Rita Avila on having a baby again: “Siyempre, I’m not really young anymore, na magiging madali sa akin.”

Ipinagkikibit-balikat lamang ni Rita Avila ang isyung nagkukuwestiyon sa pagkalalaki ng kanyang mister na si direktor Erick Reyes. Sabi ng aktres: "Matagal na kaming happily married ng asawa ko. I know him so well, so ano… non-issue po! He’s not... and I think I will not marry naman a gay.”


Hindi nagagalit o nasasaktan si Rita Avila kapag may mga nanlalait sa kanya dahil sa sobrang pagkahilig niya sa mga manika.

Naging isyu kasi ito noon dahil dito raw ibinaling ng aktres ang kanyang atensiyon dahil sa hindi nito pagkakaroon ng anak.

Sabi ni Rita, “No more. Kasi ano, e… yung ang mga hindi lang po magsasabi ng maganda sa ganyan ay yung mga hindi nakakaintindi.

“The dolls are sort of a therapy din sa akin tsaka laruan namin ni Erick yun, kaming mag-asawa."

Ang asawa ni Rita ay ang direktor na si Erick Reyes.

Patuloy ng aktres, “So, parang bilang direktor at artista, imaginative kami, e.

“E, wala naman kaming anak, di ba?

“And I meet a lot of people who have dolls na ganun din—they talk to their dolls. Kasi it helps, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rita sa presscon ng GMA-7 soap opera na Sana Ay Ikaw Na Nga noong Huwebes ng gabi, August 24.

Ini-imagine ba niya na anak niya ang mga manika niya?

“Laruan namin sila,” sagot ni Rita.

Hindi na siya affected kapag may mga hindi nakakaunawa sa pagmamahal niya sa kanyang mga manika?

“Hindi na, kasi wala naman akong ginagawang masama, e.

“Tsaka iyon nga, e, parang dahil nalaman din nung iba that I have dolls, so sila din nagsasabi sa akin, nagkukuwento, ‘Ay kami din po, we have dolls. Itong doll ko matagal na sa akin.’

“So, parang it happens to other people.”

Malulungkot daw si Rita kapag nawala sa kanya ang mga manika niya.

Ilan ang dolls niya ngayon?

“I have three main dolls.

“In fact, gagawan ko sila ng… magkakaroon ako ng series of storybooks for children na sila yung main characters.

“And I have other dolls kasi yung iba nga, bigay nang bigay, parang akala nila nga talaga na I am so fond of them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL LONGING TO BE A MOTHER? Noong 2006 namatay ang anak na lalaki nina Rita at Direk Erick, si Elia Jesu. Three weeks old lamang itong nabuhay.

(CLICK HERE to read related story.)

Is she longing na maging ina pa?

“Siyempre, I’m not really young anymore, na magiging madali sa akin.”

Sumusuko na ba siya?

“Hindi pa naman po, may chance pa.

“Kaya lang, I’m taking it easy kasi ang naging leksiyon ko po nung namatay yung anak ko is parang God sees the bigger picture.

“Parang… ganun lang pala kadali, puwede Niyang ibigay anytime, puwede Niyang bawiin anytime.

“And He knows best kung ano yung perfect para sa akin.”

Sinusubukan pa rin ba nila ng kanyang mister na magkaanak?

“Not trying hard anymore kasi nung bago ako nabuntis, we really tried so hard, and nakakapagod po talaga.”


GENDER ISSUE. Sa interview ay napag-usapan din ang tungkol sa pagkukuwestiyon sa pagkalalaki ng kanyang mister. Pero ipinagkibit-balikat lamang ito ni Rita.

Aniya, “Ay, matagal na rin pong ano ‘yan, e, matagal na rin pong tsismis, so wala na rin pong dating sa amin.

“Kasi matagal na kaming happily married ng asawa ko.

“I know him so well, so ano… non-issue po!

“He’s not... and I think I will not marry naman a gay.”

SANA AY IKAW NA NGA. Kabilang si Rita sa cast ng afternoon soap ng GMA-7 na Sana Ay Ikaw Na Nga, na “recreation” ng 2002 drama series noon nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia.

Ginagampanan ni Rita rito ang dating role ni Jaclyn Jose.

Pinanood ba ni Rita ang unang bersiyon ng Sana Ay Ikaw Na Nga?

“Hindi, nakita ko lang yung old trailer.”

Handa ba siya na makumpara kay Jaclyn?

“Kasi kami, nag-usap-usap nga kami nung cast na ayaw naming panoorin yung una para hindi kami maano na…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siyempre, it was ten years ago, tsaka may kanya-kanya naman pong atake. May kanya-kanyang instructions ang direktor sa amin.

“So, I think we shouldn’t be compared dun sa nauna.”

EULA VALDES. Bago itong Sana Ay Ikaw Na Nga ay huling napanood si Rita sa ABS-CBN primetime series na Walang Hanggan.

Dito ay ginampanan niya ang papel ni Jane Montenegro, na asawa ni Richard Gomez (Marco).

Ang akala ng lahat ay namatay na ang karakter ni Rita nang bumagsak ang eroplanong sinasakyan nito.

Ngunit muling bumalik ang kanyang karakter pero iba na ang kanyang mukha—ito ngayon ang ginagampanang papel ni Eula Valdes bilang Jean “Black Lily” Bonifacio.

Pinanonood pa rin ba ni Rita ang dating kinabibilangang programa?

“Minsan, minsan,” sagot niya.

Dagdag niya, “Eula is a very good actress!

“Sa Twitter world nga, pag may mga nagagalit kay Eula, ako pa yung nagtatanggol.

“Sabi ko, ‘Hoy, ano ba kayo, character lang yun, magaling lang talagang artista ‘yan!’”

Ano ang reaksiyon niya sa ibang comments na mas magaling si Eula sa kanya sa naturang papel?

“Well, because iba yung ano niya, e… iba na yung character niya, e.

“Tapos sa Twitter naman, what I usually read is: ‘Balik ka na, parang mas gusto namin ikaw as Jane!’

“So I think iba-iba naman po talaga ang magiging opinyon ng mga tao.”

Ano ang naramdaman niya nang si Eula ang ipinalit sa kanya?

“Wala, kasi nung nag-resign ako sa kanila, alam ko naman na papalitan nila ako.

“Kaya nga wala naman po talagang problema when I left the show.”

Alam din daw niya na si Eula ang ipapalit sa kanya.

Nag-resign daw siya sa Walang Hanggan due to health reasons.

Ano ang assurance na hindi siya magre-resign dito sa Sana Ay Ikaw Na Nga?

Sabi niya, “Kasi light po yung schedule.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nasabi kong ang galing ni God kasi hindi naman Niya ako binigla.

“Parang He gave me two months to rest tapos ito nga po pumasok yung offer.

“Yung two months na yun, may mga guestings po ako, pero hindi ko po talaga tinatanggap—talagang total rest.”

Sa iniwan niyang show raw ay almost every day silang nagte-taping.

Tinanong naman ng PEP si Rita kung anong network ang mas malaking magbigay ng talent fee—ABS-CBN o GMA-7?

“Ay! Kaloka! Secret na ‘yan!” natatawang sabi ni Rita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN