Solenn Heussaff is more nervous about delivering Tagalog lines than doing action scenes in Indio

Isa si Solenn Heussaff sa mga magiging leading lady ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa upcoming Kapuso action-fantasy series na Indio. Hindi naman daw kabado ang French-Filipina sa mga maaaring gawing action scenes dito. “Narinig ko na mas malalim daw yung Tagalog sa mga magiging lines ko dito. So, nervous lang ako para do’n. Pero pagdating sa mga action scenes at mga stunts, walang problema,” banggit ni Solenn.&


Mabilisan lang ang naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Solenn Heussaff last Sunday, August 19, dahil pagkatapos ng Party Pilipinas ay kailangan na agad niyang tumakbo sa shooting ng Ikaw Na, The Best Ka!, ang pelikulang ginagawa niya ngayon with Jose Manalo and Wally Bayola.

“Three to four shooting days na lang kami,” sabi ng French-Filipina Kapuso artist. “Almost finished na yung movie.”

Leading lady siya ni Jose sa nasabing comedy film.

Nakunan na ba ang kissing scene nila ng komedyante?

“A, you have to watch the movie,” nakangiting sagot ni Solenn.

“Parang hindi na fun kung na-reveal ko na lahat, di ba?

“Abangan nyo. Basta! May sweet moments kami.”

Hindi ba na-intimidate si Jose sa kanya sa gano’ng eksena nila?

“Ako ang na-intimidate!” sabay tawa ng 27-year-old multi-talented na dalaga.

“Ang gagaling kasi nila. Sobrang comedian talaga. So, ako yung parang hindi comedic.”

Ano ba ang nararamdaman niyang malaking challenge for her while doing a comedy movie with Jose and Wally?

“Para sa akin, depende sa story din.

“Kasi, minsan okey kapag over-acting. Pero you have to know when.

“And you have to learn to be funny without trying too hard.”

Nasasabayan naman daw niya sa mga eksena ang pagiging kuwela ng dalawa at ng iba pang komedyanteng kasama nila sa pelikula.

“Mas maraming comic scenes sa part nila. Pero I really tried my best to be ka-level nila.

“It’s fun naman. Kahit off-cam na kami. Sobrang nakakatawa, lalo na nga sina Jose and Wally.

“Kasi they’re always making jokes!” nakangiti pa uling pagbabalik-alala ni Solenn sa mga eksena niya with the Eat… Bulaga! “Juan for All, All for Juan: Bayanihan of D’ Pipol” segment hosts.

NOTHING PERSONAL. Kinumusta muli ng PEP ang tungkol sa kissing scene nila ni Jose.

“Bakit sobrang interesado kayo sa kissing scene namin?” natatawang tanong naman ngayon ni Solenn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng PEP, baka magselos ang kanyang Argentinian boyfriend na si Nico Bolzico.

“Hindi. Job ito. So, walang feelings, di ba? Trabaho lang.”

Sobrang busy niya ngayon sa trabaho. May time pa ba siya for her boyfriend?

“I always find a way. Kahit gaano ako ka-busy,” sagot ni Solenn.

Kasama rin si Solenn sa bagong action-fantasy series ng GMA-7 na Indio na pagbibidahan ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.

“Oo. Actually, nalaman ko lang yun nitong August 18. So, wala pa akong details that I can share. Kasi hindi ko pa alam.”

But she was told na parang “Goddess of Fire” ang magiging role niya.

At isa rin siya sa magiging leading ladies ni Bong.

Napangiti naman si Solenn nang biruin ng PEP tungkol sa tila naging tatak na ng action star-politician na matinik pagdating sa chicks.

“Baka yun lang ang impression sa kanya ng mga mahilig mang-intriga! Di ba?

“Na-meet ko lang siya once. Mabait naman siya.

“Pero, I cannot judge, kasi I haven’t had a conversation with him,” pahayag ni Solenn.

Medyo nakakaramdam lang daw siya ng nerbiyos habang hinihintay ang pagsisimula ng taping niya para sa Indio.

“Narinig ko na mas malalim daw yung Tagalog sa mga magiging lines ko dito. So, nervous lang ako para do’n.

“Pero pagdating sa mga action scenes at mga stunts, walang problema.

“Kasi athletic naman ako. Kaya okey lang sa akin yung mga scenes na may talun-talon, kapag may swimming na may somersault.”

E, kissing scene din with Bong, hindi kaya siya nerbyosin din?

“Bakit tungkol sa kissing na naman? Nakakasawa naman!” tawa ulit niya.

“Yung gano’n talaga ang isa sa laging inaabangan? Ha-ha-ha! Laging may question tungkol do’n palagi?

“Kapag nasa movie industry ka, dapat ready ka sa lahat ng mga eksena.

“So, yung kissing scene, part lang ng trabaho. Walang feelings involved.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa Indio sina Rhian Ramos, Jennylyn Mercado, at Maxene Magalona.

NERVOUS BUT NOT PRESSURED. Hindi ba siya nakakaramdam ng pressure na mabigat ang casting nito?

“Never akong na-pressure. Just nervous,” sagot ni Solenn.

“Pero I always learn from others.

“So, pag bongga yung casting, mas may effort ako sa gagawin ko.

“To try at least to be on their level. Na you learn more from them.

“Excited ako kapag magagaling yung makakasama ko.

“Hindi ako scared na baka ma-overshine ako or something.

“Kasi I’m still learning,” pagwawakas ni Solenn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN