Leni Robredo sees hand of late husband Sec. Jesse Robredo in VP win

May 27, 2016
<p>Leni Robredo ready to face Senator Bongbong Marcos's impending electoral protest: "Inaasahan po natin ito dahil nung nagsimula po tayong mag-lead dun po sa quick count ng PPCRV pati na po sa Comelec, very vocal naman sila na maghahain sila ng election

Tila pinagtiyap ng pagkakataong nakamit ni Leni Robredo ang pagkapanalo bilang bise presidente sa mismong araw ng kaarawan ng yumao niyang mister na si Sec. Jesse Robredo.

Tiyempong katatapos lamang ng inalay niyang misa sa Basilica Minore de Nuestra Señora de Peña de Francia, sa Naga City, nang matanggap ni Robredo ang balitang siya ang nagkamit na may pinakamaraming boto para sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Base ito sa pagtatapos ng opisyal na bilangan ng National Board of Canvassers sa Kongreso ngayong Biyernes ng gabi, May 27.

“Masayang-masaya po tayo kasi hindi po natin inaasahan na matatapos ang canvassing ngayong araw,” nakingiting bungad ni Robredo sa live telecast ng 24 Oras.

Patuloy niya, “Yung sa akin naman po, parang ano ba naman yung chances na sa birthday ng asawa ko matatapos yung canvassing? 

“Pero ibinigay Niya po.

“Napaka-meaningful po sa amin, napakahalaga nung pagtanggap ng balita dahil po sa timing ng pagtatapos nito.”

Continue reading below ↓

Naniniwala si Robredo na may basbas ng kanyang mister—na nanilbihan bilang Department of Interior and Local Government (DILG) secretary bago ito pumanaw sa isang aksidente—ang bawat hakbang niya tungo sa paninilbihan para sa bayan.

Saad niya, “Actually, hindi lang sa tagumpay. Pati yung umpisa.

“Kung ako lang yun, marahil hindi ko tatanggapin yung hamon.

“Yung mga nakakakilala sa akin, alam nila very reluctant ako.

“Kahit po yung pagkandidato [ko] ng congresswoman [noong 2013 elections].”

Ayon pa kay Robredo, saksi ang kanyang mga kababayan sa Naga na sadyang tawag lang ng pagkakataon na mapasabak siya sa larangan ng pulitika.

“Mas lalo na ngayon sa pagka-bise presidente.

“Parang, kung ako lang yun, hindi ko siguro tatanggapin.

“Kapag binabalikan po natin bakit ko tinanggap, marahil po dahil sa asawa ko.

“Hindi lang sa kanyang paggabay, pero sa halimbawang ibinigay niya sa amin na, kahit mahirap yung sitwasyon, tinatatawag tayo magsakripisyo para sa bayan, wala tayong karapatang tumalikod dito.”

Continue reading below ↓

MARCOS’S ELECTORAL PROTEST. Sa kabilang banda, handa umano si Robredo na harapin ang pagprotesta ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng naging resulta ng kakatapos na halalan.

Kinukuwestiyon ng kampo ni Marcos ang mga diumano’y iregularidad na naganap sa bilangan ng boto, mapa-quick count man ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) o sa mismong opisyal na canvassing ng National Board of Canvassers sa Kongreso.

Diretsong pahayag ni Robredo, “Inaasahan po natin ito dahil nung nagsimula po tayong mag-lead dun po sa quick count ng PPCRV, pati na po sa Comelec, very vocal naman sila na maghahain sila ng election protest.”

Gayunman, mahigpit na pinabulaanan ni Robredo ang diumano’y “discrepancies” sa vote counting na kinukuwestiyon ng kampo ni Marcos.

Sabi pa ni Robredo, “Pareho po ng COC na hawak po namin, pareho po ng COC na binilang ng board of canvassers.

Continue reading below ↓

“Ito rin po yung COC na yung resulta din na galing sa Comelec.

“Pinapakita po na yung maraming alegasyon nila noong una, hindi naman talaga totoo.”

FULL SUPPORT FOR PRESIDENT-ELECT DUTERTE. Samantala, ayaw pangunahan ni Robredo ang anumang cabinet position na ibibigay sa kanya ni president-elect Rodrigo Duterte.

“Palagay ko po, napaka-premature pa. Hindi pa naman po ako napoproklama [bilang vice president].

“Hanggang ngayon, kahit tapos na ang canvassing, hindi pa naman po ako napoproklama.

“Siguro po hihintayin ko muna yung aking proklamasyon bago po ako pumunta sa kanya para magbigay ng aking kortesiya.

“Ayoko namang pangunahan yung proseso. Kasi, kahit meron kaming numero, unofficial naman po yun.

“So, sabi ko po, hihintayin ko muna yung canvassing ng Kongreso.

“Hihintayin ko maproklama ako, siguro po sa darating na linggo, bago ako pumunta sa kanya.”

Gayunman, nilinaw ni Robredo na “100 percent” ang kanyang suporta sa administrasyon ni President-elect Duterte.  

Continue reading below ↓

Ito ay sa kabila ng kaalamang kumandidato si Robredo sa ilalim ng Liberal Party, habang si Duterte ay standard-bearer ng PDP-Laban.

Pahayag niya, “Oo naman po. Klarong-klaro po na yung taong-bayan, talagang ibinigay yung mandato sa ating susunod na pangulo, Pangulong Duterte.

“Obligasyon ko po, hindi lang bilang magiging susunod na pangalawang pangulo, pero obligasyon ko po bilang Pilipino na ibigay yung 100 percent support ko sa kanya.

“Kasi yung kanya naman pong success, hindi naman para sa kanya, kundi success para sa buong bansa.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Leni Robredo ready to face Senator Bongbong Marcos's impending electoral protest: "Inaasahan po natin ito dahil nung nagsimula po tayong mag-lead dun po sa quick count ng PPCRV pati na po sa Comelec, very vocal naman sila na maghahain sila ng election
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results