Dingdong Dantes overwhelmed by positive comments about Tiktik trailer: “Kinu-compare tayo sa Hollywood films, parating ganun."

“Siyempre, as a producer, gugustuhin ko na maging maganda sa takilya. Kahit papaano, bukod sa pagod at dedication na na-invest, hard-earned money rin ‘yan,” says Dingdong Dantes about his expectations for Tiktik: The Aswang Chronicles, a movie he starred in and also co-produced.


Excited ang aktor na si Dingdong Dantes para sa ikalawang pelikula na kanyang nai-produce, ang pre-Halloween movie na Tiktik: The Aswang Chronicles.

Isa ang sariling production outfit ni Dingdong, ang Agosto Dos Pictures, sa limang producers ng Tiktik.

Kasama niya sa film venture na ito ang Reality Entertainment, Post Manila Production, Mothership Productions, at GMA Films.

Espesyal para kay Dingdong ang Tiktik dahil ito ang kauna-unahang computer-generated na pelikula sa bansa.

“Proud kasi kayang-kaya natin ang ganung quality basta may oras. Basta natutukan siya at nabigyan ng panahon.

"More than a year siyang ginawa.

“So, imagine na lang kung paano nila ginagawa ‘yong Transformers, ganun, sobrang tagal siguro.

“‘Yong feel talaga niya is definitely mainstream.

"Pangkalahatan, bukod sa exciting ang visuals niya, ganun din ang story niya,” sabi ni Dingdong sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kahapon, Agosto 19.

Kung tutuusin, mas nauna pa raw itong ginawa kaysa sa isa pa niyang pelikulang iprinodyus at pinagbidahan, ang Segunda Mano (2011).

Pumangalawa sa takilya ang pelikula nilang ito ni Kris Aquino sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2011; sinundan nito ang comedy film na Enteng Ng Ina Mo nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.

Inaasahan din ba ni Dingdong na magiging maganda ang pagtanggap ng mga manonood sa Tiktik?

“Siyempre, as a producer, gugustuhin ko na maging maganda sa takilya,” sagot ng Kapuso actor.

“Kahit papaano, bukod sa pagod at dedication na na-invest, hard-earned money rin ‘yan.

"And it’s every producer’s dream na maibalik, at kumita.”

Bukod sa kumita, dagdag ni Dingdong, “Sa posisyon ko ngayon, mas higit pa roon kasi I would want it to succeed only because first siya in Philippine cinema.

“Breakthrough talaga siya sa maraming bagay.

"Kaya bukod sa maging successful siya sa box-office, kumbaga, maging eye-opener siya sa lahat, na we can do films like this—only kapag paglalaanan mo ng mahabang proseso, ng panahon, at ng dedication.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POSITIVE COMMENTS. Natutuwa naman si Dingdong at mga kasamahan sa pelikula dahil ilang araw pa lamang simula nang ilabas ang trailer ng pelikula sa Internet ay marami na silang nakuhang positibong komento.

Kuwento ng aktor, “Makikita mo na iisa lang ‘yong comment nila na, ‘Kaya pala natin.’

“Kinu-compare tayo sa Hollywood films, parating ganun.

“Aside from that, we also want to show that we can showcase ‘yong Philippine culture through computer graphics.”

Bukod sa pagpapalabas ng Tiktik sa local cinemas simula sa October 17, balak din ng grupo nila na dalhin ang pelikulang ito ni Erik Mattisa iba’t ibang film festivals abroad.

WEARING DIFFERENT HATS. Bukod sa pagiging producer, nasubukan na rin ni Dingdong ang pagiging isang direktor.

Matatandaan na naging direktor siya ng dating GMA-7 suspense-horror show na Kakabakaba Ka Ba (2003) at ng pelikulang Angels (2008).

Wala bang balak si Dingdong na balikan ang pagdidirek?

Sagot niya, “Alam niyo, parang mas bubuhayin ang fire kung magpo-produce kasi mae-expose ako sa maraming bagay.

“At the same time, it will also tell me na there will be a right time for it.

“Kasi, kung papasok ako ulit diyan, gusto ko it’s the right material, right timing, tama ang lahat.”

Nang tanungin namin kung ano ang mas mahirap sa pagitan ng pagdidirek at pagpo-produce, ngumiti si Dingdong at sinabing, “Well, parehong mahirap ‘yon.

“Like, si Erik Matti, he’s both e. He’s also a part-producer of this because he represents Reality Entertainment.

"‘Yong hat mo, either director ka or producer.

"Kung may gusto kang eksena na mahal, magdadalawang-isip ka if you consider the economic side of it.”

Sa huli, sabi ni Dingdong, “Kung ako ang papipiliin, mas maganda na ang artista.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN