Pokwang on adult-toy gift from K Brosas: "Baka manganak ako ng baterya!”

Makakatambal ng Kapamilya comedienne na si Pokwang ang Kapuso noontimehost na si Wally Bayola. May ove scene ba sila sa pelikula? Sagot ni Pokwang na hatak ang suot na damit: “Mero’n kami. ‘Eto kukunan mamaya. Abangan ninyo. Huhubarin ko ’to, abangan mo kung ano’ng nasa loob nito.”


“Actually, no’ng sinabi nilang magka-cameo nga si Inay… tulaley!” bungad na pahayag ni Pokwang tungkol sa Diamond Star na si Maricel Soriano.

May guest role kasi si Maricel sa pelikulang Ikaw Na, Da Best Ka, na pinagbibidahan nina Jose Manalo at Wally Bayola.

Kasama rin sa cast si Pokwang at si Solenn Heussaff bilang leading ladies.

Patuloy ng komedyana, “Bilang, uhm, hello! Katatapos ko lang kay Governor Vi, di ba?”

Pagbanggit naman ni Pokwang sa pinagsamahan nilang pelikula ni Vilma Santos, ang The Healing.

“Ang sinasabi ko talaga, isa ako sa pinaka-blessed na artista. Nakakatrabaho ko sila, di ba?”

Si Nora Aunor din ba ay pangarap niyang makatrabaho?

“Kahit sino nga. Basta makatrabaho mo lahat ang mga haligi ng industriya,” sagot ng hinahangaang komedyante at host.

Nakausap ng PEP at iba pang media si Pokwang sa set ng Ikaw Na, Da Best Ka kagabi, August 15, sa Oasis Events Place, sa Aurora, Quezon City.


JOSE MANALO AND WALLY BAYOLA. Napag-usapan ang isa sa co-stars ni Pokwang sa pelikula na si Jose Manalo, na "single" ngayon dahil hiwalay sa asawa.

Single din si Pokwang, puwede kaya?

“O, e, bakit hindi? Wag na siyang umarte, ‘no. May chance!” sabay tawa niya.

Sino ba ang katambal niya kina Wally at Jose sa pelikula nila?

“Si Wally, pero siya yung tulay naming dalawa ni Jose. Ang nangyari, kaming dalawa yung nagkatuluyan.”

May love scenes ba sila ni Wally?

“Mero’n kami. ‘Eto kukunan mamaya. Abangan ninyo.

“Huhubarin ko ’to, abangan mo kung ano’ng nasa loob nito,” muwestra niya sa kanyang suot.

Kissing scene lang? Love scene?

“Talagang gulungan. Babuyan!

“Actually, hinihintay lang matapos ang interbyu na ito, paghuhubarin na ako agad-agad!” sabay tawa uli ni Pokwang.

Pangarap ba niyang maghubad sa pelikula?

“Pangarap ko, pero ayaw nilang matupad. Makakita ka ng stretchmark, matutuwa ka?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meron ba siyang stretchmarks?

“Marami. Siguro mga disiotso,” akala mo seryoso niyang sagot, na ikinatawa ulit ng mga nag-iinterbyu.

Ang Ikaw Na, Da Best Ka ay produced ng APT Films, na identified sa GMA-7, at si Pokwang naman ay kilala bilang contract star ng ABS-CBN.

Paano siya napasama sa cast, pinili ba talaga siya ng produksiyon?

“Yes. Hindi ko alam kung baka ni-raffle, ako nabunot!" biro na naman niya.

Ipinaliwanag ni Pokwang na ang Star Cinema ang magdi-distribute ng kanilang pelikula kaya walang naging problema sa pagitan ng dalawang produksiyon.

Hindi ba naapektuhan ang schedule ng taping niya sa Aryana ng paggawa ng pelikula?

“Na-adjust naman. Ginawa kaming Tuesday, Thursday, Sunday.

"Wala palang Tuesday kasi may Toda-Max ako pag Tuesday. Yun.”

HER "PRIVATE" LIFE? Kumusta ang lovelife niya? Sa Twitter kasi ay ipinu-post ng komedyana ang mga niluluto niya, gaya ng sopas.

Luto na lang ba siya nang luto ng sopas?

“Oo, dahil sa tag-ulan, masarap mag-sopas, ’no.

"’Tsaka yung mga friendship natin, pagka nalaman nilang nagluluto ako ng sopas…

“Hindi, sa shooting namin na ‘to.

"Minsan nagrereklamo na sa ‘kin si Jose. E, nagtatabaan sila bilang paborito nila yung laing ko.”

Masarap ba siyang magluto?

“Plangganang may tattoo! Kakaiba ang sopas ko. With love,” pakengkoy niyang sagot.

Bakit masarap ang kanyang sopas?

“Maabala kasi. Masyadong maabala. Masyadong marekado kaya gano’n.”

May secret ingredient ba siya?

“Vetsin. Maraming vetsin. Kaya pag nakakain na sila, inaantok na silang lahat,” sabay tawanan ulit ng lahat.

“Hindi, siyempre may pagmamahal ‘yan pag nagluluto ’ko,” seryoso na niyang sagot.

“Oo, kapag wala akong ginagawa sa bahay, pampatanggal ng stress ko yung pagluluto."

ADULT TOY? Pero puro luto na lang siya, wala namang ipinaglulutong lalaki?

“E, walang magluluto sa akin, paano?”

“Luto ng Diyos?” birong tanong ng isang writer.

“Wala nga!” mariing sagot ni Pokwang na natatawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Jingger na lang?” birong tanong ulit ng kasamang writer patungkol sa binaklang term ng pagpapaligaya sa sarili.

“Wala nga, di ko pa nakukuha, e. Na kay K Brosas pa,” walang gatol na sagot ni Pokwang patungkol sa adult toy na ibibigay raw sa kanya ng kaibigang singer-comedienne.

“Totoo, di ko pa nakukuha,” pag-ulit niya nang mapansing hindi makapaniwala ang kanyang mga kaharap.

Hiniram ni K Brosas sa kanya?

“Hindi, binili niya ‘ko ng pasalubong. Piniktyuran niya. ‘Mare, ito’ng gift ko sa ’yo.’

"Hindi ko pa nakukuha. Natatakot ako baka ginamit ng PA niyang bading!” dito na sumabog ng tawanan ang lahat.

Bakit siya ibinili ni K Brosas ng ganun?

“Nag-Japan. Yun nga ang regalo niya sa akin kasi awang-awa na siya sa akin!” at nagtawanan ulit ang lahat.

“Tama na nga. Sabi ko, ’Baka manganak ako ng baterya!” sabay alis ni Pokwang dahil kailangan na siya sa eksena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN