Angel Aquino on choosing next boyfriend: "Ayoko na rin siguro sa bata. Tama na ‘to!”

Balik-bida ang award-winning actress na si Angel Aquino sa horror film na Amarosa. Hindi raw akalain ni Angel na gaganap pa siyang muli ng isang lead role. Aniya, "Hindi na ako umaasa na magiging bida pa ako. Para sa akin, I’m very comfortable supporting the bigger actors and I don’t mind doing that. Kasi para sa akin, it’s less pressure on me at, yun na, I’m comfortable doing that. Pero ngayong nabigay sa akin itong tas


Balik sa pagiging bida ang award-winning actress na si Angel Aquino sa “maindie” horror film na Amarosa.

“First time na gumawa ako ng horror na ako talaga ang parang main character.

“Kasi dati, kasama na ako sa Siquijor, it was a horror movie, pero most of the scenes, kumbaga, may isa lang yata akong nakakatakot na scene do’n. But all the others, hindi ’ko na halos naramdaman.

“Pero ito, naramdaman ko lahat ng panakot,” sabi ni Angel sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikula.

Kasama ni Angel sa Amarosa ang Kapamilya young actors na sina Enrique Gil at Martin del Rosario, na gumaganap bilang mga anak niya.

BACK TO LEAD ROLE. Noong nagsimula si Angel sa showbiz, sa karamihan ng mga ginawa niyang pelikula, siya ang bida.

Ilan sa mga ito ay Mumbaki (1996), Goodbye America (1997), Ang Kriminal Ng Bo. Concepcion (1998), at Sana Pag-ibig Na (1998).

Nanalo siyang Best Actress sa Cinemalaya 2006 para sa Donsol.

Tinanong ng PEP si Angel kung ang pagiging bida niya sa Amarosa ay simula na ng pagganap niyang muli ng mga pangunahing papel.

Sagot niya, “Tingnan natin, isa pa lang ‘to, ewan natin kung madagdagan.

“Siguro kung if it works din, madadagdagan.

“Pero ako, mas hindi yun ang iniisip ko bilang I’ve been here in this industry for so long.

“At hindi na ako umaasa na magiging bida pa ako.

“Para sa akin, I’m very comfortable supporting the bigger actors and I don’t mind doing that.

“Kasi para sa akin, it’s less pressure on me at, yun na, I’m comfortable doing that.

“Pero ngayong nabigay sa akin itong task na ‘to, sana naman, nagampanan ko rin nang maayos.”

Pero siya nga ang klase ng artista na pumapayag kahit suporta o minsan ay guest role lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Angel dito, “Well, sa akin kasi, mas yung satisfaction ng gagawin ko. At saka, para sa akin, every role is important.

“Hindi ako namimili na, ‘Ay, masyadong maliit.’ Mas gusto ko lang na mas challenging na role.”

ANGEL’S LOVELIFE. Pabirong napahawak sa sandalan ng sofa si Angel nang kamustahin ng PEP ang kanyang lovelife.

“Wala na ulit,” nakangiti niyang sabi sa bandang huli.

Pagkatapos daw ng relasyon nila ng TV host-actor na si Lui Villaruz, nasundan ito ng isa pa “pero hindi siya masyadong nagtagal.”

Kung ang relasyon nila ni Lui ay nagtagal ng apat na taon, ang sumunod niyang relasyon sa isang non-showbiz guy ay nagtagal lamang daw ng apat na buwan.

Sabi ni Angel, “Medyo matagal lang ang ligawan. Nag-start siya ng January, nag-end siya ng April.

“E, kasi, siguro hindi nagkatugma ang ugali, mga gusto namin sa buhay.

“At saka, inisip ko rin, ayoko na rin siguro sa bata. Tama na ‘to!” natatawang sabi ng magandang 39-year-old actress.

Pero hindi ba’t flattering sa parte niya na mga mas bata ang nagkakagusto sa kanya?

“Hindi ko naman naisip yun. Naisip ko lang, wala, siguro… pero yun, wag na!” natatawa niyang sabi.

“Huwag na muna ang mga bata. Actually, wag na muna. Period.

“Wag na muna ulit.

“After especially na may ganito, meron pang Apoy Sa Dagat, mas okay na muna na ganito.”

BITCHY ANGEL. Ang Apoy Sa Dagat ang upcoming primetime series ng ABS-CBN na kabibilangan ni Angel. Kasama niya rito sina Piolo Pascual at Angelica Panganiban.

Kontrabida raw ang role niya rito.

“Actually, I’m so excited,” sambit ni Angel.

“Dito kasi, I’m looking forward on having those confrontation with Angelica kasi I know she can be a very good bitch.

“So, gusto kong makita kung puwede akong mas bitchy sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May moment kasi na may pagka-bitch siya.

“Kasi, may kambal siya—may mabait at salbahe. So, kaaway ko yung salbahe rito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN