Vina Morales says sister Shaina Magdayao has become "better"—not "bitter"

Ipinagmamalaki ni Vina Morales (kaliwa) ang pagiging matatag ng kanyang nakababatang kapatid na si Shaina Magdayao (kanan) sa kabila ng mga kontrobersiyang pinagdadaanan nito. Aniya, “I’m really proud of her that she’s not talking about it. [Shaina] has really learned about accepting and unlearning, which is really good. I’m really proud of her.”


Ipinagmamalaki ni Vina Morales ang kanyang nakababatang kapatid na si Shaina Magdayao.

Ito’y dahil sa katatagang ipinapakita ng kapatid sa kabila ng mga pagsubok na pinagdadaanan nito sa buhay pag-ibig.

Matatandaan na noong Mayo ng taong kasalukuyan ay kinumpirma ni Shaina ang paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz.

(CLICK HERE for related article.)

Matapos ng kumpirmasyong ito’y hindi na ulit nagsalita si Shaina, kaya naman ipinagmamalaki ni Vina ang kapatid.

Sabi ni Vina, “When she’s asked [about her past relationship], she answers it well at walang siyang sinasabi.

“I’m just really proud of her, that she’s becoming a better Shaina.”

Magkasama ang magkapatid na dumalo kahapon, August 21, sa 14thanniversary celebration ng Ystilo Salon sa Club Filipino, sa Greenhills, San Juan.

Ang salon na ito ay sinimulan ni Vina noong 1998, kasama ang isa pa niyang kapatid na si Sheila at ng asawa nitong si Federico Moreno (adopted son ni German Moreno).


MORE PAIN. Buo raw ang suporta ni Vina sa kanyang kapatid simula pa nang pumasok ito sa showbiz.

Lalo pang naging matindi ang pagsuporta ni Vina kay Shaina nang nagsidatingan na ang mga intriga at kontrobersiyang kinailangang harapin ng nakababatang kapatid.

Halimbawa nito ay nang maging nobyo ni Shaina si John Prats sa loob ng dalawang taon.

Naging kontrobersiyal ang pagtatapos ng kanilang relasyon noong Enero 2010 dahil hindi malinaw ang naging sanhi nito.

Hunyo 2010 naman nang aminin ni John Lloyd na nobya na niya si Shaina. Ngunit ngayong taon ay nagtapos na rin ang halos dalawang taong relasyon nila.

Katulad sa naunang relasyon, pinili ni Shaina na huwag nang sabihin sa publiko ang pinagmulan ng kanilang paghihiwalay.

Bagamat single siya ngayon, patuloy ang pagdating ng pagsubok kay Shaina pagdating sa pag-ibig. Lalo na nang lumabas ang mga balitang nagkakamabutihan na sina John Lloyd at Angelica Panganiban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, nanatiling tikom ang bibig ni Shaina tungkol dito.

PROUD ATE. Sabi ni Vina tungkol sa kapatid, “I know maraming mga intriga, at alam ko maraming nagsasalita, at may nagsasabi ng totoo at may nagsasabi ng hindi totoo.

“But I’m really proud of her that she’s not talking about it.

“[Shaina] has really learned about accepting and unlearning, which is really good.

“I’m really proud of her.”

Kaya ang paalala ni Vina sa kanyang nakababatang kapatid:

“‘Yong mga nangyayari ngayon sa buhay niya, it just starts there.

"Ako, I’ve been there and marami pa siyang pagdadaanan talaga…

“Marami pa siyang pagdadaanan talaga—marami pang pain, masasaktan pa siya, maloloko siya.

“It’s part of life.

“Siguro ang importante sa kanya, ang nakikita ko, yung acceptance niya, hindi siya naging bitter.

“Hindi siya naging bitter sa mga nangyari sa buhay, at wala siyang comment, maski maraming nagsasalita.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN