Angelica Panganiban on status of her lovelife: “Hayaan niyo muna akong i-enjoy ko iyong privacy at iyong happiness na meron ako ngayon.”

Hindi pa rin nagsalita si Angelica Panganiban tungkol sa kasalukuyang estado ng kanyang lovelife, subalit inamin nitong masaya na siya matapos ang pinagdaanang unos. Hiniling niya sa press at sa publiko na hayaan muna siyang maging masaya. Aniya, darating din naman ang araw na ibabahagi niya sa mga tao ang kanyang saloobin.


Parehong sa literal na pananalita at sa gay lingó, masasabing “mahaba ang hair” ngayon ng aktres na si Angelica Panganiban.

Kitang-kita naman na literal na maganda ang abot-baywang niyang buhok—dahilan kung bakit siya napiling endorser ng isang kilalang shampoo brand.

Sabi ni Angelica sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kahapon, Agosto 21, sa press launch ng Pantene:

“Alam niyo, bata pa lang talaga ako, pangarap ko na ang magkaroon ng ganitong klaseng endorsement.

“Sabi ko nga, siguro ’pag nagkaroon ako ng shampoo commercial, hindi ako mapapagod talaga. Hindi ako mangangawit sa [kakawasiwas ng buhok].”

Pero may iba pa kayang dahilan kung bakit lalong gumaganda at “humahaba ang hair” ni Angelica?

JOHN LLOYD CRUZ. Ilang buwan nang pinag-uusapan ang namumuong relasyon daw ni Angelica sa kapwa Star Magic talent na si John Lloyd Cruz.

Diretsahang tinanong ng isang reporter ang Banana Split star tungkol dito: “Isa din ba sa mga nagpapahaba ng buhok mo ay si John Lloyd Cruz?”

Sagot ng aktres na patay-mali, “Well, malaking factor iyong Pantene. Kasi iyong Pantene, nilalagay ko sa hair ko, so nakikita ko yung effect niya na humahaba.

“So, di ko na alam sa inyo kung gaano kahaba iyong tingin niyo sa hair ko. Kayo na makakasagot no’n.”

Inalam din ng press kung ano ba talaga ang lagay ng puso ni Angelica ngayon.

“Sa puso? Wait lang, a. Ano, okay lang. Perfect. Parang Sunday, perfect siya,” sagot niya.

PERFECT SUNDAY. Naging makahulugan ang sagot na ito ng aktres dahil noong Agosto 12 ay lumabas sa kanyang personal Instagram account ang isang larawan kung saan makikitang kasama niya si John Lloyd.

Tila nasa isang bakasyunan ang dalawa at may caption pa ang larawan na “Perfect Sunday.”

(CLICK HERE to read related story.)

Muling tinanong ng press si Angelica: “Naulit ba iyong Perfect Sunday?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo. Perfect Monday, Tuesday, Wednesday... hanggang Sunday. Tapos balik ulit Monday!” pabirong pa ring sambit ng Banana Split star.

“Hindi, nasa sa ‘yo naman kasi iyon kung paano mo pagagandahin iyong araw mo.

“Iyon siguro iyong importante sa akin ngayon. Nasa sa akin. Desisyon ko kung paano ko pagagandahin iyong araw ko.”

BETTER DAYS. Hindi ikinaila ni Angelica na masaya na siya ngayon matapos ang breakup nila ni Derek Ramsay. Tumagal ng anim na taon ang relasyon niya sa aktor, na ngayon ay nasa TV5 na.

Sabi ni Angelica, “Ayoko namang mag-compare kung ano iyong meron ako before.

“Ang sa akin lang is, kumbaga, nararamdaman ko na paganda nang paganda ang bawat araw na meron ako, and hindi ko iyon kailangang hingin sa ibang tao.

“Nararamdaman ko iyon sa sarili ko dahil nahanap ko kung ano iyong gusto kong ma-achieve—iyong panahon sa sarili ko, iyong maalagaan ko iyong sarili ko, pagandahin ko ang sarili ko.

“Mukha namang achieve na achieve ko iyong kagandahan na iyon,” nakangiting saad ni Angelica, na kahit walang makeup ay may likas na ganda.

Muli namang itinanong ng isang reporter si Angelica: “Paano ka ba maging happy?”

Sabi ng aktres, “Siyempre, mahalin mo iyong sarili mo. Kasi pagka doon ka pala nagsimula, masaya ka na pala talaga agad.

“Iyong hindi mo na kailangan ng ibang tao para ma-appreciate ka.

"Kasi alam mo na iyong hangganan mo, kung ano iyong magpapasaya sa ‘yo, ano iyong puwedeng ibigay, at kung ano iyong mga hindi puwedeng ibigay.

“Mas maiiwasan mo iyong masaktan, malungkot, di ba?”

JOHN LLOYD UPLOADED THE PHOTOS. Muli namang binalikan ng ilang reporters ang paksa tungkol sa larawan nila ni John Lloyd sa Instagram.

Ayon kasi sa The Buzz host na si Boy Abunda, si John Lloyd daw mismo ang nag-upload nito. Totoo ba iyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“True! Correct!” mabilis na sagot ni Angelica.

Saan ba kinunan ang mga larawang iyon?

“Secret!

“Alam niyo kasi, ganito na lang, gawin na lang nating simple.

“Siguro naman obvious naman sa inyong lahat na kung ano iyong meron ako noon, naging vocal ako at hindi ko naman iyon itinago, hindi ko naman iyon ipinagdamot.

“Siguro may karapatan din naman akong huwag magsalita, piliin kong manahimik.

“Hayaan niyo muna akong i-enjoy ko iyong privacy at iyong happiness na meron ako ngayon.

“In time, darating tayo diyan.

"Kapag nagdesisyon ako or bumait akong magsalita, at i-share sa inyo kung ano man iyong nararamdaman ko, sobrang proud akong gawin iyon.

“Pero ngayon, hayaan niyo na lang muna akong nasa ganito.”

STAR MAGIC BALL. Nirespeto naman ng mga reporters ang kahilingang ito ni Angelica, kaya ibinaling na lamang sa papalapit na Star Magic Ball ang paksa ng interview.

Gaganapin ang annual gathering ng Star Magic talents sa September.

Excited na raw si Angelica sa naturang event, subalit wala pa siyang partikular na paghahanda na ginagawa sa ngayon.

“Siyempre, sobrang excited ako, di ba?

"Makakasama mo iyong mga kaibigan mo do’n and isang malaking celebration siya.

“Twenty years na ang Star Magic and parang meron kayong isang malaking gathering para mag-bonding kayong lahat.

"Wala kayo sa trabaho, so sobrang excited ka.

“Iyong preparation naman, magpe-prepare na lang ako two hours before.

"Kasi kung ngayon pa lang, mahuhulas naman iyong makeup ko!” sabi ng palabirong Angelica.

May makaka-date ba siya sa naturang event?

“Hindi ko pa alam, namimili pa ako. Ang dami nila, e!

“Hindi ko pa alam kung grupo kaming dadating do’n ng Banana Split, kung mag-isa ako, kung may kasama ako.

“May two weeks pa naman ako. Hayaan niyo ako, huwag niyo akong pangunahan!” muli nitong pagbibiro.

Noong nakaraang Star Magic ball, ang date ni Angelica ay si Derek at ang date ni John Lloyd ay si Shaina Magdayao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UPCOMING PROJECTS. Samantala, nagbigay rin ng update si Angelica tungkol sa mga proyektong ginagawa niya ngayon.

Isa na rito ang teleseryeng pagbibidahan nila ni Piolo Pascual.

Banggit niya, “Apoy Sa Dagat, nagte-taping na kami ni Piolo and sobra naman kaming happy sa kinakalabasan ng trabaho namin.

“Excited kaming dalawa dahil kapag kaming dalawa ang nagsasama, masaya lang kami lagi, mabilis ang takbo ng trabaho namin.

“And masaya kami dahil ang ganda-ganda ng flow ng working relationship namin sa mga tao sa paligid namin.”

Kasabay nito ay ginagawa rin ni Angelica ang isang pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

May working title ito na One More Try, at kasama niya sa cast sina Angel Locsin, Zanjoe Marudo, at Kapuso star na si Dingdong Dantes.

“Ito namang movie namin with Angel, Dingdong, and Zanjoe, tuluy-tuloy pa rin naman ang pagshu-shoot namin.

“I think patapos na yata kami. Siguro nasa 40 percent na kami ng movie.

“Paganda nang paganda iyong nangyayari at para kaming gumagawa ng teleserye.

"Nae-excite talaga kami every time may shooting kami.”

Aabangan din ngayong Oktubre ang 20th anniversary feature film ng Star Magic na Crazy Love, kung saan makakapareha ni Angelica si John Lloyd Cruz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN