Karylle happy that It’s Showtime beat Eat Bulaga! in the ratings even for a day

Karylle on penetrating the international market: “Palagi kong sinasabi na gusto kong ipagmalaki na Filipino ako, tapos parang naisip ko, ‘Oo nga naman, bakit hindi? Bakit sila oo, ako hindi? Dapat ako rin, sali ako riyan.’ Hindi ba?"


Malaking karangalan ang hatid ng noontime show na Eat Bulaga! nang magkaroon ito ng franchise sa Indonesia, hindi lamang sa mga Dabarkads o mga Kapuso, kundi maging sa lahat ng Pinoy.

Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Philippine television na nagkaroon ng franchise ang isang local show sa ibang bansa.

Maging si Karylle na isa sa mga co-host ng It’s Showtime—ang katapat na programa ng Eat Bulaga! sa ABS-CBN—ay natutuwa sa pangyayaring ito.

“Siyempre, nakaka-proud. I mean, I think one thing naman for all Filipinos is that wala ng barriers pagdating sa Filipino pride, e.

“That’s what I always believe talaga, e,” nakangiting sabi ng singer-actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Gusto ba niyang umabot din ang It’s Showtime nang kasing tagal ng Eat Bulaga!, na ngayon ay nasa ika-33 na taon?

“Yun yung palagi naming iniisip. Siyempre, that’s one of the goals na to be together until we’re Kuya Kim’s age,” pabirong tugon ni Karylle tungkol sa kanyang co-host na si Kim Atienza.

“Hindi, iyong hanggang may pamilya na kami, magkakasama pa rin kami. Kumbaga, may extended family na.”

Kumusta na sila sa It’s Showtime?

“Happy naman, okay… During the habagat, we had our highest rating episode. So, alam mo ‘yon?

“Parang sinasabi nila, history. Kasi first nangyari iyon, first time.”

Ang tinutukoy ni Karylle ay ang pag-ungos ng It’s Showtime sa Eat Bulaga! sa ratings, sa kauna-unahang pagkakataon, noong August 8, base sa Kantar Media-TNS.

Ang Kantar ang service provider ng ABS-CBN.

Noong August 8 ay nakakuha ang It’s Showtime ng 13.3 percent kumpara sa 12.3 percent ng Eat Bulaga!


Kung live noong araw na iyon ang It’s Showtime, nagdesisyon naman ang Eat Bulaga! na maglabas ng dati nilang episode, o replay, dahil baha ang maraming lugar sa Metro Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Karylle, “But ang feedback din kasi namin, madami talagang batang nanonood. So wala silang pasok, madaming nakapanood."

JOKE TIME. Iyong mga biruan nila sa It’s Showtime, hindi ba nauuwi sa pikunan kung minsan, like nung "kulot ang buhok" ni Karylle?

“Iyon na nga, sabi ko, ‘Vice [Ganda], tingnan mo naman yung hair ko, highest rating episode of all time, suwerte ha.’

“Sabi niya, ‘Sabi ko sa ‘yo, masuwerte ‘yan, maganda ‘yan.’

“So ngayon, pag nagdidiretso ako [ng buhok], sasabihin niya, ‘Ay, bakit mo diniretso?’

“Sabi ko, ‘Nagalit din nga ako sa nagkulot sa akin.’

“So, it’s ano… It’s all in good fun because we’ve gotten that close talaga.

“So minsan din, pag ako, humihirit ako sa kanya, natatakot din ako, baka ma-hurt siya.

“But the thing is, we’ve gotten that close. Para kaming nasa school, minsan may days na bully kami.

“Like today, pinagkaisahan namin siya [Vice], kaming apat na host.

“Tapos si Vice, natahimik siya, natatakot ako.

“Sabi ko, ‘Ay, napikon ba?’

“But no, e, hindi, e, kasi lahat kami ganoon sa isa’t isa because we’ve gotten that close,” nakangiting saad ni Karylle.

Si Kuya Kim, hindi ba siya napipikon kapag sinasabihan sa It’s Showtime na “matanda”?

Saad ni Karylle, “Palagi kong sinasabi kay Kuya Kim, ‘Alam mo dyino-joke ka nila palagi, pero ikaw ang pinaka-fit dito sa aming lahat. I don’t think anyone else can do a triathlon.’”

Ipinaalala ni Karylle na nagagawa ni Kuya Kim na makapag-triathlon kahit na-stroke siya noon.

Patuloy ni Karylle, “Ako nga, palagi ko sa kanyang sinasabi, ‘Alam mo, ikaw pa rin ang pinakamalakas dito. No one can outrun you, outswim, outbike you here. We will all be in second. Nasa finish line ka na, tumatawa, nandoon pa kami sa likod.’

“But it’s true that he really is younger now. He looks younger, he feels younger, and he really attributes that to Showtime and even those crazy little jokes.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Karylle na noong una, kina Kuya Kim at Ryan Bang siya talaga pinaka-close sa Showtime.

“Kay Kuya Kim, but ngayon naging pantay pantay na din, e.

“Pero yung una ko talagang naging ka-close was Ryan Bang, kasi pareho kaming hurado.

“Unknown to many, Ryan is actually a smart guy, siya nagturo sa akin maghurado.

“Kasi botohan pa noon, e.”

Ang sinasabi ni Karylle ay ang pagtatanggal ng mga hurado sa pamamagitan ng audience text votes.

“I didn’t know what to do, I had no idea what to do. So, ginayd [guide] niya ako sa everything, scoring…

“’Pag nagbigay ako ng negative comments, magbigay din daw ako ng positive. Little things like that.

“’Pag may nagagawa akong feeling niya, hindi magugustuhan ng madlang pipol, ginayd niya ako.

“And hindi kami magkakilala ha, pero magkatabi kami.

“I would help him with his Tagalog and proud naman ako na magaling na magaling na siyang mag-Tagalog, so yun, nakakatuwa,” masayang wika ni Karylle.

THE KITCHEN MUSICAL. Inusisa rin ng PEP kay Karylle kung ano na ang plano sa Season 2 ng The Kitchen Musical, ang Pan-Asian series na tinampukan nila ni Christian Bautista.

Sabi ni Karylle, “Hopefully, God-willing, magtutuloy siya. Next year pa, e.

"Right now, the soundtrack is out, and it’s showing now also in Lifestyle Network, nagma-marathon sila every night.

“The DVD should be out, kasi kumbaga, iba rin ang strategy nila, e.

“Of course, they are happy naman because we were able to go to Monaco together. Iyong mga producer, director namin, magkakasama kami doon.”

Nagpunta ng Monaco si Karylle at iba pang may kinalaman sa The Kitchen Musical dahil nakakuha sila ng tatlong nominasyon sa Festival de Télévision de Monte-Carlo.

Kabilang na rito ang nominasyon para Best Actress kay Karylle.

Patuloy niya, “Masaya sila dahil ang daming recognition, and for a show na, siyempre for them, it’s a first for them na gumawa ng something like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na it’s very hard to put together, because number one, music rights pa lang, sakit sa ulo talaga. Matagal at mahirap makuha, kaya ganoon.”

May dagdag bang Filipino talents sa Season 2?

“Mas exciting, I’m sure,” sambit ni Karylle.

“Wala pang napag-uusapang anything, e. So, we can all just guess kung ano ang mangyayari.

“Pero ang hula ko, maghihirap si Maddie [Avilon, karakter niya]. Hindi ko alam kung mapapadpad siya sa Pilipinas.

“Pero sana, para makita naman tayo rito. Magka-carenderia na lang ba siya or something?” pabirong sabi pa ng Kapamilya star.

“Hindi, pero ano nga kaya? Kasi parang nagka-trouble noong ending, e. So, we’ll see, we’ll see.”

INTERNATIONAL MARKET. Sa palagay ba niya, ang mga Pinoy ay kaya talagang ma-penetrate ang international market, tulad ng nagawa niya sa Kitchen Musical at ng iba pa nating kababayan?

“Oo naman. Like this year alone, I’ve got so many new offers, pero hindi ko muna ia-announce,” excited niyang sabi.

“But, ako kasi, dati maliit lang talaga yung mundo ko, e. Hanggang sa naisip ko, ‘Ay, baka puwede palang ganito, baka puwede pang ganyan.’

“I started to dream and I started to think na, yeah… also with Showtime.

“Kasi talagang dreaming yun, e. It’s about dreaming, e.

“So, I started seeing the passion in people’s eyes, wanting to show….

“Palagi kong sinasabi na gusto kong ipagmalaki na Filipino ako, tapos parang naisip ko, ‘Oo nga naman, bakit hindi? Bakit sila oo, ako hindi? Dapat ako rin, sali ako riyan.’ Hindi ba?

“So, yun, I think, definitely, even for dancers, a lot of our dancers compete abroad.

“We have so many Filipinos who are making it big abroad also.

“So I think there is space, especially now, nagiging… unti-unti, nawawala yung borders ng mundo with Internet.

“So, hopefully, more and more people get lucky and get recognized pa,” nakangiting sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano itong mga project na sinasabi niya, connected ba ito sa singing or acting?

“Basta, wala pang sure, but in my mind, tuloy na lahat,” sangga niya sa pangungulit namin.

So, ibig sabihin tatalbugan niya si Anne Curtis na may international movie rin?

“Wala namang talbugan,” mabilis na sagot ni Karylle.

“Alam mo, si Anne is one person who has taught me really na, just keep on dreaming, keep on believing.

“And you know, that kind of attitude is not very common in Filipinos. But now, it’s a trend.

“So, you know, she’s one of those na talagang who spearheaded that school of thought.

“That’s the kind of thinking that we should have—bigger and better.”

May dagdag pa siyang papuring ibinigay kay Anne: “Si Anne, napakabait, napaka-supportive, napakakalog, napaka-fun, laging nakasayad ang mga paa sa lupa.

“So, that’s really one thing na I think a lot of people can take a piece of advice that she give—and apply into themselves kahit papaano.”

Sino sa palagay niya ang local artist na kayang makapasok sa international scene?

“Lahat, why not, di ba? Whoever has the guts to do it, I’m sure they can and they would and they should!” sagot ni Karylle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN