Ogie Alcasid reveals how wife Regine Velasquez gets to avoid going to the gym

Kahit malayo sa piling ni Ogie Alcasid ang dalawang anak na babae sa first wife na si Michelle Van Eimeren, lumalabas pa rin ang pagka-ama nito lalo na kapag ligawan ang pinag-uusapan. Sabi ng songwriter tungkol sa 15-year-old na panganay: “Mas gusto yata nila yung dinidiretso sila [ng tanong] kesa yung… ang intindi ko, ha? Kasi medyo pinapakiramdaman ko, pagka medyo pailalim ka, yung prying ka—lalo nilang tinatago, e. So, diretsuhin mo na.”


Hindi kaila na pagkatapos manganak sa first baby nila ni Ogie Alcasid ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, sinubukan nang magpapayat ng singer-actress.

Suportado naman ni Ogie ang hangaring ito ng kanyang misis.

Aniya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siyempre, support ako, talagang… well, nag-South Beach muna siya, siguro mga two months.

“Tapos ngayon, gusto na niyang mag-workout.”


EXCUSES. Kilala si Regine na hindi athletic at hindi mahilig mag-gym.

Nakakatuwa ang kuwento ni Ogie tungkol sa planong pagwo-workout ng kanyang misis.

Si Ogie kasi ang nag-enroll kay Regine sa isang gym.

“Kung anu-anong excuse ang ibinibigay sa akin," kuwento ni Ogie.

"Sabi ko, ‘O, na-enroll na kita, ha? Sasamahan kita bukas.’

“Sasagot siya, ‘Okay…’

“Pagdating [ng next day], sasabihin, ‘Nilalagnat ako…’

“Nilalagnat daw, pero panay ang Twitter. Sabi ko, ‘Nilalagnat ka pero Twitter ka nang Twitter!’

“Then noong sumunod, ‘O, ni-resked kita. Pasasamahan kita.’

“Kasi meron akong taping that day.”

At ang isa pang alibi raw ni Regine ay: "Meron ako, e. Nanghihina ako…"

“Siya ang humingi noon, friend!” ang natatawang dugtong ni Ogie.


CHOCOLATE LOVER. Hindi pa rin daw natutuloy ang pagwo-workout ni Regine sa gym hanggang ngayon.

At may bago raw "palusot" ang Asia’s Songbird.

“Ano daw kasi, umuulan! May habagat!” tawa na naman ni Ogie.

“E, di ‘eto na… e, di bumili kami sa S&R ng mga ano, pang-relief goods.

“Tapos nakita ko, may dala siyang dalawang malaking chocolates na may nuts—dalawang malaking garapon.

“Sabi ko, ‘Bakit may ganyan?’

"Sa akin, bakit?" sagot naman daw ni Regine.

“Sa iyo pala ’yan!’Akala ko ba relief goods?

“Tapos itinago, ’nilagay niya sa kuwarto.

"Sabi ko, ‘Patikim nga. Ang sarap! Ang sarap, e.’

“Ang labing-isa noon, 160 calories! E, nakaka-300 yata ako sa isang ano [kainan]. Ang sarap!” sabay-tawa muli ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Chocolates siya na may nuts sa loob. Para siyang oblong na flat na chocolate.

“Grabe yun, ang sarap!”


Na-e-enjoy na kasi ng Songbird ang pagkain ng chocolates, di gaya noong buntis pa siya sa anak nilang si Baby Nate.

Kuwento ni Ogie, “Yung last few months ng pregnancy niya, nagkaroon siya ng gestational diabetes…

“So, nahirapan kami, kasi kahit anong gawin namin sa sugar niya, laging ang taas.”

Okay na raw ngayon ang sugar level ni Regine kaya nga nakakakain na na ito ng chocolates.


OGIE’S GIRLS. Nagkuwento rin si Ogie tungkol sa dalawang anak niyang babae sa ex-wife na si Michelle Van Eimeren—sina Leila at Sarah.

Ang dalawa ay parehong naninirahan sa Australia, kasama ang ina nilang si Michelle at ang stepfather nilang si Mark Morrow.

Ang panganay nina Ogie at Michelle na si Leila ay 15 years old na. May nanliligaw na ba rito?

“Siyempre, alam mo naman sa age na yun.

"Pero, you know, ang maganda dun sa panganay kong iyon… she talks to us, e.

“Pag kausap ko yun, sasabihin ko, ‘O, how are you?’ Didiretsuhin ko siya, ‘How are the boys?’

“Sasagot yun, ‘What boys, dad?’ kiyemeng ganun. ’You know, the boys?’

“Mas gusto yata nila yung dinidiretso sila kesa yung… ang intindi ko, ha?

“Kasi medyo pinapakiramdaman ko, pagka medyo pailalim ka, yung prying ka, lalo nilang tinatago, e.

"So, diretsuhin mo na,” saad ni Ogie.

Pero hindi pa naman daw nagkaka-boyfriend ang panganay niyang anak.


NON-SHOWBIZ. Wala ba sa dalawang anak na babae niya ang nagpapahiwatig na gustong tumira rito sa Pilipinas at mag-showbiz din?

“Hindi ko nakikita—wala,” sagot ni Ogie.

Pero pareho daw mahilig kumanta ang dalawa.

“Pero feeling ko, doon nila gusto [sa Australia]."

Patuloy ni Ogie, “Yung pangalawa kong anak, parang magiging negosyante yun.

“Eleven siya. Ano, e, masinop… makuwenta, tsaka maambisyon. ’You know, I’m gonna be so rich, I’m gonna be successful!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung isa naman, puro landi lang, puro pampakikay,” sabay tawa uli ni Ogie.

“Siguro sa stage iyon, di ba?

“Sa mga isyung ganun, si Michelle talaga ang ganito-ganyan pag ano… walang Facebook.

“Kasi alam mo, doon talaga sila nagkaka-ano [meet].

“So, maganda rin yung may disiplina rin talaga, kasi pagka lahat pinayagan mo, nagkakagulo.”


NEW ALBUM. Dalawang shows ni Ogie ang magtatapos—ang soap na My Daddy Dearest at ang talk show na Pare & Pare.

Sabi naman ni Ogie tungkol dito, “Masaya kasi nga, iyon, I will have more time with my son at saka I have to finish my album also.

“Under Universal siya, tapos na siya, mga bagong kanta.

"This year siya lalabas, tapos na siya halos… lahat gawa ko.

“But some are... halimbawa, parang David Foster And Friends, so meron akong kinanta ni Arnel Pineda, merong kinanta ni Sarah Geronimo.

“It’s a very special album kasi next year is my 25th anniversary, so…

“Next year pa naman pero we’ll start late this year… yung one year yun na puro celebration.”

May dalawa pang natitirang shows si Ogie sa Kapuso network: ang weekly musical-variety show na Party Pilipinas at ang weekly gag show na Bubble Gang.


GOLF TOURNEY. Ano naman ang plano niya sa birthday niya itong August 27.

“Meron akong golf tournament sa August 27 sa Capitol Hills, pero ano siya... fundraising.

“So lahat ng maglalaro, kailangang maglabas ng pera!” ang natatawang parinig ni Ogie.

Para raw ito sa Kapuso Foundation at mga nabiktima ng bagyo at baha.

At dahil 45 years old na si Ogie, ang pangalan ng golf tournament ay: "Kuwarenta’y Singko Na, Kakasa Pa!”

Marami na raw umoo na magpa-participate sa kanyang golf tournament at karamihan ay mga celebrities.

“Tapos, the night before my birthday, doon lang kami sa restaurant namin.”

May Japanese restaurant si Ogie sa Tomas Morato, ang Ryu Ramen and Curry Restaurant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN