Andi Eigenmann on loving again: “Hindi pa po time para masaktan po ako ulit.”

First-time mom Andi Eigenmann focuses on work: “‘Yon ang gusto kong unahin kasi it’s for mine and Ellie’s future.”


Natawa na lamang si Andi Eigenmann nang tanungin kung handa na ba siyang umibig muli.

“Ay, ang hirap ng tanong na ‘yan!” sabi ng 22-year-old na anak ng mga batikang aktor na sina Jaclyn Jose at Mark Gil.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Andi sa set ng pelikulang Nothing Compares To You ng Viva Films sa Republiq, Resorts World Manila, noong Huwebes ng gabi, Agosto 23.

Dahil isa na siyang ina, sinabi ng Kapamilya actress na nakatuon ang atensiyon niya ngayon sa trabaho at sa nine-month-old niyang anak na si Adrianna Gabriellie—o si Ellie.

“Nagko-concentrate lang po talaga muna ako kay Ellie ngayon, sa work ko.

“Doon lang po muna talaga ako nagpo-focus.

“Yun po talaga yung number one priority ko at yun ang gusto kong unahin kasi it’s for mine and Ellie’s future.

“Ngayon, siya po talaga yung pinaka-number one love ko,” saad ni Andi.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko ang nangyari sa relasyon ni Andi sa kapwa niya Star Magic talent na si Albie Casiño.

Si Albie ang sinasabing ama ng anak ni Andi, subalit hindi pa rin inaako ng young actor ang responsibilidad hanggang ngayon.

Dahil ba sa mapait na karanasan sa pag-ibig kaya hindi na muna interesado si Andi na pumasok sa isang relasyon?

Sabi ng celebrity mom, “Hindi naman po sa natatakot ako. Pero hindi pa po time para masaktan po ako ulit, kaya huwag muna po.”


SINGLE MOM. Sa ngayon, masaya na raw si Andi sa pagiging single mom.

Sa katunayan, sabi ni Andi, lagi siyang gumagawa ng paraan para magkaroon ng sapat na oras para sa kanyang anak sa kabila ng pagiging abala sa teleseryeng Kahit Puso’y Masugatan at sa pelikulang Nothing Compares To You.

Aniya, “Dinadala ko po si Ellie sa set kapag puwede, especially sa teleserye na Kahit Puso’y Masugatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mayaman yung role ko doon. Convenient kasi malaki yung space so madali kapag dinala ko po si Ellie.

“Kapag po afternoon, she goes there to visit me, kasi natatakot ako maka-miss ng milestone.

"Ayaw ko po talaga, pero at the same time, I have to work.”


PREPARING FOR ELLIE’S FIRST BIRTHDAY. Bagamat may tatlong buwan pa bago ang unang kaarawan ng anak niyang si Ellie, sa November 23, naghahanda na raw si Andi para rito.

Natutuwang kuwento niya, “Naghahanap po ako ngayon ng venue. ‘Yon ang first na inaasikaso ko.

“Actually, may pagka-perfectionist ako.

“I really think na kaya nga di na nakakagulat na may anak na ako ngayon because sa personality ko.

“Parang yung pagiging perfectionist ko ay nabubuhos ko sa kanya.

“Parang I want to give her the best birthday ever, a lot of nice things, ganyan. Everything, all the best just for her.”

Dahil bata pa lamang ay paborito na ni Andi ang cartoon na Alice In Wonderland, ito raw ang magiging tema ng birthday party ni Ellie.

Kuwento ng young actress, “Ever since I was a kid, gusto ko po talaga ‘yon. It was my favorite cartoon na before pa.

“At saka ang fun lang na parang mag-create ng ganung party, na parang whimsical and ethereal kaya sobrang nae-excite ako.”

Sigurado rin daw na maraming iimbitahang bisita si Andi para sa first birthday ng kanyang anak.

Mangunguna na raw sa listahan mga taong tumulong sa kanya nang ipinagbubuntis pa lamang niya si Ellie.

“Maraming guests talaga. I’m gonna invite everyone that I know, especially everyone na nandiyan para sa akin when I was pregnant with Ellie.

“Tapos yung mga ninong and ninang. Lahat po ng nagmamahal sa aming dalawa.”

Nang tanungin kung bahagi rin ng kanyang pagpaplano ang ina niyang si Jaclyn Jose, natawa na lamang si Andi at sinabing:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po nakikialam ang mommy ko kasi sobrang ganun ako ka-OC [obsessive compulsive], e.

“Hay naku, magtatalo lang kami kaya kailangan niyang umoo na lang sa lahat.”

Biro pa niya, “Tumulong na lang siya sa pagbayad!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN