Myrtle Sarrosa on status of relationship with fellow PPB housemate Yves Flores: "Hindi pa ako ready for a relationship, and we’ll see... we don’t know.”

Sabay na nag-guest sa ABS-CBN sitcom na Toda Max ang PBB Teen Edition 4 grand winner na si Myrtle Sarrosa at ang crush nitong si Paul Salas. Sabi ni Myrtle tungkol sa pakikipagtrabaho niya kay Paul: “Na-starstruck ako, pero he made me feel comfortable. He’s very kind, very friendly siya sa akin. Ngayon ko naiisip minsan, ‘Oh, my gosh! Ka-text ko yung celebrity na ina-idolize ko!’ Now I’ve realized na he’s d


Very open si Pinoy Big Brother Teen Edition 4 grand winner Myrtle Sarrosa na ang showbiz crush niya ay ang teen star na si Paul Salas.

Tiyempong nagkasama naman ang dalawa sa ABS-CBN sitcom na Toda Max kamakailan nang mag-guest sila dito.

Dito nga niyaya ni Paul si Myrtle mag-date, pero nabalitang hindi ito natuloy sa hindi malinaw na dahilan.

Kinumpirma ito ni Myrtle nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng guest appearance niya sa The Buzz noong August 12.

Sabi ng reality-show winner, “Hindi siya natuloy dahil nagka-clash yung sked namin, pero friends naman kami.

“Palagi naman kaming mag-uusap pag may free time.”

Papayag ba si Myrtle kung yayain siyang lumabas uli ng teen actor?

“It depends,” sagot niya. “Sa ngayon napaka-busy ko kasi, na kahit tulog, wala.

“Sobrang busy pero nakaka-fulfill, nakaka-enjoy yung ganitong klaseng job."

Nagpapasalamat at natutuwa si Myrtle sa first guest appearance niya sa Toda Max.

Bukod sa ito ang first acting stint niya, personal niyang nakilala si Paul at naging magkaibigan pa sila.

Saad ni Myrtle, “And I’m happy that, so far, na good comments ang naririnig ko, so I’m very thankful.

“Na-starstruck ako pero he [Paul] made me feel comfortable. He’s very kind, very friendly siya sa akin.

“Ngayon ko naiisip minsan, ‘Oh, my gosh! Ka-text ko yung celebrity na ina-idolize ko!’

“Now I’ve realized na he’s down to earth, very humble. Parang nagka-friendship kami, instant friendship.

“May admiration, pero lumalim yung friendship.”


PBB HOUSEMATE. Isa sa mga usap-usapan ay ang pagkakaroon ng mutual understanding ni Myrtle at ni Yves Flores sa loob ng PBB house.

Kalauna’y nabuko si Yves na may girlfriend pala sa labas ng Bahay ni Kuya.

Dito ay nasaktan talaga si Myrtle, pero sa huli ay siya ang pinili ni Yves over his girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta na sila ni Yves ngayon?

“Until now, close pa rin kami.

"In-explain ko naman sa kanya na hindi pa ako ready for a relationship, and we’ll see... we don’t know.

“I don’t want to rush things. Gustung-gusto ko ang craft na ito.

“I really like what I’m doing and gusto kong mag-focus dito ngayon," sagot niya.


NOT YET READY. Hindi pa raw siya handa talaga para sa isang commitment dahil mas prayoridad niya ang kanyang career.

“No, hindi pa ako handa.

"Like I’ve said, never pa akong nagkaka-boyfriend…

“And until now, no plans pa rin, pero open ako to friendship.

“Ang priority ko talaga ay yung job ko dito, gusto ko talaga maging actress.

“So nung bigyan ako ng opportunities, I want to give my best talaga.

“Give my all and treat it as my last, kasi minsan lang tayo binibigyan ng ganitong opportunity.

“I should really give my best since it’s my first teleserye [Kahit Puso’y Masugatan], gusto kong ipakita na kaya ko ito, and show my best.”

ENJOYING SHOWBIZ. Sa ngayon ay nakapag-adjust na raw si Mrytle sa buhay-showbiz.

Ine-enjoy ni Myrtle ang mga oportunidad na tinatanggap niya mula nang maging PBB grand winner siya.

“Sobrang saya ng life ko after PBB, sobrang dami ng blessings.

“Naninibago pero I’m adjusting and I’m really having fun.

“Very new na may nagpapa-picture sa akin, pero of course we always have to be humble.

“Kung hindi ka naman nagmamdali, magpa-picture ka as the way to say thank you na rin.”

Nag-aaral pa rin si Myrtle at may posisyon din siya sa Sangguniang Kabataan (SK) sa kanilang lugar sa Iloilo.

Ayon sa kanya, “Sa school, I’m planning to transfer here in Manila either next semester next year.

“When it comes to SK, coming back naman ako palagi sa probinsya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, it’s my duty and paninindigan ko yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN