Sam Concepcion outranks Channing Tatum and Justin Bieber in Cosmo "stud meter"

Sam Concepcion as object of desire of gays: “Pagdating sa reaksiyon ng gay people, oo naman, wala namang problema sa akin yun. Ang trabaho ko naman talaga, magawa yung mga trabahong ibinibigay sa akin. Mas maraming taong nakaka-appreciate, mas okay, di ba?”


Mas mature at mas daring na Sam Concepcion ang mapapanood sa pelikulang I Do Bidoo Bidoo ng Unitel Productions at Studio 5.

Sa mga nakapanood na ng pelikula sa special screenings nito, bukod sa mahusay niyang pagganap sa role na Rock Polotan, marami ang nakapansing “yummy” daw ni Sam ngayon.

Lalo na raw sa mga eksenang naka-topless siya o di kaya’y naka-sando na kitang-kita ang muscles niya.

Ito ang inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sam sa grand presscon ng I Do Bidoo Bidoo kahapon, Agosto 23, sa Max’s restaurant sa Scout Tuason, Roces Avenue, Quezon City.

Natawa muna si Sam bago siya sumagot.

Aniya, “Well, kasi po nag-start talaga ako, bata talaga, e.

“And hindi talaga madali para sa maraming tao na maalala na, ‘Ay, lumalaki rin pala. Tumatanda rin pala siya.’

“And kung anuman yung nakikita nila ngayong katawan ko, pinaghihirapan ko rin naman po ito. Nagwo-workout po ako lagi.

“I understand naman kung ganun yung nagiging reaksiyon ng mga tao ngayon dahil baka nga iniisip nila na bata pa ako.

“Siguro pag napanood ng mga tao itong I Do Bidoo Bidoo, mare-realize nila na magtu-twenty years old na ako."

Ang birthday ni Sam ay October 17.

“At saka wala pa akong ginagawang role na ganito, e. First role ko ito na young father ako, tapos ikinasal pa ako sa movie.”

Hindi ba siya nako-conscious na ilantad ang katawan niya sa pelikula?

“Hindi naman ako nahihiya kasi kailangan naman sa eksena.

“But siyempre, conscious ako—conscious naman talaga ako sa body ko.

“I’m actively working out.

“Pag hindi ako nakaka-workout o nakakakain nang maayos, iniisip ko, ‘Pumapayat na ba ako?’ Yung ganun.”

ON BEING A “STUD.” Isang patunay na napapansin na ang pagiging “stud” ni Sam ay ang isang feature sa Cosmopolitan August 2012 issue.

Ito ang Cosmo Stud Meter tungkol sa “guys getting sexier,” kung saan naungusan pa ni Sam ang Hollywood actor na si Channing Tatum, ang football player na si Phil Younghusband, at ang pop star na si Justin Bieber.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Sam tungkol dito, “Nagulat nga ako nung makita ko yung sarili ko sa Cosmo. Hindi ko alam.

“Ang sabi lang sa akin, ‘Uy, nasa Cosmo ka.’

“Tapos ipinakita sa akin, sabi ko, ‘Oo nga, ‘no!’

“Ano pa yun, Stud Meter, tapos nandun si Channing Tatum, tapos Sam Concepcion.

“Sabi ko, ‘Talaga lang, ha!’ Nagulat talaga ako, pero siyempre flattered, di ba?”

So, makikita na ba siyang rarampa sa Cosmo Bachelor Bash sa mga susunod na taon?

“Siguro slowly, darating din tayo diyan,” sagot ng young actor-singer.

Dahil sa kanyang “stud status” ngayon, okay lang ba sa kanya na pagpantasyahan hindi lang ng mga kababaihan kundi pati ng mga homosexual?

“Lalo na after nilang mapanood yung movie,” sambit ni Sam.

“Hindi ko pa lang puwedeng sabihin pero may big reveal kasi sa movie na dapat nilang abangan.

“Pagdating sa reaksiyon ng gay people, oo naman, wala namang problema sa akin yun.

“Ang trabaho ko naman talaga, magawa yung mga trabahong ibinibigay sa akin.

“Mas maraming taong nakaka-appreciate, mas okay, di ba?”

BIGGEST BREAK IN MOVIES. Excited na si Sam sa nalalapit na showing ng I Do Bidoo Bidoo sa Agosto 29, lalo na nga’t ito ang itinuturing na biggest break niya sa pelikula.

“Grabe, sobrang excited na ako, sobrang ninenerbiyos na ako!

“Eto na yun talaga, e, malapit na ang premiere night at showing.

“Ito talaga yung first na sobrang na-overwhelm ako sa mga pangyayari.

“Nung tinanggap ko yung role, I was blown away na.

“Direk Chris [Martinez] is directing. I’m working with the veterans in the industry—Sir Gary [Valenciano], Sir Ogie [Alcasid], Ms. Zsa Zsa [Padilla], and Ms. Eugene [Domingo].

“Tapo, Apo Hiking Society pa yung songs na ginamit sa movie.

“Doon pa lang, sinabi ko sa sarili ko, kailangan ko talagang paghandaan ito.

“This is a make-or-break kasi ang ganda nung materyal, sobrang solid yung script, solid yung music.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin niya ba, ang pelikulang ito ang mas magpapalaki sa pangalan niya bilang artista?

“Sana nga, I’m also hoping.

“Kasi for some people out there, pag tinanong mo, ‘Kilala mo ba si Sam Concepcion?’

“’A, si Sam Concepcion, yung singer. A, si Sam Concepcion, yung sumasayaw.’ O kaya ‘Si Sam Concepcion, yung actor.’

“Parang iba-iba, e.

“But siguro, I guess when they see this movie, mas makikilala nila kung sino si Sam Concepcion.

“Kasi pinagsama lahat dito, e—yung pagiging singer ko, dancer ko, at pagiging actor ko.

“That’s why very special sa akin ang movie na ito.

“Pero, you know, ang goal ko talaga with this project is to be able to deliver.

“I want to prove to myself and to everybody na hindi sila nagkamali sa pagkuha nila sa akin. Not everyone gets this kind of opportunity.

“So, what really drove me and what really pushed me, the driving force for me in this movie is gusto ko talagang… I want to live up to the expectations nila sa akin."

WORKING WITH HIS IDOLS. Aminado naman si Sam na hindi niya inisip na sabay-sabay niyang makakatrabaho sa iisang pelikula ang kanyang mga idolong sina Gary, Ogie, Zsa Zsa, at Eugene.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho sa kanyang mga idolo?

Sagot ni Sam, “It’s really nothing like I’ve ever worked in before.

“Kumbaga, ito yung biggest project I had, tapos I’m working with my idols pa.

“Parents ko pa sa movie sina Sir Ogie at Ms. Eugene, they just had blockbuster movies recently, di ba—Boy Pick-Up and Kimmy Dora?

Bilang mga magulang niya sa pelikula at madalas na kaeksena sina Ogie at Uge, ano ang mga natutunan niya sa mga ito na makakatulong sa kanya bilang artista?

“Ang dami talaga.

“Una siyempre, they’re better known as comedians, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila pa yung lagi kong kaeksena, so just by watching them, feeling the scene… the best way kasi to learn is to observe.

"And pag ino-observe mo sila, iba talaga, and kaya nila kahit anong scene ang ibigay mo sa kanila.

“Nakaka-impress talaga.”

Hindi ba siya na-intimidate na makaeksena ang mga ito?

“Definitely, nakaka-intimidate noong una. Naku, nakakatawa sila, kailangan nakakatawa rin ako.

“Pero sina Sir Ogie, Ms. Eugene, Sir Gary, and Ms. Zsa Zsa—they’re so nurturing, so supportive.

“Kasi sa una, maiisip ko medyo mai-intimidate ako, kailangan ko talagang galingan.

“Pero, hindi nila pinaramdam na dapat ma-intimidate ako. Sobrang naging comfortable ako.”

ASSESSING HIS CAREER. Kung ia-assess niya ang kanyang career sa ngayon, paano niya ito ilalarawan?

“I guess, right now, it’s the best it’s ever been, the best situation for my career.

“Kasi every year, feeling ko, nagagawa ko yung mga tamang projects, yung tamang career path para sa akin.

“I just feel so thankful talaga na I’m given projects like this, of this quality.

“I’m given the chance to work with these people.

“Kasi what’s best is yung experience and yung mga taong nakakasama mo—that’s quality experience.”

Ano ang reaksiyon ni Sam sa mga nagsasabi na tila nababagalan sila sa takbo ng career niya?

“Well, I guess, for me, I would prefer a steady climb na magtatagal ako, rather than a huge leap tapos mawawala rin. You know what I mean?

“And I’m not after that, I’m after my own growth, my own personal growth as an artist, as a person.

“So, I feel blessed na sa mga ginagawa kong projects, naa-achieve ko yung goal ko.”

Ano pa ba ang mga masusubaybayan at aabangan ng mga tao, lalo ng kanyang fans, sa career niya?

“Well, I’m still doing Angelito, I’m still doing ASAP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m working on a new album right now under Universal Records.

“This album naman, parang transition ko rin na mapapakinggan ng mga tao na iba na yung sound ko, yung music ko.

“At saka yung label ko, yung Universal, they’re sending me out in Asia, like sa Indonesia.

“I already have some projects set there, an album coming out to be released there, a TV series, and I also might do a movie there.

“So, marami pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN