Barbie Forteza laughs off rumored romance with Derrick Monasterio and issues pitting her against Sarah Lahbati and Bea Binene

Pinagtatawanan na lamang ni Barbie Forteza ang mga lumalabas na isyu tungkol sa kanya. Kabilang na rito ang pambabakod daw sa kanya ni Derrick Monasterio para hindi na siya maligawan ng iba; ang rivalry raw nila nina Sarah Lahbati at Bea Binene; ang depression diumano ng dating ka-loveteam niyang si Joshua Binene; at ang pagtatampo niya raw sa GMA-7.


Dahil sila ang magkatambal sa ikalawang yugto ng GMA-7 primetime series na Luna Blanca, hindi maiwasang i-link sa isa’t isa sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

Heto nga’t may balitang in love na in love na raw si Derrick sa tinaguriang "tween queen" ng Kapuso network.

Binabakuran na nga raw ng young actor si Barbie para huwag malapitan o mapormahan ng ibang lalaki.

Pero pinagtatawanan lamang ng 14-year-old actress ang mga lumalabas na balita tungkol sa kanila ni Derrick.

“In love na in love talaga?” natatawang sabi ni Barbie.

Hirit pa niya, “Sabi ko naman po sa inyo, PR [press release] lang yun.

“Parang kapatid ko na po ‘yang si Derrick, e!”


JEALOUS? Ayaw na ring patulan ni Barbie ang balitang may gap daw sila ngayon ni Sarah Lahbati.

Ayon kasi sa report na lumabas, pinagseselosan daw ni Sarah si Barbie dahil kay Derrick, na very open noon sa kanyang nararamdaman para kay Sarah.

“Ganun? Ang ganda ko naman kung pagseselosan ako ni Sarah,” at muling tumawa si Barbie sa balita.

“Wala po yun, okay naman po kaming tatlo nila Derrick at Sarah—wala pong selosan na kung ano."

Isa pa, si Sarah ay nauugnay ngayon sa kanyang leading man sa Makapiling Kang Muli na si Richard Gutierrez.


RIVALRY. Mas lalo naman daw tumitindi ang rivalry nina Barbie at Bea Binene, habang tumitindi rin ang takbo ng kuwento ng Luna Blanca.

Nababalita rin na kapag sila-sila lang ang magkakasama ay hindi sila nagpapansinan. Nagpaplastikan lamang daw sila kapag kaharap ang mga fans.

Pero kinontra rin ito ni Barbie.

Aniya, “Mas tumitindi? E, ngayon nga pong magkasama na kami ng location sa Luna Blanca e mas madalas na po kaming magkakuwentuhan, e.

“Kasi doon po sa mansion, mahina yung signal kaya talagang kuwentuhan kaming lahat.

“Pati po sila Direk Dominic [Zapata], sila Ms. Gina [Alajar], nakikigulo po sa amin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin pa ni Barbie, “Noon po, medyo hindi pa kami ganoong kakumportable. Pero ngayon po, very close kami ni Bea.

“Pinagtutulungan nga po namin palagi na asarin sina Derrick at Kristoffer [Martin] sa taping.”


EX-LOVETEAM. Tinanong din ng PEP si Barbie sa balitang grabe raw ang depresyon ngayon ng dati niyang ka-loveteam na si Joshua Dionisio.

Ito ay dahil daw sa pagkawala ng tambalan nila at ang tila pagkawala ng career ng binata.

Pero muli itong pinabulaanan ni Barbie.

“Depressed? Si Joshua? Mukhang masaya nga po si Joshua ngayon, e!" sabi niya.

Kailan huling nakausap at nakita ni Barbie si Joshua? Ano ang napag-usapan nila?

“Huli po kaming nagkita nung shoot ng GMA Station ID.

“Okay naman po kami. Hindi ko naman po na-feel na malungkot siya," sabi ng teen star.


SOLO MOVIE. Nilinaw naman ni Barbie ang isyung may tampo siya sa GMA-7 dahil binigyan na ng solo movie sina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona, ang Just One Summer, samantalang mas nauna siyang mailunsad sa TV.

“Ay ganun?! Wala po akong kahit konting tampo sa GMA.

"Kay Julie Anne po ako nagtatampo. Kasi sa dami ng projects niya ngayon, hindi man lang niya ako pasalamatan bilang voice coach niya!” tawa nang tawang biro ni Barbie.

Balita ring dahil sa tampo ni Barbie sa GMA-7 ay gusto na raw niyang lumipat sa TV5, na balitang may malaking alok sa kanya.

“E, hindi nga po ako nagtatampo, e," giit niya.

“Malaki po ang utang na loob ko sa GMA dahil sila po ang unang-unang nagtiwala sa akin.

“Kaya hinding-hindi ko po magagawang lumipat sa ibang station."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN