Rhian Ramos on why her relationship with KC Montero is not yet official: "I’m being very, very careful."

Nagsimula bilang magkaibigan sina Rhian Ramos at KC Montero, ngunit ngayon ay "exclusively dating" na ang dalawa. Pero hindi pa raw nila magawang pormal at opisyal ang kanilang relasyon dahil, ayon kay Rhian, “Parang, to an extent, na puwede nating sabihing pinagbabayaran niya yung kasalanan ng iba. Hindi naman niya kasalanan, pero he’s been very patient naman. And alam niyang very cautious din ako ngayon. So, hindi kami nagmamadali.”


Hindi raw ikinadismaya ni Rhian Ramos kung hindi man natuloy ang dapat sana ay pagsasama nilang tatlo nina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa isang soap opera.

Pero aminado ang Kapuso actress na excited sana siya para rito.

“I was excited talaga sana to work with them,” sabi ni Rhian nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Party Pilipinas kahapon, Linggo, August 19.

“Pero alam kong… kung feeling ng station [GMA-7] na ano… mas may magandang story, papalitan nila.

“So I don’t feel bad naman na pinalitan nila.

“In fact, kung feeling nila na hindi magwu-work, thankful ako na pinalitan nila.

“Imbes na itinuloy namin na baka hindi ano… di ba?”

Sa halip na ang proyekto na kasama si Rhian ang gagawin nila, nagdesisyon ang management ng Kapuso network na sina Aljur at Kris ang magbida sa Pinoy remake ng hit Koreanovela na Coffee Prince.

Si Rhian naman ay isa sa magiging leading ladies ni Senator Bong Revilla sa telemovie na Indio.

Paglalarawan ni Rhian sa kanyang bagong proyekto: “Isa siyang epic na fantaserye. Pinaghalong action, fantasy, at saka love story.

“Sa pagkakaalam ko sa role ko, isa akong diwata.

“Pero so far, wala pa akong natatanggap na script.

“And, well, siyempre senator si Bong Revilla, so marami rin siyang ibang kailangang gawin.

“So dahil do’n, may mga parts ng show na talagang ika-can namin.

“So sisimulan namin siya hopefully this September o kaya October. Pero eere pa siya next year.”

KC MONTERO. Looking forward din daw si Rhian sa naka-schedule na biyahe patungong U.S. Ito ay kaugnay ng pagsu-show sa Universal Studios ng Manny Many Prizes, kung saan isa si Rhian sa co-hosts ni Manny Pacquiao.

“Excited din ako for that. Hopefully makapasyal ako,” sabay ngiti niya.

Biro namin sa kanya, tiyak na malulungkot ang nali-link sa kanya ngayong si KC Montero dahil ilang araw siyang mawawala sa bansa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey lang sa kanya ‘yon. Alam naman niya na work ‘yon, e!” natawang sabi ni Rhian.

Ano na ba ang update tungkol sa kanila ni KC ngayon?

“Wala, everything is nice naman. We get to watch movies. We get to eat a lot.

“It’s nice!

“Okey na muna kami sa ganito—exclusively dating. Yes!”

Ilang months na ba silang exclusively dating?

“Walang gano’n. Hindi ako masyadong ano, e… hindi ako yung tipo ng ano na nagbibilang kung kailan o ano.

“Hindi ako magaling sa dates, yung mga gano’n. Ang alam ko lang, mga birthdates,” sabi ni Rhian.

Hindi ba seloso si KC?

“Ano… it’s nice nga, e—for a change!” natawang muli ang aktres.

FROM FRIENDS TO LOVERS. Bago napabalita ang tungkol sa diumano’y pagkakamabutihan nila ni KC, magkaibigan na sila dati, di ba?

“Before, we were friends.

“Pero there was a time na hindi ako puwedeng makipag-hang out sa mga kaibigan ko na lalaki kasi may nagagalit!” natawang sabi ni Rhian, na ang tinutukoy ay ang ex-boyfriend niyang si Mo Twister.

“’Tapos ano, kasi before, may in-attend-an kaming event. Tapos napagalitan ako nung chever!

“So ano… hindi kami masyadong nakapag-hang out noon [ni KC].

“Pero nung naging free na ako, ayun, I was able to hang out with all of my friends.

“Tapos nagkaroon ng event, yung Smart, dun kami nakapag-bond na ulit. Kasi matagl kaming hindi nakapag-usap, e.”

GENEVA CRUZ. Nagkita na ba sila ng nakahiwalayang asawa ni KC na si Geneva Cruz?

“Yeah, I met her before sa taping ng Pare & Pare,” patungkol ni Rhian sa kasasara lang na celebrity talk show nina Ogie Alcasid at Michael V sa GMA-7.

“Nagkasama kami sa dressing room. She went up to me tapos nag-hi siya.

“But ano, as in one time pa lang kami nagkita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After that, hindi pa kami nagkikita ulit. At saka sobrang tagal na no’n.

“So, I don’t know. Hopefully, maybe one day, we’ll be able to spend time together.”

Hindi nila napag-usapan si KC sa pagkikita nilang iyon? Hindi ba siya biniro ni Geneva tungkol sa napapabalitang magandang pagtitinginan nila ng dating mister nito?

Sabi ni Rhian, “Hindi. Kahit pabiro, wala namang anuman siyang nasabi.

“She just introduced herself. She just said hi.

“She was very nice naman. And then ano… she and KC get to talk a lot.

“Pero kami, I don’t know.

“We weren’t friends kasi before so we didn’t get to talk.

“Pero sila ni KC, nakakapag-usap.”

NO OTHER SUITORS. Ngayong exclusively dating sila ni KC, hindi raw talaga nag-e-entertain ng ibang suitors si Rhian.

Paliwanag niya, “I don’t think naman din kasi na it’s fair. Kasi, si KC din kasi, he’s not dating anyone else.”

Marami ang nahihiwagaan kung ano ba talaga ang nakakapigil para formally o officially ay maging sila na.

Obvious naman daw kasing masaya sina Rhian at KC sa isa’t isa.

Natawang muli si Rhian bago nakapagbigay ng reaksiyon.

Aniya, “I don’t know. I just want to be careful.

“Actually, it’s kind of unfair nga to him, kasi I’m being very, very careful.

“And hindi naman niya kasalanan ‘yon.

“So parang, to an extent, na puwede nating sabihing pinagbabayaran niya yung kasalanan ng iba.

“Hindi naman niya kasalanan, pero he’s been very patient naman.

“And alam niyang very cautious din ako ngayon.

“So, hindi kami nagmamadali.”

May ibang lalake na nagsasawa rin sa katagalan. Sa tingin ba niya ay mananatiling matiyaga si KC sa paghihintay sa kanya?

“Uhm… I think ano… me and him kasi, we’re very honest with each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And if ever na may problema siya with waiting, masasabi niya naman.

“So, hindi ako magugulat na bigla na lang gano’n!” tawa niya.

Paano kung isang araw ay magsabi si KC na malapit na siyang manghinawa sa kahihintay sa kanya?

“Siguro problemahin ko na lang kapag problema na!” tawa ulit ni Rhian.

Pero dagdag niya, “Sa ngayon, ini-enjoy namin kung anuman yung meron kami… yeah.

“And… everything is very light and happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN