Maja Salvador on Matteo Guidicelli pursuing her after their breakup: “No. Wala, wala nang effort.”

Maja Salvador on receiving a Best Actress award: "Parang panggising ko yun sa sarili ko, na magtiwala ka na sa sarili mo. Ayan na o, binigyan ka na ng award. Magtiwala ka na sa sarili mo."


Agosto 3 nang unang kumpirmahin ni Maja Salvador, sa early morning show na Kris TV, ang breakup nila ni Matteo Guidicelli.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja noong August 21, sa Bgy. Kapitolyo, Pasig City, sa studio shoot ng kanyang latest endorsement na Coby Kyros Internet Tablet.

Binanggit nina Maja at Matteo sa mga nauna nang interviews na mayroon silang kani-kaniyang priority sa buhay, kaya raw naputol ang kanilang relasyon.

Tinanong ngayon ng PEP si Maja kung, bukod duon, ano pa ang naging dahilan ng breakup nila ni Matteo.

“Ewan ko, siguro siya tanungin niyo,” sagot ni Maja.

Ilang linggo matapos lumabas ang balita, kumusta naman sila ngayon?

“Actually, okay naman. Okay naman talaga. Okay naman kami,” wika ni Maja na tila naghahanap ng tamang sagot.

Ngunit nang tanungin kung nanliligaw ba sa kanya si Matteo ngayon, mabilis itong sumagot, “No. Wala, wala ng effort."

Dagdag niya, na nagpapahiwatig na ni hindi na sila nakakapag-usap nang madalas, “Pag nag-text siya, minsan, nagrereply ako. Minsan, yung hindi mo lang na-check yung phone mo...”

Bago ng breakup, magkasama pa sina Maja at Matteo sa June 28 victory party ni Maja para sa kanyang pagkakapanalo bilang Best Actress sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, para sa indie film na Thelma.

“Actually, kakaayos lang ulit nun. ‘Cause yung relationship nga, kaya nagdecide na kami…” ngunit bago pa ituloy ay pinigilan ni Maja ang sarili.

“Ayoko na magsalita, okay na yun, tama na yung statement. Baka mapagalitan ako ni Tita Mariole, salita ako nang salita. Ayun. Basta time lang,” wika pa niya.

Ang Tita Mariole na tinutukoy ni Maja ay si Mariole Alberto, head ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na nangangalaga sa kanyang career.

“Oras lang talaga. No big issues,” dagdag pa ni Maja sa naging problema nila ni Matteo, na kasamahan din niya sa Star Magic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIRTHDAY WISH. Dalawang buwan na lamang ay magdiriwang na si Maja ng kanyang 24th birthday.

Ano naman ang mahihiling niya para sa taong ito?

“Birthday wish? Siguro, sana… Nung New Year kasi, naglista ‘ko ng mga plans ko for this year.

“So, nandun na nga yung magcu-culinary class, tapos nandun na nga yung, uhm, sana makapag-out of the country ako, on my own.

“Kasi parang, feeling ko, parang minsan kailangan, ‘di ba? So may mga countries ako na nilagay dun kung saan—nandun yung Bali, nandun yung Paris, Korea.

“Pero, eto na nga, magtatapos na yung taon! August na, pero wala pa ring napupuntahan.

“So, sana bago matapos yung taon, magawa ko yung mga listahan ko ng activities and goals ko for 2012.

“Kasi yung iba na-achieve ko naman, nagawa ko naman na,” wika niya.

Alin sa mga goals sa listahan ang masasabi niyang puwede nang i-cross out?

“Yung magpapayat, ’yan. Tapos, yun, yung mag-Zumba. Uhm, yun, yung mag-yoga.

“Tapos, uhm, lagi ko naman pinagbubutihan yung trabaho ko, pero nakalagay dun, parang nakalagay dun yung improvement pa.”

Kasama rin ba sa listahang ito ang makatanggap ng Best Actress award?

“Uhm, bonus yun. Kasi, biglang dumating na lang. Pinag-pray ko lang yun, oo. Kasi yung mga ganung bagay parang ’pinagdadasal talaga dapat, ‘di ba?

“Kasi parang, bago mo kasi makuha yung award na yun, talagang grabe yung pagdadaanan. So, todo dasal and, ayun, nabigay naman ni Papa Jesus.”

ACHIEVEMENTS. Halos sampung taon na si Maja sa showbiz. Taong 2003 nang magsimula siya sa teleseryeng It Might Be You. Ano pa ang gusto niyang ma-achieve sa puntong ito?

“Ang dami ko pang gustong maachieve, ang dami ko pang hindi nakatrabaho. Si Piolo, Sharon… Ang dami ko pang gustong maka-loveteam. So marami pa. Marami pang…

“Etong, yung, almost ten years na ‘to, umpisa pa lang ‘to. Pa-exciting pa lang nang pa-exciting yearly ang nagaganap sa career ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko Christopher De Leon, daddy ko siya. Sharon Cuneta, ganyan. Never pa. Yan, John Lloyd, Jericho... Sa comedy, Vhong Navarro,” pagbanggit pa ni Maja sa mga nais niyang makapareha.

Naramdaman ba niyang “nag-arrive” na siya dahil sa pagkakapanalo sa Gawad Urian?

“ Siguro hindi ‘arrive.’ Parang panggising ko yun sa sarili ko, na ’Magtiwala ka na sa sarili mo. Ayan na o, binigyan ka na ng award. Magtiwala ka na sa sarili mo.’

“Pero kinakalimutan ko yung award na yun. Kasi nape-pressure ako.

“Hindi naman sobrang kalimot. Yung nandun na siya sa bahay lang. Nahiga ako, pagkagising ko makikita ko lahat ng awards and trophies,” kwento pa niyang nakangiti.

Ilan pa sa mga awards na napanalunan ni Maja ay ang Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Most Promising Female Star, PMPC Star Awards for Movies New Movie Actress of the Year at ENPRESS Golden Screen Award’s Best Performance by an Actress para sa pelikulang Sukob.

Sa kabila ng mga parangal na natanggap, ibinahagi ni Maja na hanggang ngayon ay kulang pa rin siya sa tiwala sa sarili.

“Kaya nga…yun nga, kaya nga sinabi ko na nung nabigyan ako ng award na yun... ‘Best Actress ako!’

“Hindi yung pangyabang, hindi yung panlaban, kundi yung panggising ko sa sarili ko na…yun nga, lahat ng ginagawa ko, feeling ko, first time. Hindi ako sigurado.

“Yung parang minsan, nakakahiya din sa direktor mo kasi, ’Direk, okay ba talaga? Okay ba talaga, Direk?’

“Yung nakakailang tanong ka na. Yung parang, ’Oo, okay. Ano ka ba?’" pagtukoy ni Maja sa pangungulit sa kanyang mga naging direktor.

Ayon pa kay Maja, ang trato raw niya sa lahat ng proyekto ay parang laging first project, first job.

“Oo. Kasi, kailangan natin yun, e. Yung kabahan ka sa gagawin mo. Tanungin mo yung sarili mo.

“Kasi kung masyado ka namang kampante o sobrang confident ka naman, baka mawaley din. Baka mawala din yung mga iniexpect sa ‘yo ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Always, pag may gagawin akong project, I’m always asking my director, or kung sinuman, na okay ba yung ginawa ko.

“’Tama ba? Tama ba...tama ba yung ginagawa ko sa role ko?’ So yun.

“Tapos hanggang sa nung nanalo lang ako ng Gawad Urian, yun yung parang sinasabi na, ’Gumising ka na. Trust yourself. Believe in yourself.’

“Pero ako yung parang, ’Ang tigas ng ulo mo, bakit di ka naniniwala sa amin?’"

Ipinaliwanag ni Maja kung bakit niya nararamdaman ang ganitong insecurities.

“Feeling ko kasi, ang dami ko pang hindi alam sa showbiz, sa pag-arte, at sa mundo kung nasaan man ako.

“And parang, parang mahirap. Parang dati, parang hindi ko pa ina-accept na, yun nga, na magaling ako…na kahit papa’no, ang dami ko nang na-achieve bilang artista.

“Kahit papa’no, may mga projects na ‘ko na parang, okay, nag-click naman.

“So, parang, hindi naman sa humble ka, pero parang in denial pa ‘ko na nandito na talaga ’ko sa industriyang ito,” wika pa ni Maja, na miyembro ng malaking Salvador clan sa showbiz.

Patuloy naman daw siyang natututo sa tulong na rin ng mga kapwa artista.

“Basta yung mga tao na nakakatrabaho ko, marami akong natututunan sa kanila...bilang artista. Paano alagaan yung image mo bilang artista.

“Kasi dapat package lahat, e. Hindi lang yung basta magaling ka.

“Okay, sige, magaling ka. May problema naman…if you have guesting, may problema sa makeup mo, sa clothes mo. Parang dapat talaga package, di ba?" sabi pa ni Maja.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN