Karylle willing to join movement to promote Filipino musicians; now open to working with ex-boyfriend Dingdong Dantes

Maraming proposal si Karylle para masuportahan ang Pinoy talents. Isa na rito ay ang pag-organisa ng isang movement for a cause. Sabi niya, “Dapat ano, e, rebolusyon ito, di ba? Pero kung kailangan nating maging aktibista for this, why not? I mean, ako, game na game ako for that para itaguyod ang Filipino talents.”


Usap-usapan na naman ang sunud-sunod na pagdagsa ng foreign artists sa bansa upang mag-concert.

Kailan lang ay nag-concert sa Pilipinas sina Lady Gaga, Nicki Minaj, at ang ’80 new-wave band na Tears For Fears.

Nagkomento tuloy ang ilang Pinoy singers na dapat ay suportahan naman muna ang mga kababayang artists bago ang mga banyaga.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa singer-actress na si Karylle noong Miyerkules, August 15, sa Music Museum, ay kinuha namin ang reaksiyon niya rito.

Sabi niya, “I’m trying in my own little way, kasi mahirap din kung sasabihin natin na iba-ban iyong foreign act.

“But for me, it would be nice, like, to support Filipino concerts.

“So ’eto, I can speak for myself. So, what I do is, this year, I wanted sana, hindi ako manonood ng foreign act.

“Kaya lang, may dumating na gustong panoorin ng mga kabigan ko.

“Ayaw ko rin namang ma-miss out yung bonding experience na iyon."


BALANCING ACT. Ano ang maaari niyang gawin para makatulong sa pag-unlad ng mga Pinoy artists?

"Maybe for every foreign act, I’ll watch a Filipino concert—one is to one—so para balanse.

“I even wrote an article about it.

"So, sabi ko, pati kay Juris [Fernandez], or kung sino man yung nagko-concert na kaibigan ko, kahit papaano, bina-blog ko sila.

“I try to write about it, so other people are informed.

"I try to repost yung mga concert ng ibang OPM artist.

“So, in my own little way, that’s what I try to do.

"But siyempre ako, hoping ako, na yung mga producer, concert producers, who earn a lot from bringing in foreign acts, sana kahit papaano—iyon din, one is to one para maibalanse na lang.

“Sana for every foreign act they produce, mag-produce din sila kahit mini-concert lang, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Not for anything, ha? But just so that we can keep the music scene alive.

“Because, alam mo sometimes, we do a lot of mall shows, pero hanggang doon na lang ba, di ba?

“Siyempre, we wanna share our story, share our music also.

“So, I don’t know what the best solution would be, but ‘eto yung mga naiisip ko.

“I mean, I’m not saying it’s correct, but ‘eto lang yung naisip ko.”


LIMITS AND CONTROL. Pero kung lilimitahan ang bilang ng foreign singers/bands na magpe-perform sa bansa, okay ba sa kanya iyon?

Sagot ni Karylle, “I don’t know if that would work, but for me, the world is about balance.

"So ako, one is to one, okay sa akin ‘yan. Pero huwag naman iyong maa-out number.

"Kasi, this is after all, the Philippines and we are Filipino musicians.

“So, why do we not allow the Filipino musicians to grow?

“Siyempre, kahit papaano, I mean, looking at it from a financial perspective, ang budget mo for a month, you have a budget for necessities, groceries, entertainment…

“Siyempre, nagtitira ka rin naman for ano, to enjoy and stuff.

“And kung ang ten thousand pesos mo ay napunta sa isang foreign act, anong natira dun sa local? Wala na.

"Pero kapag local yung kumakanta, parang minsan, ‘Ay, ang mahal!’

“Pero one thousand [pesos] na nga or one-five, mahal na sa iba.

“Pero pag ten thousand or twenty thousand pesos, kapag foreigner, you will pay."

Dagdag niya, “Well, some people don’t siguro realize that when Filipinos perform, malaki din ang overhead natin because we don’t tour.

“Iyong foreigners, they’re able to create big stages and I’ve watched concerts… that’s why ako, I’m not for limiting…

“Ano din, e. Kasi maganda din yung ma-expose ka sa concerts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve watched Britney Spears abroad, I’ve watched Justin Timberlake.

“Luckily, kasi nga ang probinsiya namin... I like to call it probinsiya, kasi tagaroon iyong lola ko—Las Vegas.

“Si Paul McCartney, napanood ko rin. So, alam mo yun? They have a budget because they tour the world.

“Pero ang Filipino kasi, dahil ito lang ang market natin—very limited… limited din yung budget.

“So, siyempre, nakaka-hurt sometimes when people comment about Filipino artists.

“But siguro for me, I just like to think of it, maybe, they are not as informed.

“Hindi nila alam iyong nitty-gritty of that.

"Siyempre, who wants to know that? It’s boring.”


START A MOVEMENT. Ayon pa kay Karylle, napag-uusapan nilang mga artists kung ano ang dapat gawin para sa ikagaganda ng music industry sa bansa.

At handa raw siyang makiisa.

“I guess it’s our job to make noise, however we can, and to be together.

“For me, if we work together as a group, I don’t think anyone can defeat us.

“But medyo hindi pa kasi ganoon ka-bonded. Dapat ano, e, rebolusyon ito, di ba?

“Pero kung kailangan nating maging aktibista for this, why not?

“I mean, ako, game na game ako for that para itaguyod ang Filipino talents.”

Ang Organisayon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) ba ang mag-i-spearhead nito?

“Hindi ko alam, basta gagawa kami ng ingay, however way we can. Kung sino ang mahila namin... whatever.

“Basta gagawa kami ng ingay, baka it’s time for us also to make a stand.

"All I know is, we have to do something.”


NEW MUSICAL. Naikuwento rin ni Karylle na gagawin nila ang musical play na Rama Hari sa Meralco Theater.

“Actually, we’re gonna do Rama Hari. So, ano ito… ang ganda ng musika.

“In my vision board, kasi mayroon akong vision board kung ano yung gusto kong ma-achieve, so…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“One of the things I really wanna do is to perform with an orchestra.

“Luckily, I’ll be performing with Gerald Salonga and ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

“So, it’s with Tito Joe Mari Chan, may concert kami on September 2 sa Meralco Theater.

“Ano ito, e, John Williams concert, with ABS-CBN Philharmonic Orchestra.”

TV PROJECTS. Inusisa rin ng PEP si Karylle kung bakit tila madalang siyang sumabak sa teleserye at pelikula.

“Hopefully ano… hindi ko kasi ma-imagine iyong ginagawa ni Anne [Curtis], na nagso-soap opera habang nagso-Showtime.

“Kasi puyat, tapos magla-live.

“So, hopefully, kahit pelikula.

"May parating na project—so sana ay matuloy," sabi niya.


EX-BOYFRIEND. Ang ex-boyfriend ni Karylle na si Dingdong Dantes ay gumagawa ng pelikula kasama ang Kapamilya stars na sina Angel Locsin at Angelica Panganiban, ang One More Try.

Kung sa next project ni Dingdong ay siya naman ang maging isa sa leading ladies ng ex-boyfriend, papayag ba siya?

“Oo naman, any project na ganyan, okay naman. Katulad nga ng music, sa movies din…

“Huwag na tayong masyadong maglagay ng mga bawal, kasi para lang dumami, hindi ba?

“Para mag-grow ang industry,” nakangiting pahayag niya.

So, okay lang sa kanya na makatrabaho na si Dingdong?

“Actually, I was telling people, sa movies naman, wala ako talagang restrictions, e.

"Kasi, wala pa akong nahihindian na, ‘Ay, ayaw kong gawin ‘yan dahil ganun.’ Wala pa naman.”

Pero hindi ba noong medyo bago pa lang ang breakup nila ay parang ayaw ni Karylle makatrabaho si Dingdong?

“Hindi naman, siguro ay hindi rin lang nagtagpo...

"Ay hindi, si Mother pala was suggesting, si Mother Lily [Monteverde ng Regal Films].

“Oo, hindi pa, kasi siguro ay hindi pa time. It would have been awkward siguro,” pagbabalik-tanaw ng dalaga.


WITH DINGDONG AND MARIAN. Kung sina Dingdong at Marian Rivera ang makakasama niya sa movie, okay lang ba kay Karylle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumawa muna nang malakas si Karylle bago sumagot.

"Ayaw ko nang mag-comment, kasi baka ma-misinterpret.

“Iyon na lang. Basta for me, wala akong restriction. So, ayaw ko na lang mag-comment.

“Siyempre, lahat naman ng bagay ay nami-misinterpret nowadays.”

Pero si Dingdong ba mula noon, nagkrus na ang landas nila?

“Oo, madalas, pero recently hindi.”

Kumusta naman, nagbabatian ba sila?

“Okay naman, oo. Weird lang, kasi palagi kaming nagkikita noon.”

So, kung magkatrabaho sila sa pelikula ni Dingdong, hindi kaya magkaroon ng ilangan?

“Hindi ko alam… mahirap ang ‘what if.’

“Tingnan na lang natin kung mangyari man,” nakangiting sabi ni Karylle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN