Maxene Magalona says no hurt from a breakup will come close to the hurt of losing a dad

Hindi na raw iindahin ni Maxene Magalona kung ayawan siya ng boyfriend o kaibigan: “I really lost the most important person in my life. Kung sinuman ang ayaw nang makipagkaibigan sa akin o makipagrelasyon sa akin, hahayaan ko na. Ile-let go ko na. Ano pa ang gagawin ko, pipilitin ko ang tao to stay with me? E, ayaw naman na niya.”


Ayon kay Maxene Magalona, may similarities daw sila ng Faithfully character niyang si Stella.

“Actually, yung similarity, madaling magtiwala at saka super mabait, na in the sense na hindi ko na napapansin kapag may nagti-take advantage o nagiging masama na pala sa akin,” simulang kuwento ni Maxene.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang Kapuso star sa taping ng Faithfully, nung Biyernes, August 17.

“Para sa akin, ‘Hindi, hindi, wala lang yun.’ Hindi ko nakikitang masama. Ang palagi ko kasing tinitingnan, yung mabuti sa isang tao.

“So, ganoon ako. Ganoon ang pagkakapareho namin ni Stella, na parang I choose to see the good in people and I refuse to see kung ano ang masasama.

“Later on, kailangan ko ring magkaroon ng tamang judgment, and that’s what Stella lacks.

“Minsan, ganoon nga ako. Hindi ko nakikita ang tamang judgment.”

Binago na ba niya ang ganitong mga ugali?

“I see it as a guideline,” sagot ni Maxene.

“Dapat nga hindi ako maging ganoon. Siyempre, hindi naman madali, di ba?

“Ako, I’m such a positive person. Super masayahin lang ako.

“Kapag may negative thoughts o nangyaring masama, ayokong pansinin kung maaari. Pero, nari-realize ko na kailangan ko rin talagang ma-realize na life isn’t always happy, parang ganoon.”

INACTIVE FOR SIX MONTHS. Anim na buwan daw nabakante ang GMA-7 talent bago dumating ang Faithfully.

Ang huling teleseryeng ginawa niya ay ang Pahiram ng Isang Ina.

May lumabas ding balita noon na binalak na niyang lumipat sa ABS-CBN.

“Ano naman, ang alam ko, hindi natuloy ang meeting,” ani Maxene.

“Ang alam ko, dapat magkakaroon. Pero hindi na natuloy dahil nga GMA offered us an exclusive contract.”

Sinabi rin daw sa kanya ng GMA Network na may nalalabi pa siyang tatlong taon sa five-year contract niya sa istasyon.

At kahit anim na buwan siyang walang ginagawa ay under contract pa rin siya bilang Kapuso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, gusto ko ng may ginagawa,” sabi ni Maxene.

“But as I’ve said, I always see the good. So, blessing din naman na nabakante ako, kasi hindi rin nagsasawa yung tao sa akin.

“Pero siyempre, ang sabi ko, depende rin sa GMA.

“Ayoko rin naman na maging mapilit na ganito, ganito. Pero siyempre, sinasabi ko sa kanila na, ‘Alam nyo naman ako, hindi naman ako maarte, na kailangan, primetime.’

“Hindi naman ako ganoon,” patuloy ni Maxene.

TO DO INDIO SOON. At ngayong active siyang muli, hindi lang Faithfully ang project niya sa Kapuso Network. Naghihintay na ring simulan ang Indio, na pagbibidahan ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.

Nag-story conference na nga sila kamakailan at kilala na niya ang iba pang kasama rito.

“Ang partner niya, sina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos.

"Pero ako rin, magiging leading lady niya. Pero sa simula lang ako. Ako yung parang true love niya.”

Nitong Oktubre na raw ang simula ng taping nila, pero sa isang taon pa ang airing.

“Malaking-malaking production, super!” excited na sabi ni Maxene.

Hindi naman apektado si Maxene sa bali-balitang second choice lang siya para sa role niya sa Indio.

Kay Sunshine Cruz daw unang inalok ang role.

“Ako naman, kahit second choice, walang problema sa akin. As long as sa akin napunta, it means, para sa akin talaga.

“At saka, hindi ko na rin naman inaalam kung may iba silang choice.”

LEARNING FROM RELATIONSHIPS. Single ngayon si Maxene, at aniya’y hindi pa siya handang pumasok sa panibago na namang relasyon.

Anim na buwan na ang nakalilipas mula nang makipaghiwalay si Maxene sa professional poker player at businessman na si Neil Arce.

Marami raw siyang natutunan sa one year and three months na pakikipagrelasyon niyang ito.

“Marami, e. Each relationship, may natututunan ako.

“Dati kasi, sobra akong brat. Kapag nakipag-away ako, kung ano ang gusto ko, yun na ang masusunod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After no’n, na-realize ko na hindi pala dapat maging ganoon.

“Each relationship, marami akong natutunan talaga.”

JC TIUSECO. Sa mga lalaking taga-showbiz na na-link kay Maxene, tanging si JC Tiuseco ang hindi niya inamin na nakarelasyon.

Ayaw nga sanang magkomento pa ni Maxene sa dating naka-loveteam na unang Survivor Philippines Ultimate Survivor.

“Hindi, basta, ayoko nang pag-usapan sina JC o kung sinuman. E, kasi, hindi ko naman inamin na naging kami,” natatawa pa rin niyang sabi.

Galit ba siya kay JC?

“Hindi, hindi ko siya na-hate. Napakabait kong tao, wala akong hate,” diin ni Maxene.

Pero bakit nga niya itinanggi sa publiko ang relasyon nila ni JC?

“Wala lang, it’s my choice,” sagot ng dalaga.

Maya-maya pa’y umamin na rin si Maxene.

“O sige, heto, magsasalita na ‘ko. Sandali lang kami ni JC, limang buwan lang kami.

“At naging kami, inaamin ko na naging kami.

"Siyempre, noong time na yun, ayoko namang umamin.

“Biglang later on, narinig ko na siya pala, nagsabi sa mga tao na naging kami.

“Pero ngayon, noong makita ko siya, nakita ko siya recently sa mall. Nag-‘hi!’ ako sa kanya at tinapik ko siya.

“Na-shock siya. So sabi ko, ‘O, awkward ka pa rin?’ Natawa siya.

“So, sabi ko, ‘Ok na yun!’ So, okay na kami.”

Mutual decision naman daw nila ni JC nang mag-break sila.

“Actually, if a relationship didn’t work out, it doesn’t mean na isang tao lang ang mali. It means pareho kayong mali at hindi lang kayo para sa isa’t isa.

“Yun ang natutunan ko in all my relationships.”

YOUNG DOMINIC ROCO. Nabanggit din ni Maxene ang nakarelasyong si Dominic Roco, na tumagal naman ng anim na buwan.

“Ang nangyari sa amin, he was really too young for me. Kasi, 20 lang siya and I was 24.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta yun ang natutunan ko, in every relationship talaga at ang palagi kong sinasabi, masakit naman talaga every time you go to a breakup. It’s not easy.

“Kasi, sobra akong magmahal, super duper talaga. As in, super mahal ko ang mga yun at minahal ko talaga sila and I don’t regret anything at wala akong galit sa kanila.

“Hindi ako galit sa kahit sino sa kanila. At saka, bakit ako magagalit? E, may natutunan naman ako sa kanila. And at that time, naging masaya naman ako.

“At least, at that time, naipakita kong mahal ko sila at nakapagmahal naman ako, at masarap magmahal.

“One of my favorite hobbies is to love and to take care."

THE ONE SHE CAN STILL BE FRIENDS WITH. Sa mga naging boyfriend niya, sino ang nakikita niyang puwedeng maging kaibigan talaga o puwedeng imbitahan kung sakaling magpapakasal na siya?

“Wala, e. Baka masaktan lang sila,” nakangiting biro niya.

Pero biglang bawi ni Maxene, “Feeling ko, siguro si Dom.

“Kami yung nag-break na walang problema, walang away.

“It was just, ano…’Huwag na lang nating ituloy kasi walang kakapuntahan.’

“Kasi, he was really too young.

“And he was man enough to tell me na, ’I am not yet ready to have a serious relationship.’

“E, ako, every time I have a relationship, seryoso ’ko.

“Hindi talaga ako panglaru-laro. Hindi ako pangbiruan lang o fling.

“For me, every relationship is a training ground [for] when I get married.”

Tinanong ng PEP si Maxene kung ang susunod na magiging karelasyon ay gusto niya yung pakakasalan na niya.

“Hindi, hindi ako ganoon, e. Hindi ko iniisip na, ’Ito na.’

“Pero ang iniisip ko e ’Sana siya na.’

“Pero, siyempre, I can see my future with him o nakikita kong may kakapuntahan ang relationship na ito.

“Ganoon ako, very positive thinking. Pero in the end, if it doesn’t work out, iiyak ako siyempre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, ano ang magagawa ko, if it doesn’t work?”

COMPARING BREAKUPS TO LOSING DAD. Sa puntong ito raw nararamdaman ni Maxene na patuloy pa rin siyang ginagabayan ng namayapang ama na si Francis M.

“Ang palagi kong iniisip, dahil nawala na nga ang daddy ko, kahit sinong lalaki pa ang mawala sa akin…” Iniwan niyang di tapos ang pangungusap.

Malinaw na ang ibig niyang sabihin ay ito raw ang sukatan ng sakit na nararamdaman niya kapag nawawalan siya ng nakarelasyon o kahit na kaibigan.

Matindi na raw kasi ang nawala sa kanya nung pumanaw ang ama.

“I really lost the most important person in my life. Kung sinuman ang ayaw nang makipagkaibigan sa akin o makipagrelasyon sa akin, hahayaan ko na. Ile-let go ko na.

“Ano pa ang gagawin ko, pipilitin ko ang tao to stay with me? E, ayaw naman na niya.”

At muling ibinalik ni Maxene ang pagkukumpara sa sarili sa character niya sa Faithfully na si Stella, na iniwan ng asawa dahil sa isa pang babae.

“Kung ako kasi yun, talagang hindi ko na hahabulin.

“Although ako kasi, ‘Sige, kung kaya pa and if it still works, sige.’

“Kung gusto nating paganahin, gagana naman ’to,” aniya tungkol sa kanyang pakikipagrelasyon.

“Pero, hindi ko kaya ang may other woman—hindi ko talaga kaya. Yung alam ko na, hindi ko talaga kaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN