, darating din ‘yan.’”

Suwerte rin daw na maituturing ang pagiging magkaibigan nilang dalawa.

Ani Andrea, “Tingin ko naman, oo, suwerte naman.

“Sabi nga ng fans niya, suwerte nga raw. Naniniwala naman ako.

“Bukod doon, marami rin naman siyang naturo sa akin na mga tips, hindi lang puro tungkol sa showbiz, kundi pati outside showbiz.

“Minsan nga, siya pa ‘yong nagsasabi sa akin na, ‘Huwag kang mainip.’

“Kasi, siyempre, minsan dahil ang tagal, nagkakaroon ng times na nalulungkot ka na kasi lahat na ginagawa mo, parang wala pa rin.

“Isa siya sa mga taong nagpu-push sa akin na, ‘Okay lang.’

"Ganyan din naman daw siya noong una, hindi naman agad-agad. Pero at least ngayon na nandito na, worth it naman.”

At tulad ng sinabi ni Andrea noong una, mabuti na lamang daw at hindi siya huminto sa pagiging artista.

Naalala pa niya ang sabi sa kanya ni Marian, “Sabi niya, ‘Worth it lahat ng mga nangyaring ito.

“’Kasi kung ’binigay sa ’yo noon, baka hindi ka pa ganoon kahanda, hindi mo pa siya maha-handle nang maayos.

“’Pero ngayon na marami ka nang experiences, mas nabibigyan mo ng halaga.’”

READY TO TAKE RISK. Sa Sana Ay Ikaw Na Nga, makakatambal ni Andrea ang dati niyang co-star sa My Beloved na si Mikael Daez.

Sabi ni Andrea, magkakaroon sila ng kissing scenes at ilang bed scenes.

Sa katunayan, may "patikim" na silang ginawa sa pictorial ng kanilang teleserye.

Hindi na raw nagdalawang-isip si Andrea na tanggapin ang offer nang sabihin sa kanyang may mga ganitong eksena.

Ang katuwiran niya, handa na siyang gawin ito dahil lead role naman ang ibinigay sa kanya.

Dagdag pa ni Andrea, “Sabi ko naman dati na kapag nagbida na ako, ’yon talaga ’yong okay lang mag-kissing scene at medyo mas risky na mga eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay lang kasi I think kailangan din naman sa show.

“Parang kung walang kissing scene, walang bed scene, parang hindi yata mabibigyan ng justice ’yong story.”

Mabuti na lamang daw at single siya ngayon.

“Kung hindi, mahihirapan ang boyfriend ko na tanggapin!” natatawang sabi ni Andrea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN