Erik Santos prays for ASAP co-host Zsa Zsa Padilla’s recovery: "Kahit na gaano kahirap ang pagsubok, kahit gaano katagal, basta mag-pray ka lang."

Magkakaroon ng major concert ang singer na si Erik Santos kaugnay ng selebrasyon ng kanyang ika-siyam na taon sa music industry. May titulong Major Theme Songs, gaganapin ito sa August 30 and 31 sa Meralco Theater.


Tuwing may susulpot na bagong artista o singer, madalas na itanong sa mga nauna nang nakagawa ng pangalan sa industriya kung hindi ba sila nakakaramdam na kaba o nati-threaten kaya.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapamilya singer na si Erik Santos tungkol dito, inamin niya na hindi maiiwasan na minsa’y makaramdam ng kaba.

Aniya, “Oo naman. Itong industriyang ito, very competitive.

“Palaging dapat mayroon kang bagong ipinapakita every time na nagko-concert ka, naglalabas ka ng album.

“Kumbaga, reinvention is very important.

“Yung threat naman, laging nandiyan ‘yan e.

“For me, mas nagpo-focus ako sa kaya ko pang ibigay sa audience.

“Hindi ako nagdu-dwell sa ganung mga bagay, mas nagpo-focus ako dun sa kung ano pa ang kaya kong i-improve.”

Nakausap ng PEP si Erik sa backstage ng ASAP 2012 noong Linggo, August 19.

Anu-ano ang reinvention na ginagawa niya sa sarili para huwag siyang pagsawaan ng publiko?

“Sa akin, ang reinvention ko, nangyayari yun sa album, sa music, sa mga concerts ko.

“Pag sa concert, mayroon kaming bagong ipinapakita na hindi usually or normally nakikita nila sa akin o sa ASAP o sa ibang mga shows.”

Sa kabila ng mga bagong nagsusulputang singers o banda ay masasabing may sarili na ring hukbo ng mga tagahanga si Erik.

Isang patunay nito ay ang pagiging gold ng latest album niyang Awit Para Sa Iyo.

Nandun din ang pag-asam ng singer na sana ay mag-platinum ang album.

“It’s an all-OPM album and, of course, hatid sa atin ng Star Records.

“Maraming-maraming salamat sa lahat ng bumili ng album, thank you, thank you so much.

“Dahil sa inyo, nag-gold na yung album.

“Siyempre, sobrang masayang-masaya.

“I’m just so thankful na hanggang ngayon, after almost ten years, ay tinatangkilik pa rin nila ang album ko, yung concert ko.

“Sobra-sobra lang akong thankful talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I hope, I hope na mag-platinum.

“Ang hirap ng buhay ngayon dahil sa piracy, downloading... so medyo hirap ang industriyang ito.

"Pero ginagawa naming stronger ang OPM.”


MAJOR CONCERT. May major concert si Erik sa katapusan ng August.

Excited ang Prince of Pop sa mga bagong ipapakita niya sa pinaghahandaang concert.

Kuwento niya sa PEP, “Actually, for my ninth year... ang tenth year ko will be next year pa, itong concert ko, ito yung major concert ko for this year.

"Ang title nito is Major Theme Songs, on August 30 and 31, sa Meralco Theater."

Guests niya raw rito sina Gary Valenciano, Basil Valdez, Vina Morales, Opera Belles, at G-Force.

“Marami kaming surprises dito," sambit pa ni Erik.

“Talking about theme songs, siyempre kasama niyan ang mga teleserye, mga soap operas, kung saan ginamit ang mga theme songs.

“So, marami kaming mga bagong approach sa concert. Sobrang dami naming hinanda.

“Sa sobrang dami ng mga theme songs, pinili namin talaga yung the greatest ones.

“Sa theme songs na nakanta ko, yung favorite ko yung ‘Maging Sino Ka Man.’

"Kasi classic siya, ang ganda ng lyrics, ang ganda ng melody.

“Parang immortal na yung kanta, na-immortalize na.”

ZSA ZSA PADILLA. Hiningi rin ng PEP ang pahayag ni Erik sa pagkakaroon ng stage 1 kidney cancer ng kasamahan niya sa ASAP na si Zsa Zsa Padilla.

Sabi niya, “Ngayon ko lang ‘yan nabalitaan... nalungkot naman ako dun.

“Naging close kami mula pa nung Star In A Million.

“Parang nanay ko na yun, ang tawag ko sa kanya ‘Nanay Zsa Zsa.’

“Wala namang choice kundi maging malakas.

“Ako, bilang kapamilya niya dito sa ASAP, ang prayers namin, continuous for her.

“Palagi lang tayong magdarasal, that’s our strongest weapon.

“Again, kahit na gaano kahirap ang pagsubok, kahit gaano katagal, basta mag-pray ka lang.

“Lahat ng bagay naaayos, lahat ng bagay nasosolusyunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, bilang kapamilya, nakakalungkot.

“Pero, siyempre, kailangang ipakita na bilang kapamilya niya, na malakas kaming lahat para maging malakas din siya sa mga pagsubok na dumaraan sa buhay niya.”

May mensahe ring ipinaabot ang Prince of Pop sa Divine Diva.

“Nay Zsa Zsa, kaya mo ‘yan. Nandito lang kami para sumuporta sa iyo at, siyempre, continuous ang prayers namin para sa mabilis mong paggaling. We love you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN