Enrique Gil admits big crush on Solenn Heussaff; clarifies rumor linking him to Sarah Lahbati

“Ay, hindi ko naman naisip yun. Kasi, sobrang parang goddess naman siya. Two days ago, na-meet ko siya sa isang event. Nagpa-picture ako,” says Enrique Gil when asked if he has plans of courting Solenn Heussaff.


Kabubukas lang sa mga sinehan ng kinatatampukang pelikula ni Enrique Gil, ang The Reunion, pero may kasunod na siya agad na pelikulang ipalalabas.

Ito ang horror-suspense movie na Amorosa na ipapalabas na sa August 29.

Hindi naman daw nagrereklamo si Enrique dahil, aniya, “Masaya, masaya ngayon, kahit walang tulog.

"At saka, alam mong bagong role. At saka, mahilig ako sa horror movies.”

Alin sa horror films na kanyang napanood ang pinakagusto niya?

“Para sa akin, yung tumatak talaga sa lahat, yung The Grudge [2004].

“Pero yung pinaka-favorite ko of all-time na natatakot po ako, yung Exorcist [1973] po.

“Yung tipong sinasaktan ka, papasok sila sa katawan mo. Kahit magdasal ka sa Diyos, parang wala kang magagawa, mas nakakatakot yun."

Pagkatapos ng The Reunion at Amorosa ay magsisimula na rin si Enrique ng shooting ngayong linggo para sa The Strangers, isa ring horror film.

Makakasama niya sa Metro Manila Film Festival 2012 entry na ito sina Enchong Dee at Julia Montes.

Natawa naman ang young actor nang ikumpara niya ang kanyang lovelife sa horror films.

“Horror, kasi parang feeling mo dapat mero’n, pero wala. Wala pala, e,” sabi niya.


SARAH LAHBATI. Nali-link si Enrique sa GMA-7 talent na si Sarah Lahbati. Paano ba nagsimula ang pagli-link sa kanila?

“Ano po yun kasi, sa Maynila, nagka-friends kami,” banggit ni Enrique sa pagsasama nila ni Sarah sa weekly drama anthology na ipinapalabas sa GMA-7.

Patuloy niya, “Lumalabas kami kasama ng PBB [Pinoy Big Brother] guys.

“Kapag magkasama, nakikita, napag-uusapan ng mga tao.

"Pero never kaming lumabas or nag-usap. Wala po talaga.

“Wala kayong makikita na lumabas na kaming dalawa lang.”

Hindi naman kaya dahil nali-link na ngayon si Sarah kay Richard Gutierrez, na kapareha ng young actress sa primetime soap na Makapiling Kang Muli?

“A, nali-link po ba sila? Hindi ko alam, hindi ko alam,” sabi ni Enrique.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nabalita kasi noon ay si Enrique na raw ang malapit sa puso ni Sarah?

“Talaga? Ni wala man lang kaming lumabas na picture na magkasama? Wala, wala talaga,” tanggi naman ng Kapamilya actor.


SOLENN HEUSSAFF. Pero meron ba siyang nakukursunadahan sa ngayon?

“Well, ang pinaka-crush ko lang talaga, si Solenn Heusaff talaga. Sobrang ganda niya,” pagtatapat ng 20-year-old actor.

So, kung may chance, gusto niyang ligawan ang Kapuso star?

“Ay, hindi ko naman naisip yun. Kasi, sobrang parang goddess naman siya.”

Nakilala na raw niya si Solenn kailan lang.

Natatawang kuwento ni Enrique, “Two days ago, na-meet ko siya sa isang event. Nagpa-picture ako!”


NOT COURTING ANYONE. Ayon kay Enrique, wala siyang nililigawan sa kasalukuyan dahil sa sobrang hectic ng schedule niya.

“Pati nga kama ko, hindi ko nakikita! Wala, e.

“After Budoy kasi, or hindi pa tapos ang taping ng Budoy, pumunta na ako ng Bhutan, e, para mag-shoot ng Princess And I.

"Pagbalik, The Reunion naman.

“So, noong matapos ang The Reunion, doon naman pumasok ang Amorosa.

"At tamang-tama, pagkatapos ng Amarosa, The Strangers naman.”

Nami-miss din ba niya ang magkaroon ng lovelife?

“Siyempre, nalulungkot din po dahil tao lang naman tayo.

"Pero ang problema, wala rin namang signal sa mga location namin, so, ‘wag na lang. Itulog na lang.

“Well, lahat naman po may price.

"Yung pagkawala [ng lovelife], may trabaho ka naman, nakakatulong ka sa family mo. Gumaganda ang career mo.

"You lose some, you win some. Lahat naman may time.

“Alam naman ni Lord yun, so go with the flow muna tayo."

Nakakaipon naman daw siya at nakabili na nga siya ng kotse na Dodge Nitro at van.

Nag-iipon daw siya ngayon dahil gusto niyang bumili ng lupa sa Tagaytay malapit sa Tagaytay Highlands, isang exclusive at high-end residential-sports complex.

“Gusto ko kasi ng business na kahit walang trabaho, may pumapasok na pera," sabi ni Enrique.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN