Pauleen Luna on rumored breakup with Vic Sotto: “Hindi ko po alam, basta ako po tahimik ang aking buhay ngayon."

Malakas ang usap-usapang break na diumano ang Eat Bulaga! hosts na sina Vic Sotto at Pauleen Luna. Ito ay sa kabila nang hindi kailanman nila inamin ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Nang tanungin si Pauleen tungkol dito ay hindi pa rin niya ito direktang sinagot.


Last week sa Eat Bulaga!, marami ang nagulat at kinilig sa tila kumpirmasyon ni Vic Sotto sa rumored romance nila ng co-host na si Pauleen Luna.

Nangyari ito sa portion kung saan guests ang dalawang hosts ng Eat Bulaga! Indonesia na sina Uya Kuya at Rian Ibram.

Sa naturang portion kasi ay sabay na hahalikan nina Pauleen at Julia Clarete si Uya.

Pero bago ang nasabing paghalik ng dalawang EB female hosts sa EB Indonesia hosts, nagdayalog si Vic ng:

“Wait, wait. Uya, you know we have a saying here in the Philippines, okay?

“Ang kay Pedro, kay Pedro! Okay, go ahead, sorry to interrupt, I’m just warning you!”

Na sinundan ni Senator Tito Sotto ng dayalog na: “The one on the right is okay.” Ang tinutukoy niya ay si Julia, habang si Pauleen naman ang nasa kaliwa ni Uya.

Sa panayam sa kanya ng Startalk TX, na ipinalabas kahapon, August 18, ay hiningan ng reaksiyon si Pauleen tungkol dito.

“Wala, mahilig magloko yun, yung mga Dabarkads!” ang natatawang sabi ng young actress.

“Pero planted kasi yun, yung two girls… I guess hindi nila alam.”

Pero hindi mukhang planted ang reaksiyon ni Bossing Vic?

“Nakakatawa!” tawa na naman ni Pauleen.

RUMORED BREAKUP. Bagamat hindi naman sila kailanman umamin sa sinasabing relasyon nila, tikom ang bibig ni Pauleen sa bagong balita na break na raw sila ni Bossing Vic.

Sabi ng Kapuso star, “Hindi ko po alam, basta ako po tahimik ang aking buhay ngayon.

“And I don’t wanna get affected with anything na irrelevant naman.”

Tahimik at masaya ang puso niya?

“Steady, oo. I’m always happy naman. I always look at the positive more than the negative—always.”

Inspired?

“I’m always inspired. Tahimik ang buhay,” sagot ni Pauleen.

NEW HOUSE. Samantala, malapit nang matapos ang ipinapagawang bahay ni Pauleen. Ayon sa dalaga, pet project ito ng kanyang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

For her new home, may regalo na raw bagong TV set si Bossing Vic sa kanya.

Dagdag ni Pauleen, “Matagal na akong naghihintay na makalipat sa bahay. Malapit na, siguro…

“I’m keeping my fingers crossed na maybe in two weeks, makalipat ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN