Tippy Dos Santos excited about showing of first film; prays for Zsa Zsa Padilla’s recovery

Tippy Dos Santos on I Do Bidoo Bidoo co-star Zsa Zsa Padilla’s health condition: “Kasi, I think God only challenges those [people]... with that kind of challenge, if He knows you’re strong enough. And Tita Zsa Zsa is one of the strongest women that I know.”


Excited na si Tippy Dos Santos sa nalalapit na showing ng kanyang kauna-unahang pelikula, ang I Do Bidoo Bidoo.

Nagkaroon ng advanced screening ang pelikula kahapon, Agosto 23, sa Gateway Cineplex 3 sa Cubao, Quezon City. Dito eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young singer-actress.

Sabi ni Tippy, “blessing” ang proyektong ito sa kanya.

“This is such a big blessing, such a great gift to me, and hindi pa rin ako makapaniwala.

“Pero I thank God na binigyan Niya ako ng ganitong opportunity.

“So, ang napi-feel ko lang ngayon is happiness, sobrang elation, sobrang happiness lang talaga—happy, happy, happy talaga!”


THE CHALLENGE. Sa kabilang banda, inamin naman ni Tippy na naramdaman niyang “out of place” siya nang makuha siya para sa I Do Bidoo Bidoo.

Karamihan kasi ng kasama niya’y mga beterano na sa pag-arte at pag-awit, o kung hindi man ay may karanasan na dito.

Tampok sa pelikula ang mga batikang mang-aawit at artista na sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Eugene Domingo.

Katambal naman dito ni Tippy ang kapwa niya Kapamilya young star na si Sam Concepcion.

Sabi ni Tippy, “I haven’t proven anything yet.

"And the rest of the cast, they’re so made already, they’re on top, and parang made na talaga sila.

"Lahat ng tao kilala na sila, mga ginagawa nila, ‘tas isasama ako ni Direk Chris Martinez sa ganito.

“So, ang labas no’n, he’s challenging me.

“The challenge was not a burden for me, but it was a way of telling me na kailangan ko talagang paghirapan ‘to, kailangan ko talagang pag-focus-an, ang dami-daming nagde-depend sa akin sa movie.

“So, kailangan ko po talagang gawing maganda yung movie.”


ZSA ZSA PADILLA. Malaki naman ang pasasalamat ni Tippy kay Zsa Zsa Padilla, na gumanap na ina niya sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago ito ay nagkasama rin sila sa ABS-CBN musical-drama series na 1DOL noong 2010, kung saan mag-ina rin ang kanilang roles.

Ang Divine Diva raw ang nagturo kay Tippy ng ilang bagay na dapat niyang tandaan pagdating sa pag-arte sa pelikula.

Tulad na lamang daw kung gaano kahalaga ang ilaw.

Ang ilaw raw ang “magpapaganda sa ‘yo—‘yon ang magbibigay ng justice sa ginawa ng face mo.

“So light and life ang itinuro sa akin ni Tita Zsa Zsa,” sabi ni Tippy.


STRONG WOMAN. Napamahal na raw kay Tippy ang Divine Diva sa mga panahong magkasama sila.

Dahil sa kabila ng pagiging sikat ng Divine Diva, ayon kay Tippy, “Hindi niya pinapa-feel sa mga hindi pa made na, ‘Diyan ka lang.’

“Talagang pina-feel niya sa akin na family niya talaga ako, na anak niya talaga ako.

“So, talagang love na love ko si Tita Zsa Zsa.”

Kaya naman nang mabalitaan ni Tippy na may Stage 1 kidney cancer ang singer-actress ay ikinagulat niya raw ito.

"Backstabber" daw kasi ang sakit na cancer dahil hindi mo nararamdaman na unti-unti ka na palang pinahihina nito.

Gayunman, naniniwala si Tippy na hindi ibibigay ang pagsubok na ito sa Divine Diva kung hindi niya ito kakayanin.

Aniya, “Kasi it happens to the strongest of people.

“Kasi I think God only challenges those [people], with that kind of challenge, if He knows you’re strong enough.

"And Tita Zsa Zsa is one of the strongest women that I know.

“Ibig sabihin lang po no’n, kaya niya kung ano yung challenge sa kanya, kung ano yung ibinibigay ni God sa kanya na problem ngayon.

“I just pray that she gets well, and I know she’ll be strong enough to go through whatever she has to go through in life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN