Bea Binene on success of her debut album: “Yung mga singer lang ba ang may K magka-album?”

Bea Binene denies competition between her and fellow Kapuso tween star Barbie Forteza. Bea says: “For the past two years, wala po. Ano… we’re very good friends.”


Marami ang nakakapansin sa pagiging mas malapit ngayon nina Bea Binene at Jake Vargas.

Kapag nagkakasama nga sila sa Party Pilipinas, gaya noong Linggo, August 19, ay lagi silang magkadikit.

Hindi tuloy maiwasang mag-isip ng mga nakakakita sa kanila na baka may namumuo nang espesyal na relasyon sa dalawang Kapuso tween stars.

Nakangiting nagpaliwanag naman si Bea tungkol dito nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sabi niya, “Kahit naman po hindi kami nagkakasama sa taping o hindi kami magkasama sa isang show, we’re still good friends.”

Friends lang ba talaga—walang ligawan o anumang mas malalim pa sa pagkakaibigan?

“Friends lang!” sabay tawa ni Bea.

MISSING EACH OTHER. Huling nagkatambal sina Bea at Jake sa Alice Bungisngis And Her Wonder Walis.

Bagamat nagkikita sila sa Party Pilipinas, sandali lang silang nagkakasama. At pagkatapos nito ay pareho na silang abala sa kani-kanilang schedules.

Hindi nila nami-miss ang isa’t isa?

Sagot ni Bea, “Siyempre nami-miss. Oo naman.

"Siyempre, hindi naman mawawala ‘yon.

“Matagal din naman kaming naging magkasama ni Jake. Two years kaming nagkasama bilang loveteam.

“Kahit papano, mami-miss namin siyempre yung bonding together sa taping.”


LUNA BLANCA. Sa Luna Blanca ay hindi si Jake ang kapareha ni Bea kundi si Kristoffer Martin. Ka-love triangle nila rito si Barbie Forteza.

“Opo, maraming twists na mangyayari sa story," banggit ni Bea.

“Kasi aaminin na ni Luna [Bea] kay Blanca [Barbie] na gusto niya talaga si Aki [Kristoffer].

“Basta, maraming dapat abangan.

"May mga eksena din kami ni Derrick naman.”

Si Derrick Monasterio ang gumaganap na kaibigan nina Luna at Blanca simula noong pagkabata pa nila.


COMPETITION. Nagkakaroon na ba sila ngayon ng competition ni Barbie?

“Ay, wala po!” sabay tawa ni Bea.

“For the past two years, wala po. Ano… we’re very good friends.

“Ngayon, mas close kami... kaming apat," pagtukoy niya sa kanila nina Barbie, Kristoffer, at Derrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kaming apat ang lang ang laging magkakasama.

“’Yon! As in kulitan lang sa set—bonding lang talaga.”


NEW ALBUM. Samantala, maganda ang naging resulta ng sales ng unang album ni Bea na Hey It’s Me, Bea matapos itong mai-launch recently.

“Last week, number two ako sa Astro Chart for Astro Vision and Astro Plus sa OPM and Foreign categories," pagmamalaki niya.

Ang revival ng kanta ni Regine Velasquez na “Urong-Sulong” ang carrier single ng kanyang album.

Meron din daw silang duet ni Jake dito, ang “Mahal Kita, Walang Iba.”

Marami ang nagulat at hindi inakalang sasabak din sa pagiging recording artist si Bea.

“Yung mga singer lang ba ang may K magka-album?” sabay tawang biro naman ni Bea nang kunin ng PEP ang kanyang reaksiyon.

“And pinaghandaan ko po ito—opo naman. Nag-voice lesson po ako.

“And I’m happy na okey naman po ang feedback sa album ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN