Eugene Domingo and Ogie Alcasid confident Zsa Zsa Padilla will survive latest ordeal

Bago pa man lumabas ang balitang may cancer ang Divine Dive na si Zsa Zsa Padilla, alam na raw ito ng co-stars niya sa I Do Bidoo Bidoo na sina Eugene Domingo and Ogie Alcasid (nasa larawan). Alam din daw nilang malalampasan ng Divine Diva ang pagsubok na ito at iisa ang diwa ng kanilang pahayag: “Ipag-pray natin si Zsa Zsa.”


Nauna nang nagpahayag sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zsa Zsa Padilla tungkol sa kanyang karamdaman, sa last shooting day ng I Do Bidoo Bidoo noong July 31, pero hindi siya nagbigay ng detalye.

Sinabi lang niyang ayaw niyang malungkot ang mga taong nagmamahal sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)

Noong Linggo, August 19, pumutok ang balitang na-diagnose with Stage 1 kidney cancer ang Divine Diva.

Noon ding Linggo, nagkataong may mall show ang I Do Bidoo Bidoo sa Trinoma Mall, kunsaan naroon ang ibang cast ng pelikula.

Hindi nila kasama si Zsa Zsa dahil kasalukuyan itong nasa Amerika kung saan sasailalim ito sa operasyon upang tanggalin ang bukol na kasing-laki ng "golf ball" sa kanyang kidney.

Sa mall show ay hiningan ng PEP ng pahayag sina Eugene Domingo at Ogie Alcasid tungkol sa kalagayan ng kanilang kaibigan at kasamahan sa pelikula.


EUGENE DOMINGO. Sa magkahiwalay na kuwento nina Eugene at Ogie sa PEP, lumalabas na matagal na nilang alam ang sakit ni Zsa Zsa.

Sabi ni Eugene, “She’s a very wise woman and I’m sure hindi siya malulugmok dahil sa sakit na ‘to.

“Napag-usapan naman namin ‘yan, na kaya siya pupunta sa Amerika, para magpa-check up.

“Ako pa lang, nung sinabi pa lang niya, in my heart, alam kong walang masamang mangyayari sa kanya.

“Ito ay isa lamang sa mga maliit na pagsubok, malalampasan niya ito…

“Kasi ang nakikita ko sa pagkatao at kababaihan ni Zsa Zsa, meron siyang magandang mensahe…

“And through her, makukuha natin ang mensaheng yun, e—kasi she’s very thankful to the Lord.

“Nakita natin kung anong klaseng babae siya—mapagmahal, mapag-aruga sa pamilya, sa mga anak.

“At sa pagsubok na ‘to, I’m sure marami na naman tayong matutunan.

“And all of us, sa entertainment industry, kami sa I Do Bidoo Bidoo family niya, lahat siguro tayo ay nagdadasal na gumaling siya, at gagaling siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ah, in God’s Grace… gagaling siya.”

Noong nagsu-shooting ba sila ng pelikula, may suspetsa na si Eugene tungkol sa karamdaman ni Zsa Zsa?

Pag-amin ng komedyana, “Well, sa pagkakakuwento niya sa akin, siyempre...

"Malakas na tao siya. She’s very brave.

"But at the same time, ayaw niyang malungkot ulit ang kanyang mga anak.

“Ayaw din niyang masyado tayong malungkot for her."

Sabi pa ni Eugene, “Hinahangaan ko si Zsa Zsa kasi sa kabila ng lahat, makikita mo pa rin na may saya sa mga mata niya…

“She’s very cheerful on the set, madaldal pa rin.

"But you know, dun nanggagaling yung ating pagmamahal sa kanya, e.

“Kasi sa dinami-dami ng pagsubok, ito pa.

"Matibay siya, that’s why we’re all praying for her.

“She’s one woman that I really look up to. At alam ko may mensahe siya para sa atin.”


OGIE ALCASID. Isa rin sa mga labis na nalungkot sa sitwasyon ay ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid.

Pero positibo rin si Ogie na malalampasan ng Divine Diva ang bagong pagsubok na ito sa kanyang buhay.

Aniya, “So, you know, there’s something that has to be dealt with but, ultimately, God will deal with that disease.

“Ipag-pray natin si Zsa Zsa.”

Dagdag pa ni Ogie, “Well, noong nagsu-shoot kami, although sinabihan na niya kami, ‘no, that she had to go through test...

"So I texted her today, [that] we’re praying for her. You know, God is mightier.

“And in any illness, we’re constantly praying for her and that kayang-kaya ‘yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN