Matteo Guidicelli laughs off question about his lovelife: “Alam ko na ‘yan! Okay naman, masaya.”

Matteo Guidicelli says shuttling from one activity to another is just a matter of time management. In his case, he is able to engage in the sports he loves and, at the same time, meet his showbiz commitments.


Bago pumasok ng showbiz si Matteo Guidicelli ay kilala na siya sa mundo ng car racing.

Kaya naman hindi na nakapagtataka na mahilig talaga sa sports ang Filipino-Italian actor mula sa Cebu.

Sa ngayon ay nakakahiligan ng Kapamilya actor ang triathlon at duathlon, na sumusubok sa stamina ng mga atletang lumalahok dito.

Two weeks ago nga ay kagagaling lang niya sa Ironman event sa Cebu.

Paano niya pinaghahati-hati ang oras between sports and showbiz?

“Time management lang talaga. May show kami, pero time management lang talaga.

"Mahal ko ‘tong sport, e," sagot ni Matteo nang makapanayam siya ng Ang Latest sa isang duathlon event sa Sta. Rosa, Laguna, noong Linggo, August 19.

Ibang klaseng kaligayahan din daw ang ibinibigay sa kanya ng pagiging aktibo sa sports.

“Masarap, e, fitness. You get to mingle with nice and good people and you get fit and healthy," sabi ni Matteo.

Goal ba niyang manalo sa mga ganitong klaseng event?

“Hindi naman. Pero you got to test your physical ability.

“Pero at the same time, you want to do your best—but basically for fun lang.”


TELESERYE AND INDIE MOVIE. Ano ang mga proyektong pinagkakabalahan ni Matteo ngayon?

“Mga ganito [fun run]. I’m also doing a soap and a movie.

“Isang indie movie tapos pagkatapos noon, may soap ako, PHR [Precious Heart Romances].

"So I’m just juggling everything around."

Ang tinutukoy ng Kapamilya actor ay ang afternoon soap na Isla, kunsaan makakasama niya sina Jessy Mendiola, Jewel Mische, at Matt Evans.

Excited ang actor-singer dahil ang istorya raw nito ay “new thing” para sa kanya.

“Ang role ko dun is isang businessman. Tapos, basically, na-stranded kami sa isang isla.

“Alam mo yung pelikulang Blue Lagoon? Parang ganyan.

“Nag-start na kami ng taping, pero mga October pa siya ilalabas.”

Halatang excited naman si Matteo sa kanyang gagawing indie movie, dahil "first time" daw niyang gagawa ng ganitong klaseng proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Wala, gusto ko talaga mag indie, e. Gusto ko talaga since dati pa…

“And maraming salamat sa kanila, sa blessing na ito at natuloy, so I’m very, very happy.”

Pagmamalaki niya pa sa role, “It’s about an Italian priest, pari ako dun, e.

“Isang pari... it connects with my Italian culture dahil Italyano ako dun, and I’ll be playing an Italian character, so masarap… sarap.

“I’m very,very excited… maraming fight scenes... arnis.

“Next week mag-start shooting na kami.”


Dahil pari ang role niya, wala siyang leading lady.

“It’s basically about an orphanage—mga orphans, kids, Christianity… mga ganun.”

BREAKUP. Pagdating naman sa lovelife, todo-iwas si Matteo na sagutin ang tungkol sa hiwalayan nila ni Maja Salvador.

Sabi lang niya, “Alam ko na ‘yan. Hahaha! Okay naman, masaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN