Lovi Poe proud of the National Artist award given to her father Fernando Poe Jr.

Bagamat hindi siya nakadalo sa pormal na paggawad ng National Artist award kay Fernando Poe Jr. noong Agosto 16 sa Malacañang, masaya naman daw si Lovi Poe na sa wakas ay naigawad na sa kaniyang ama ang natatanging parangal na ito.


Masayang masaya si Lovi Poe sa Posthumous National Artist award na iginawad sa kaniyang ama na si Fernando Poe Jr.

Matatandaan na noong Agosto 16 ay pormal nang tinanggap nina Susan Roces at Mary Grace Poe-Llamanzares ang naturang parangal, na ginanap sa Malacañang Palace.

“I’m very proud of my dad,” wika ni Lovi nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press noong Agosto 19, sa kaarawan ni Mother lily Monteverde na ginanap sa mezzanine ng Imperial Palace, sa Quezon City.

“For me naman, its good na… for sure, knowing him, it wouldn’t be necessary. But it’s something that…

“It’s really amazing kasi enough na for him na minahal siya ng tao, and now giving him that recognition, parang it’s really for him talaga.”

Hindi raw nakadalo si Lovi sa mahalagang araw na iyon dahil hindi siya “aware” na may ganoong nakatakdang okasyon.

Gayunman, “wala naman issue” ang bagay na ito para sa Kapuso actress, at sinabi pa nitong maayos naman ang relasyon niya sa pamilya ni Da King.

WORK WITH SUSAN. Taong 2004, panahon kung kailan tumakbo sa pagka-pangulo si FPJ, nang aminin nitong may iba pa siyang anak bukod sa adopted daughter na si Mary Grace: sina Ronian at Lovi.

Pero kahit pa ganoon ang kanilang sitwasyon, sinabi ni Lovi na “mabait” sa kaniya ang pamilya ni Susan.

Ani Lovi, “Actually, they’ve been really nice to me.

“Whenever I see them, I get to say hi, ganyan, ganyan. And, they’re really nice people.”

At kung mabibigyan ng pagkakataon, “honor” daw para sa 23 year old na aktres na makatrabaho ang beteranang aktres na si Susan Roces.

FPJ’S BIRTHDAY. Sa kaarawan ni FPJ kahapon, Agosto 20, ay simple lamang daw ang plano ni Lovi na pag-alala dito.

Dadalaw daw siya sa puntod ng kaniyang ama na nakalibing sa North Cemetery sa Maynila, at saka dadalo sa isang misa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit naman daw kasi walang okasyon, basta’t may pagkakataon ay dumadalaw siya sa puntod ng ama.

“Recently, I went there,” kuwento ng aktres sa PEP.

“Nag-shoot kami ng Guni- Guni­ sa may North Cemetery, then dumaan na rin ako, bago pa siya dumaan sa akin.”

Ang Guni-Guni ay ang pinakabagong horror film na ginagawa ngayon ni Lovi under Regal Entertainment, kung saan makakapareha niya si Benjamin Alves.

ALL FOR FPJ. Si FPJ ay itinuturing ni Lovi na inspirasyon pagdating sa kaniyang showbiz career.

Tingin ni Lovi, kung nabubuhay pa ang kaniyang ama, sigurado na “much more supportive” ito sa career ng anak nitong babae.

Kaya naman anumang tagumpay ang kaniyang marating, hindi niya raw niya nakakalimutang pasalamatan ang yumaong ama.

“In every role naman that I play, in very move naman that I do sa career ko, lagi naman siyang kasama doon.

“I really believe that he’s guiding me,” nakangiting sabi ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN