Jake Cuenca on his "last" Bench fashion-show appearance: "Expect the unexpected!”

Jake Cuenca will go solo to the Star Magic Ball on September 1: “Siyempre, I don’t want to be unfair to any of my leading ladies. Medyo mahirap, pero ayoko naman na maging unfair to anyone.” Of course, his friend Lovi Poe will be in Japan at that time.


Isa si Jake Cuenca sa mga dumalo sa premiere ng Regal horror movie na Guni-Guni noong Martes, August 21, sa Cinema 9 ng SM Megamall.

Hindi kasama sa cast ng pelikula si Jake, pero naroon siya upang suportahan ang nali-link sa kanyang si Lovi Poe na siyang bida sa Guni-Guni.

Maaga pa lang ay dumating na si Jake sa venue para suportahan ang dalaga.

“Nandito ako to support the movie. Siyempre, Lovi is a very good friend.

“Nakita ko yung trailer ng Guni-Guni, sobrang ganda.

"So, I’m just here to support the movie," pag-ulit ni Jake nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago magsimula ang screening.

Bago raw pumunta si Jake sa premiere night ay nag-tweet pa siya kay Lovi upang sabihin na darating nga siya.

“Yeah, yeah, nag-tweet naman ako kanina,” pagkumpirma ni Jake.

Ikinatuwa naman ni Jake na biglang tinapos ang taping niya sa isang soap ng ABS-CBN kaya wala nang nakahadlang sa kaniyang pagdalo.

“Yeah, na-pack up kami, yung Kung Ako’y Iiwan Mo, today.

"Galing din kami sa taping ng Kahit Puso’y Masugatan kaninang umaga lang.

“Okay naman na, at least, masaya ako na nakarating ako sa premiere night ng Guni-Guni.”

Dalawa ang umeereng teleserye ni Jake sa Kapamilya network ngayon: ang afternoon soap na Kung Ako’y Iiwan Mo at ang primetime series na Kahit Puso’y Masugatan.


LOVI POE. Hindi naman kaila sa karamihan na matagal nang usap-usapan ang magandang pagtitinginan nina Lovi at Jake, kaya nabigyan tuloy ng kulay ang kanyang pagpunta sa premiere night.

Ano ang masasabi ni Jake dito?

“No, I’m just here to support a friend, a really good friend.

“And I’m happy to be here, siyempre.

"Siyempre, medyo matagal ko na siyang hindi nakikita kasi busy sa taping ng soap opera.

“So, I’m excited to be here, and I want to see the movie as well.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin naman ni Jake na naipakilala na niya si Lovi sa kanyang mga magulang, pero "informal meeting" lang daw yun.

Kuwento ng young actor, “Yeah, nakilala na siya ng parents ko. Yeah, informal meeting… at least, nakilala na siya. It was good.

"Siyempre, my parents are excited to meet her as well, kasi nanood sila ng My Neighbor’s Wife.

“It was a long time ago, excited sila na nakilala nila si Lovi.”

Ang My Neighbor’s Wife ang pinagtambalang pelikula nina Jake at Lovi noong isang taon. Dito pinaniniwalaang nagkalapit ng loob ang dalawa.

Habang kinakausap ng PEP si Jake, nasa VIP area naman sa backstage ng Cinema 9 si Lovi.

Nagpahatid na lang ng mensahe si Jake para sa aktres:

“Congratulations, Lovi and your movie! And I’m proud of you and I wish you more success.

“I wish you all the best in this movie—trailer pa lang, sobrang ganda na.

“Walang kaduda-duda na magiging blockbuster ’tong pelikulang ito and baka manalo ka pa ng award ulit, so congratulations, Lovi.’”


THE REAL SCORE. Inusisa rin ng PEP kay Jake ang totoong estado ng relasyon nila ni Lovi, at kung bakit tila hindi niya na itinuloy ang panunuyo sa anak ni Fernando Poe Jr.

Sabi niya, “Uhm…siguro oras, di ba? I mean, hindi birong gumawa ng dalawang teleserye nang sabay-sabay.

“Pero, she’s a good friend and I want to keep her as a friend—and she’s very special to me.

“And I wanna keep it that way.

“We’re really good friends and proud ako dun sa aspetong yun, and sana magkatrabaho kami very soon.”


SINGLE JAKE. Sa ngayon daw ay hindi naman nagmamadali si Jake na makahanap ng karelasyon.

Aniya, “I’ve been single for, like, a year. Isang taon na.

"Timely lang siguro kasi di ko rin… Mahirap ring i-fullfil yung schedule na maraming bagay na nasa utak mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Timely lang, di ba?

"Ako, nagpapasalamat na rin ako dahil sa estado ko ngayon. My shows are doing well.

"Pero hindi ko rin bina-block na magkaroon ng relationship with anyone.

“Kasi, siyempre, masarap naman talaga magka-girlfriend, e. But sana in the near future mangyayari yun.”


GOING SOLO. Sa Setyembre 1 na gaganapin ang ika-anim na Star Magic Ball.

Ang event na ito ay ang glamoroso at pormal na taunang pagtitipon ng Star Magic talents at mga artista ng ABS-CBN.

Kinukunsidera ba ni Jake na imbitahin muli si Lovi, gaya noong isang taon, para maging ka-date niya sa red-carpet event?

“Yeah, pero aalis ‘ata siya, e. She’s going to Japan.

"It would have been good to bring Lovi to the ball.

“Wala, e, ganun, busy. And naintindihan ko naman yun—work comes first.”

So, sino ang makaka-date niya sa Star Magic Ball 2012?

Sagot ni Jake, “I’m going solo this year.

"Siyempre, I don’t want to be unfair to any of my leading ladies.

“Medyo mahirap, pero ayoko naman na maging unfair to anyone.

“I think this year, I’m gonna ride solo.

“But then, looking forward to seeing all my friends, my co-workers—masaya na lang."

EXPECT THE UNEXPECTED. Pagkatapos ng Star Magic Ball, may isa pang event ang inaabangan ng marami.

Ito ang pagrampa ng celebrities sa Bench Universe 2012, ang 25th anniversary underwear-and-denim fashion show ng Bench.

Kilala si Jake sa pagiging daring at sexy sa pagrampa tuwing Bench fashion show.

Anong eksena naman ang kanyang gagawin this year?

“Let’s see. Kasi this might be my last.

"Siyempre, ilang beses ko na nagawa and, di ba, parang ayaw ko namang magsawa ang tao sa akin.

“So this might be my last, so I want to ramp with a big bang!

"Antayin ninyo na lang September 13 and 14.”

May ipapakita kaya siyang “kakaiba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niyang natatawa: “Tingnan ninyo na lang. I want to consider that this will be my last one, so expect the unexpected!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN