John Lloyd Cruz admires Maja Salvador’s "toughness," says their handler Nenette Roxas

Maja says that one of the most difficult scenes she has done for the movies was her kissing scence with John Lloyd in 2007’s One More Chance. "Yung magpretend na sobrang in love ka kay John Lloyd Cruz! E sobrang close kami nun na…talagang, kasi magkapatid kami e, same handler kami e, tawag ko sa kanya ‘tatay’ e."


Sa kabila ng paghihiwalay nila kamakailan ni Matteo Guidicelli, itinuturing ni Maja Salvador ang 2012 bilang isang magandang taon para sa kanya.

“Actually, 2011 to 2012, maganda sa akin. Kasi, yung mga projects na dumating, ‘di ba? Yung mga Impostor, yung Minsan Lang Kita Iibigin, yung mga shows abroad.

“Wag na natin, wag na natin… Bonus na lang yung nangyari last year sa Star Magic Ball.

“Wag na nating isipin na negative. So sabihin na lang nating bonus na lang yun.”

Ang tinutukoy ni Maja ay ang pag-aaway nitong nakaraang taon ng dating karelasyong si Matteo Guidicelli at ka-loveteam na si Coco Martin sa Star Magic ball.

(CLICK HERE to read that article)

Dagdag pa ni Maja, “Kasi, ang life kailangan maging balanced e. Siguro sabi ni God, masyado naman masaya ito.

“Bigyan natin ng konting spice ang life niya. So, yun. And ngayon, 2012, ang ganda! Maganda lahat. Balanced lang.

“And now parang, okay, projects, endorsements, movies…

“Syempre, sasabihin kong malaking taon sa ‘kin ang 2012, kasi para sabihan akong Best Actress ng Gawad Urian!”

Natanggap ni Maja ang kauna-unahan niyang Best Actress Award, mula pa sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, nito lamang June 13, para sa sa indie film na Thelma.

Ayon kay Maja, hindi niya ito inaasahan dahil naging katunggali niya sa kategorya ng Best Actress ang mga bigating aktres na tulad nina Cherie Pie Picache, Eugene Domingo, at Alessandra De Rossi.

Matapos daw ang pagkapanalo niya ay umuwi si Maja sa bahay at nag-celebrate kasama ang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

“Tapos nagluto kami, kumain kami, nag-celebrate kami kung anuman yung mga pagkain na nandun sa bahay.

“Yun, nag-mini ano kami, nag-celebrate kami. May konting selebrasyon agad. Kasi, walang nag-expect talaga sa ‘min.”

CHALLENGING PROJECTS. Ayon kay Maja, ang pagkapanalo niyang ito bilang Best Actress ang nagsilbing “panggising” niya na magkaroon na ng tiwala sa sarili. (CLICK HERE to read related article)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit niya ito sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya, sa gitna ng isang studio shoot sa Bgy. Kapitolyo, Pasig City, para sa advertorial ng Coby Kyros Internet Tablet.

Ibinahagi ni Maja ang mga pinagdaanan niya sa kanyang maikling career. Ang namayapang direktor na si Gilbert Perez daw ang unang nakapagpaiyak kay Maja.

Ito ay sa shooting ng teleseryeng It Might Be You (2003), na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

“Kay Manong ako umiyak. Kay Direk Manong Gilbert. Kasi, dati ‘di ba uso ang ano…

“‘Di ba dati, John Prats and Heart Evangelista? E, super crush ko si John. Tapos bigla niya ‘kong naging loveteam.

“Tapos ang eksena, breakdown, e kailangan kong umiyak. So s’yempre, pag kaharap mo crush mo, gusto mo maganda ka.

“Inuuna ko kasi yun nun e. So yung iyak ko, yung pa-cute lang, ganyan.

“E, breakdown, kasi namatay yung ano… Babá si Manong. ‘Iyak, iyak!’ Hanggang sa napapahiya na ’ko sa harapan nung crush ko.

“So yun yung motivation ko, napahiya ako kay John. Tapos todo iyak ako.

“Pero masasabi ko na si Manong yung isa sa gumising sa ‘kin na ’Kaya mong maging artista.’ Yung nagsabi na ’Mahalin mo yung trabaho mo.’

“Kasi nung nag-uumpisa talaga ’ko, talagang… ’Okay, artista, sayaw-sayaw, acting-acting...’

“Parang kampante ako, ka-loveteam ko si John Prats. Pero hindi pala yun yun, hindi pala ganung kadali maging artista.”

Pagkatapos ng It Might Be You, nagkaroon muli ng pagkakataon si Maja na makatrabaho ang isa pang bigating direktor.

“And then, yung sumunod di ba, drama? Hanggang sa alam ko na, drama.

“Yung sumunod naman, horror. Kasi after It Might Be You, Spirits. Nagbida na agad, Chito Roño pa.

“So yun yung pinaka, yung pag sisigaw na si Direk, parang hindi mo na alam, katapusan na ng mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First time ko yung, ‘Cut! Ano ba ’yang acting mo? Hindi ’to commercial, wag-OA!’"

Pero paglalahad ni Maja, ipinagpapasalamat niya tuwing napupuna ng mga direktor ang pag-arte niya.

“Alam mo, masaya pag naa-award ka ng mga direktor, ha. Kasi dun mo masasabi na, ’S--t, concerned sila sa ‘kin.’

“Gusto nila ’kong maging ano, magaling na artista, yung gusto nilang maging maganda yung performance.

“Ganun. Hindi ko ginagawang negative, hindi ko iniisip.”

Ikinuwento rin ni Maja na kinabahan siya nang husto habang ginagawa ang pelikulang One More Chance (2007), na isa ring John Lloyd-Bea starrer.

Pagbabahagi niya, “First time to do a mature role, na maging girlfriend ni John Lloyd.

“And yun, ang dami kong tanong noon kay Direk Cathy. Tapos sinasabi niya, ‘Anak, very good, very good!’

“Tapos si John Lloyd, ‘Ganun, very good? Kami ni Bea nakakailang shooting na kami, wala man lang kaming naririnig na very good. Tapos si Maja, may very good?’

“S’yempre, Bea-John Lloyd, sobrang kilala sila na… Tsaka iba sila magdala ng characters nila.

“Iba sila magportray ng characters nila. And for me, na makasali sa pelikula nila dati, sobrang pressure at challenge sa ‘kin yun.

“So, yun, natuwa naman ako na may nakakaalala pa rin sa ginawa ko dun sa One More Chance na yun.

“Pero masyado lang talagang baby yung face [ko]. Pero mas marami naman akong naririnig na sila daw yung character ko dun. Marami daw naka-relate.”

Ano ba ang itinuturing niyang pinaka-challenging sa role niya dun sa pelikula?

“Yung mag-pretend na sobrang in love ka kay John Lloyd Cruz! E sobrang close kami nun na…talagang, kasi magkapatid kami e, same handler kami e, tawag ko sa kanya ‘tatay’ e.

“Tapos boyfriend ko siya, tapos may kissing scene pa. First time kissing scene on big screen! So yun, hindi ko siya pinapansin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Close sa isa’t-isa sina Maja at John Lloyd dahil iisa ang kanilang handler—ang eleganteng Star Magic manager na si Nenette Roxas.

Pagpapatuloy ni Maja, “Tapos nagsusumbong pa siya kay Nanay Nenette noon na parang, ‘Hindi ako pinapansin ni Maja.’

“Tapos si Nanay Nenette, ‘Hindi mo daw pinapansin yung tatay mo.’

“O, ‘tatay’ di ba? Papansinin ko, magshu-shooting, hahalikan ko? So ganun, grabe yung pressure,” kwento pa ni Maja.

“TOUGH WOMAN.” Pinatunayan ng handler nilang si Nenette Roxas na malapit talaga sina Maja at Lloydie (palayaw ni John Lloyd).

Kuwento ni Nenette, “May pagka-strong siya [Maja], e. Lalo na sa relationship. Kaya niya. Alam mo yun, hindi mo makikita sa kanya na may nangyayari na.

“Yun yung ano sa kanya ni John Lloyd Cruz ah…pananaw sa kanya ni John Lloyd Cruz. E kasi mag-tatay nga sila…

“Kilalang-kilala siya ni Lloydie. [Sabi ni John Lloyd], ‘Ha? Talaga, Tita, wala na sila? Ang galing-galing talaga ni Maja, ‘no?’

“Ganyan siya. ‘Ang galing-galing niyang magdala, bilib talaga ’ko sa kanya,’” kwento pa ni Nenette sa sinabi raw ni Lloydie.

Para naman kay Maja, itinuturing nga niya ang sarili na isang “tough woman” dahil sa murang edad pa lamang daw ay inako na niya ang responsibilidad ng pagtataguyod ng pamilya.

“Kasi para sa ‘kin, yung teenage life ko naman, yung pagiging ano…parang ang dami ko ng pinagdaanan e.

“Kasi, yung buhay ko, parang, yung age ko nung nag-start akong magtrabaho, ’yan yung age na yung iba, nag-aaral. Parang hindi iniisip kung…

“Kasi ako, bata pa lang ako, iniisip ko na, ’Ay, kailangan kong ganito, magtrabaho, kasi may mga kailangang bayaran, may mga responsibilities na kailangang gawin.’

“Parang kahit papa’no, yung mga fourteen, fifteen years old ako, kahit papa’no, ako yung nagte-take charge how to handle yung mga budget sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, syempre, yung mommy ko, siya lang kasi. So bilang panganay niyang anak, ako yung kahit papa’no makakatulong sa kanya,” pag-aalala niya.

Noong 2007 ay binawian ng buhay ang ama ni Maja na si Rosauro Salvador–o mas kilala sa screen name na Ross Rival–dahil sa sakit na prostate cancer. Ngunit sa mas matagal na panahon ay di nakilala ni Maja ang ama.

Dahil sila nga lang ng ina ang magkatuwang para itawid ang buong pamilya, kumilos daw si Maja kahit bata pa ito.

Pero giit ni Maja, hindi daw inimpose sa kanya ng ina ang responsibilidad na ito.

Siya daw mismo ang may gustong maging sandigan ng kanyang pamilya.

Pagpapatuloy ni Maja, “Syempre, bilang breadwinner, di ba? So masasabi ko na parang, yun, yung sa mga nangyari sa buhay ko, hindi sa nagrereklamo o ano…

“Happy ako na nangyari sa ‘kin yun, kasi mas nagiging kumpleto at parang mas nagiging balanced yung buhay ko.

“Parang, magte-twenty four and may mga ganun na ‘kong responsibilities. May mga ganun nang pangyayari sa buhay.

"So masasabi ko na—yes, I am,” may katiyakang sagot ni Maja sa tanong kung siya nga ba ay isang “tough woman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN