Ogie Alcasid on love scene with Eugene Domingo in I Do Bidoo Bidoo: "Hindi ko napaghandaan yung body exposure!"

Regalo na raw ni Ogie Alcasid ang pagpapalabas ng pelikula niyang I Do Bidoo Bidoo para sa kanyang kaarawan. Pagmamalaki niya, "You know what, it’s a very good film, storywise. At the same time, it’s very entertaining. Ano siya… ipagyayabang mo, ipagyayabang mo."


Magandang regalo para kay Ogie Alcasid ang pelikula niyang I Do Bidoo Bidoo sa ilalim ng Unitel Productions at Studio 5.

Dalawang araw kasi bago ang showing nito sa Agosto 29 ay ipagdiriwang ng actor-singer ang kanyang ika-45 na kaarawan.

Sabi ni Ogie, “Masaya ako kasi birthday ko, August 27. So, it’s very, very exciting.

“Halos lahat naman ng nakikita ko sa Twitter at Facebook ay very excited sila para sa movie.

“Ako naman, kumbaga, regalo niyo na lang din para sa birthday ko and hindi rin naman ako mapapahiya sa movie namin.

“You know what, it’s a very good film, storywise. At the same time, it’s very entertaining.

“Ano siya… ipagyayabang mo, ipagyayabang mo.

“It wasn’t easy to shoot, but we were able to finish it in time for August 29.

“So, I’m very excited.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa press screening ng I Do Bidoo Bidoo kahapon, Agosto 22, sa Ultra 7 Cinema ng Eastwood Mall.

Bukod kay Ogie, dumalo rin sa screening si Tippy Dos Santos, na introducing sa pelikula.

Present din ang direktor nito na si Chris Martinez; at ang staff ng Unitel Productions, sa pangunguna ng producer na si Madonna Tarrayo.

Kabilang din sa cast ng I Do Bidoo Bidoo sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Sam Concepcion, at Eugene Domingo.

LOVE SCENE WITH UGE. Maituturing din ni Ogie na “pasabog” para sa kanyang birthday ang ginawa niyang love scene sa pelikula kasama si Eugene, na gumaganap na asawa niya.

Sa press screening nga ay isa ito sa mga eksenang pinalakpakan ng mga nanood na press dahil sa maganda nitong execution na nagdulot ng kakaibang aliw.

Sabi ni Ogie, “Natuwa naman ako at nagustuhan niyo yung love scene namin ni Uge.

“Kasi talagang iniisip ko iyan kung magugustuhan ba ng mga tao, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi naman, hindi ko napaghandaan yung body exposure!

“Sana man lang napaghandaan ko man lang ng one year, nakapag-workout sana ako, di ba?” natatawang sabi niya.

Pero patuloy ng singer-actor, “But yun nga, it was well-executed sa guidance ni Direk Chris and, of course, napaka-professional din na kaeksena ni Uge.

“Nagiging nakakatawa lang kasi kami ni Uge, feel na feel namin. Parang kunwari walang mga tao.

“Pero yung mga cameramen noon, tawa nang tawa.

"Hindi na lang namin pinakikinggan para hindi kami maapektuhan sa pagtawa.”

Mahirap daw ang eksenang yun dahil bukod sa ilang beses kinunan ay kailangan pa nilang kumanta ni Uge.

“Mahirap kasi pati yung timing, e. Mahirap saluhin yung music habang nagla-love scene kami doon.”

Nasabihan ba ni Ogie ang misis niya sa tunay na buhay na si Regine Velasquez tungkol sa naturang love scene, lalo na’t manonood ito sa premiere night ng I Do Bidoo Bidoo?

“Medyo naman. Kaya lang, I’m sure maloloka rin yun,” sagot niya.

Ano ang reaksiyon ni Ogie sa bagong title na ibibigay daw sa kanya ngayon bilang “Bukol King"?

“I accept!” biro ni Ogie tapos ay tumawa nang malakas.

BIRTHDAY PLANS. Ano naman ang mga plano niya para sa kanyang kaarawan sa August 27, Lunes?

“Well, I have a celebration sa Party Pilipinas.

“I think our episode on Sunday [August 26] is called ’OA,’ if I’m not mistaken. Initials ko yun.

“Sa gabi, may dinner ako with my family, the Alcasids, and my wife’s family, the Velasquezes, sa restaurant namin.

“Tapos sa Monday, I have a golf tournament, yung Kuwarenta’y Singko Na, Kakasa Pa!

“It’s fundraising event sa Capitol Hills Golf and Country Club [sa Quezon City].

“Tapos sa gabi, meron kaming party doon sa clubhouse.

“Lahat ng proceeds ng kikitain namin doon, ibibigay namin sa victims ng typhoon [habagat].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang birthday wish niya?

“Well, I’m 45, so sana good health for me, for my family, for my parents, for my in-laws, for my children… lahat ng malalapit sa akin.

“So, okay na okay kami so far. Sana tuluy-tuloy lang. Yun lang.”

May regalo na ba si Regine sa kanya?

“Wala yata, e,” biro ni Ogie.

“Meron naman every year. Pero okay na gift na sa akin yung nandiyan siya. Wow!”

Ano ba ang madalas iregalo sa kanya ng asawa?

“Iba-iba. Alam mo naman yun, minsan relo, bag… Kasi mahilig ako sa relo.”

PRAYING FOR ZSA ZSA. Samantala, sa kabila ng kasiyahan dala ng nalalapit niyang kaarawan at showing ng I Do Bidoo Bidoo, hindi naman maiwasang makaramdam ng lungkot ni Ogie dahil sa pagkakasakit ng kaibigang si Zsa Zsa Padilla.

Bago pa raw ang pagkumpirma ni Zsa Zsa ng pagkakaroon nito ng kidney cancer, nauna na raw itong nagpasabi kina Ogie.

“Noong nagsu-shoot kami, medyo sinabihan na niya kami na she has to have some tests.

“So, this was after Tito Dolphy was buried. Siyempre, it’s a shocker.

“But she seemed very strong and, ano siya, ayaw niya siguro yung maaawa kami o maapektuhan. So, she made it light.

“Pero sinabi na nga niya na there’s something there.

“So, nung nagpa-test na siya and it was confirmed na it was stage 1 cancer…

“So siyempre cancer yun, e. It’s not something that you take lightly.

“I texted her, nag-reply naman siya.

“I said na we are praying for her and that ‘you will be victorious over this.’”

Humanga rin daw si Ogie sa pagiging matatag ni Zsa Zsa. Mas inisip pa nga raw nito ang iso-showing nilang pelikula.

“She said, ipagpe-pray niya yung film, yun ang message niya sa akin—ipagpe-pray niya yung success ng film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tingnan mo, yun pa ang inisip niya, ‘no.

“She’s an incredible, remarkable lady,” sabi ni Ogie tungkol sa kaibigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN