Actor-politician Alfred Vargas says Secretary Jesse Robredo was his "idol"; Nepal news website carries erroneous reports about plane crash

Pahayag ng aktor at QC councilor na si Alfred Vargas (kanan) tungkol kay yumaong DILG Secretary Jesse Robredo (kaliwa): “Isa si Secretary Jesse Robredo sa mga idol ko pagdating sa public service. He is considered to be one of the best mayors in our history. Yung mga magagandang mga nagawa niya, kasama sa discussion namin palagi sa class ko sa UP as the perfect example for good governance."


Isa si Quezon City Councilor Alfred Vargas sa mga showbiz personality na nalungkot sa sinapit ni Department of Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Bumagsak ang pribadong eroplano—isang four-seat, twin-engine Piper Seneca—na kinalulunanan ni Secretary Robredo, isang aide nito, at dalawang piloto, sa karagatan ng Masbate noong Sabado, August 18.

Nasawi si Secretary Robredo at ang mga pilotong si Captain Jessup Bahinting at ang Nepalese na si Kshitiz Chand, samantalang nakaligtas ang aide ni Robredo na si P/Senior Insp. Jun Abrazado.

Natagpuan ang mga labi ni Secretary Robredo noong Martes, August 21—o tatlong araw matapos mangyari ang sakuna.

ALFRED’S STATEMENT. Nagkaroon si Alfred Vargas ng pagkakataong makilala nang personal si Secretary Robredo, kaya sa pamamagitan ng isang official statement, ipinahayag niya ang saloobin tungkol sa maagang pagpanawa ng DILG Secretary.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Alfred na ipinadala niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon:

“Isa si Secretary Jesse Robredo sa mga idol ko pagdating sa public service. He is considered to be one of the best mayors in our history.

“Yung mga magagandang mga nagawa niya, kasama sa discussion namin palagi sa class ko sa UP as the perfect example for good governance.

“It is this country’s misfortune for something like the plane crash to happen.

“May Secretary Robredo forever inspire more leaders to do their best in serving the country.

“My prayers for the entire Robredo family.”

THE BODY OF THE NEPALESE PILOT. Sa kaugnay na balita ng pagkamatay ni Secretary Robredo, hindi pa rin itinutuwid ng website na nepalnews.com ang mga maling impormasyon tungkol sa plane crash na nangyari sa karagatan ng Masbate noong Sabado, August 18.

Ang nepalnews.com ang online website sa Nepal na may slogan na “News from Nepal As It Happens.”

Headline sa nepalnews.com ang aksidente na nangyari kay Secretary Robredo dahil kasama sa trahedya ang young Nepalese pilot na si Kshitiz Chand, ang co-pilot ni Captain Jessup Bahinting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma ng kapatid ni Captain Bahinting kagabi, August 22, na ang bangkay ng Pilipinong piloto ang nakuha ng mga diver mula sa plane wreckage.

At press time ay hindi pa nakukuha ang labi ni Chand.

Pero iba ang headline news ng nepalnews.com kahapon na may pamagat na: “Philippine Plane Crash: Dead body of Pilot Chand Found.”

Narito ang kabuuang report ng nepalnews.com na naka-post sa kanilang website:


"The dead body of co-pilot Kshitiz Chand of Nepal, who had been missing since the crash of his plane in Philippines Saturday evening, has been recovered.


"His body was found in the cockpit along with captain Jessup Bahinting. Likewise, the search officials also recovered the dead body of Interior Secretary of Philippines Jesse Robredo.

“According to Nagarik Daily, the plane crash took place minutes after Chand, 22, sent a SMS to his father Tek Bahadur Chand on the Father’s Day.”


MISLEADING NEWS. Marami ang nagtaka sa balita ng nepalnews.com dahil mali-mali rin ang mga impormasyon na una nilang inilabas noong Lunes, August 20.

Ayon sa report, ang eroplano na nag-crash ay may “34 passengers” at bumagsak sa “Manila Bay.”

Ngunit ang totoo, ang eroplanong bumagsak ay isang four-seat, twin-engine Piper Seneca.

Bumagsak ang eroplano sa karagatan ng Masbate; hindi sa Manila Bay.

Narito ang report ng nepalnews.com, ayon pa rin sa naka-post sa kanilang website:

“Kshitiz Chand of Nepal, who was the co-pilot in the ill-fated passenger plane that crashed in Philippines Saturday night, was been missing along with secretary of the Philippines’s Interior Ministry Josse Robredo and plane’s caption and airlines CEO Jessup Bahinting.


“Search for the missing people have been going on since the crash but media reports suggested that chances of finding them alive were almost none. Personal details of co-pilot Chand were not immediately available.The passenger plane, trailing smoke from its left engine, plunged into Manila Bay and broke in two shortly after taking off from the Philippine capital, killing at least 14 of 34 people aboard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“Sixteen people were rescued while four remained unaccounted for as navy frogmen dived into waters around 11 metres (six fathoms) deep for others believed trapped in their seats in the plane, reports said quoting Philippines government officials.


“Amateur video footage showed a trail of smoke from the left engine on the high-winged Fokker 27 plane just before it crashed into the bay, after taking off from Manila for the gambling centre of Laoag, 400 km (250 miles) north of the capital.


“The plane crashed about one km (half a mile) from shore three minutes after take-off from Manila on a one-hour flight to Laoag, the Air Transport Office said.


“Several of the dead were children, including an 11-year-old boy whose body was found still bound to his seat. The plane carried 29 passengers and five crew.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN