Shaina Magdayao: "Kahit na ano pa ang nangyari before, I’m never bitter about life."

Sa kabila ng malakas na usap-usapan tungkol sa diumano’y pagkakamabutihan nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, nananatiling tikom ang bibig ng ex-girlfriend ng aktor na si Shaina Magdayao. Sabi lang niya, “I always think things happen for a reason and it must be His perfect plan.”


Hindi diretsahang sinagot ni Shaina Magdayao ang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang reaksiyon niya sa nababalitang pagkakamabutihan ng ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz at ni Angelica Panganiban.

Nitong mga nakalipas kasing mga araw ay madalas na namamataan sina John Lloyd at Angelica na magkasama.

Lalo pang umigting ang usap-usapan na may relasyon ang dalawang Star Magic talents nang mag-post si Angelica ng larawan nilang magkasama ni John Lloyd sa photo sharing site na Instagram.

(CLICK HERE to read related story.)

Nang tanungin si Shaina tungkol dito, sabi niya, “I’m always grateful dahil lahat naman ito nangyayari for a reason. I am blessed by God.

“Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, hindi ako nawalan ng faith sa Panginoon.

“At kahit na ano pa ang nangyari before, I’m never bitter about life.

“I always think things happen for a reason and it must be His perfect plan.”

Ayon pa kay Shaina, kung may mga tao man siyang pinasasalamatan, ito ay ang pamilya, mga kaibigan, at mga tagahanga na hindi bumibitiw sa kanya.

“I’m glad that I have good friends around me. I have my family around me.

“And nandiyan yung mga fans ko na talaga namang sumusuporta at nagmamahal kay Sarah at Shaina.”

Sarah ang pangalan ng karakter na ginagampanan niya sa ABS-CBN afternoon soap na Kung Ako’y Iiwan Mo.

Bukas na ba siya sa bagong pakikipagrelasyon?

“Ayoko muna, I’m very much enjoying my life. Ganun muna tayo,” sagot ng young actress.

KUNG AKO’Y IIWAN MO. Isa raw sa nakatulong kay Shaina ay ang magandang feedback at mataas na rating ng Kung Ako’y Iiwan Mo.

“Sa lahat ng bagay na ginagawa ng artista, siguro mas nakakagana kapag naa-appreciate ng mga tao.

"And, definitely, yung response na natatanggap namin, yung lahat ng appreciation nila e definitely naa-appreciate din namin, so the more na ginaganahan kaming magtrabaho as well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m very thankful that we have a good director, good writers...

"Ang aking leading man na si Jake Cuenca—kawawa naman na ilang beses kong sinasampal at si Bangs [Garcia] na ganun din... kawawa silang dalawa.

"They’re also very passionate sa trabaho kaya masarap umarte kasama nila."

Sabi pa ni Shaina, “Dapat matagal na kaming tapos. The time na umuwi si Sarah sa Doha, tapos na sana.

“And then na-bless yung show namin, na-extend, and ngayon na-extend ulit.

“Sobrang nagpapasalamat kami dahil, at least, may happy Christmas ang crew, ang aming staff.

“Lahat kami may trabaho kaya grabe, lubos-lubos at galing sa aming mga puso ang aming pasasalamat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN