Brillante Mendoza’s Thy Womb will compete in Venice and Toronto filmfests; Cannes-winning director accepts MMFF rejection

“Kasi maghintay ka lang… naghintay nga ako ng... linggo nga lang, e. ‘Tas dumating ang Venice, ‘tas dumating ang Toronto, ang daming nagkasunud-sunod,” sabi ni Direk Brillante Mendoza sa naging kapalit ng hindi pagkakapili ng Thy Womb sa Metro Manila Film Festival 2012.


Sa isang pambihirang pagkakataon ay nakatrabaho ng Top 15 contestants ng Protégé ang Diamond Star na si Maricel Soriano, ang Palanca-awardee na si Floy Quintos, at ang Cannes-winning director na si Brillante Mendoza.

Ito ay para sa “short films” na magiging basehan kung sino sa natitirang protégés ang susunod na mae-eliminate sa Linggo, Agosto 26.

Nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, Agosto 23, ang ilang eksenang kinunan ni Direk Brillante sa Project 6, Quezon City.

Dito nakaeksena ng protégés si Maricel.

Bago kunan ang kanilang mga eksena ay nagbigay muna ng pointers si Direk Brillante sa protégés.

Ang mapapalad na protégés na nagpatuloy ngayong linggo ay sina Japs de Luna, Reese Tayag, Shelly Hipolito, Zandra Summer, Bryan Benedict, Mikoy Morales, Vien Alen King, Andres Vasquez, Elle Ramirez, Arny Ross, Jeric Gonzales, Thea Tolentino, Ruru Madrid, David, John Llanas, at Steffi Pacheco.


THY WOMB. Bago sinimulan ang taping ay nagpaunlak ng maikling interview si Direk Brillante sa bumisitang press, kabilang na ang PEP.

Ibinahagi ni Direk Brillante ang kanyang saloobin sa hindi pagkakasama ng kanyang pelikulang Thy Womb sa Metro Manila Film Festival 2012.

Ang pelikula ay pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor; kasama sina Lovi Poe, Bembol Roco, at Mercedes Cabral.

Sabi ng direktor, “E, ano ‘yon, sa akin kasi, kapag may mga ganung sitwasyon na nangyayari sa buhay ko, hindi ko ‘yon tinitingnan na negatibo.

“Kasi maghintay ka lang… naghintay nga ako ng... linggo nga lang, e.

"‘Tas dumating ang Venice, ‘tas dumating ang Toronto... ang daming nagkasunud-sunod.”

Ang tinutukoy niya ay ang imbitasyong nakuha ng Thy Womb upang makipagkumpitensiya sa Venice at Toronto international film festivals.

Maaari raw kasing “hindi nag-qualify” ang pelikula ni Direk Brillante sa mga guidelines ng MMFF committee upang mapasama ito sa taunang film festival.

Nakatakdang umalis si Direk Brillante sa Setyembre 5—kasama sina Nora, Lovi, at Mercedes—papuntang Italy upang um-attend sa opening ng Venice International Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CAPTIVE. Hindi man nakapasok sa MMFF ang Thy Womb, ipapalabas naman sa bansa ngayong Setyembre ang isa pa niyang idinirek na pelikula—ang Captive.

Bago raw maipalabas sa Pilipinas ay nagkaroon na ito ng screening sa iba’t ibang bansa; tulad ng Switzerland, Japan, Portugal, Brazil, Italy, at Spain.

Hindi raw masabi ni Direk Brillante na independent film ang Captive dahil na rin sa malalaking artista na kasama sa cast.

“Hindi siya indie. In a way [yes], kasi it was shot by an independent studio, but in a way po, malaking pelikula siya kasi maraming mga artistang involved.

"Ang pinakabida dito si Isabelle Huppert, nasa France siya.

“Sa Filipino actors, we have Sid Lucero, we have Angel Aquino, we have Raymond Bagatsing, we have Mercedes Cabral, Isabel Lopez, Madz Nicolas... ang dami-dami pa...sila Coco Martin.

“Of course, Isabelle Huppert, the most important, the most expensive actor in Europe.”

Ang Captive ay hango sa kuwento ng kidnapping incident sa Dos Palmas noong 2001.

Labing-pitong katao ang dinukot ng Abu Sayyaf doon, kabilang na ang mag-asawang dayuhan na sina Martin at Gracia Burnham.

Bagamat nakaligtas si Gracia ay nasawi naman si Martin.

Ang premiere ng Captive ay gaganapin sa Setyembre 2 sa SM Pampanga; ang gala premier naman ay sa Setyembre 3 sa Greenbelt, Ayala, Makati City.

Ang nationwide showing ng Captive ay sa Setyembre 5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN