Martin Nievera on Zsa Zsa Padilla’s Stage 1 kidney cancer: “Let’s not talk like it’s the end of everything. No, it’s not. That is just the beginning of a whole new life for Zsa Zsa.”

“Maybe it’s a wake-up call for all of us, na dapat ingat tayo sa mga kinakain natin and be as positive as you can. Yun ang talagang kalaban ng cancer, yung positivity,” Martin Nievera comments when asked about his friend Zsa Zsa Padilla’s Stage 1 kidney cancer.


Isa sa maituturing na malapit na kaibigan ni Zsa Zsa Padilla, bukod kay Gary Valenciano, ay si Martin Nievera.

Halos magkakasabay kasi silang pumasok sa showbiz at sabay ring sumikat at gumawa ng sari-sarili nilang pangalan. Nagkaroon na rin sila ni Zsa Zsa ng joint major concerts at appearances.

Kaya’t nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa backstage ng ASAP 2012 nung nakaraang Linggo, August 19, hindi nakapagtataking magpahayag ito ng nadarama tungkol sa Stage 1 kidney cancer ng kaibigang female singer.

“We want to cry. We want to scream. Ang daming dinadaanan ng buong pamilya ni Zsa Zsa,” sabi ni Martin.

“So, I want to remain strong. I want to remain positive, I want to be a shoulder she can lean on anytime she wants. We all have to be positive.

“From what I’ve read, Stage 1 cancer is very treatable. So, I’m very, very positive.

“Let’s not talk like it’s sad. Let’s not talk like it’s the end of everything. No, it’s not.

“That is just the beginning of a whole new life for Zsa Zsa.

“Maybe it’s a wake-up call for all of us, na dapat ingat tayo sa mga kinakain natin and be as positive as you can.

“Yun ang talagang kalaban ng cancer, yung positivity,” pagpapatuloy ni Martin.

Mensahe pa ng Concert King sa Divine Diva: “Zsa Zsa, you know I love you and I love everything about you.

“I don’t know what happened to you right now and what you’re going through. I wish I could be there to hold your hand.

“Sa lahat ng nangyayari sa iyong test, whatever that you need, you have a friend in me, and that’s forever.

“Nandito ako para sa iyo. I love you so much.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN